Love Story #23

981 17 2
                                    

Karissa

Pumasok na si Maeve. Ilang absences na lang kasi ma dra-drop na siya. Kaming dalawa lang ang magkasabay kumain, hindi din ito madalas lumalakad at naglilibot ng campus. Galit siya sa mga pinsan niya at naiintindihan ko iyon.

"Zahra called me" Sabi nito.

"What is it?"

"Nothing. Nangamusta lang" Tumango naman ako sa kanya. Patuloy lang ang paglakad namin papunta sa gate ng University.

"Oops, magiging third-wheel ako?" Sabi nito at tumigil pa, napatingin naman ako ng diretso at nakatayo doon si Braeden, ng nagkatinginan kami kumindat pa ito at ngumiti sa akin.

"Uhm.. Sorry hindi ko alam"

"It's okay. Would you mind if sasama ako mag lunch?" Mabilis naman akong ngumiti ky Maeve at umiling. Ayaw ko ding pabayaan si Maeve na mag-isa dito sa University.

"Hey baby" Sabay kindat ulit ni Braeden sa akin. Inirapan ko naman siya.

"Hello Maeve!"

"Hi Brae" Sabay ngiti ni Maeve sa kanya na para bang wala itong dinaramdaman, para bang hindi pinsan ng taong hindi nagpapakita sa kanya ang kausap niya.

"Let's go and lunch" Sabay hawak ni Braeden sa kamay ko. Pinagsiklop niya naman kaagad ito.

Tumango naman si Maeve sa akin at sumabay sa paglakad sa amin. Pinagitnaan nila akong dalawa. Habang palabas kami ng University, hindi pa kalayuan isang pamilyar na lalaki ang nakatayo sa gilid ng sasakyan nito. Napahinto si Maeve sa paglakad at hinawakan ng mahigpit ang braso ko.

"Surprise Maeve!" Braeden chuckled. Siningkitan ko naman ng mga mata si Braeden pero kumindat lang ito sa akin at hinigit ako palabas at nagmamadaling pumunta ky Fritz.

"You owe me one!" Sabay fist bump ni Braeden ky Fritz, binuksan ni Braeden ang pinto sa harap, si Maeve naman parang hindi makakapaniwala sa nakikita. Tinulak ko naman ng bahagya si Maeve at bumalik naman ito sa katinuan niya.

"Can I borrow Maeve for a while Karissa?"

"S-sure!" Sabay ngiti ko at tinulak na talaga ng lubusan si Maeve papasok ng sasakyan ni Fritz. Ng nakapasok siya, sinara naman kaagad ito ni Braeden. Tiningnan niya naman ako habang ako pabalik balik ang tingin ko sa kanya at sa sasakyan na kakaalis lang.

"Ayaw ko kasing masira ang lunch date natin" Napa half-open naman yung bibig ko, yung ngisi ko unti-unting nawala pero ng lumakad si Braeden patalikod para makapasok sa sasakyan niya napangiti din ako ulit.

He really has his ways.

**

Kumain kami ni Braeden sa Deliciouso. Nagmamadali naman kami ng ilang tawag ang natanggap niya ky Kuya Zephyr, habang nakikita ko ang pangalan ni Kuya sa phone niya, kinakabahan kaagad ako.

"Tss" Iritang sabi nito, nireject niya ang tawag ni Kuya pero ilang minute tumawag na naman ulit ito.

"Sagotin mo na lang, mangungulit lang yan" Sabi ko. Bumibilis naman ang tibok ng puso ko sa kaba. Ewan ko kung ano ang ipapalusot ko, ewan ko kung ano gagawin ko kapag magkaalaman na. Ewan ko lang talaga!

Sinagot niya naman ito pero niloudspeak niya, I am just biting my lower lip! Parang magkakasugat na ito sa kakakagat ko sa sobrang kaba. Hinawakan naman ni Braeden ang kamay ko at umiling ito sa akin.

Unexpected Love StoryWhere stories live. Discover now