Love Story #41

821 11 0
                                    


Third Person

Hindi nakapagsalita si Karissa, iyak lang ito ng iyak sa dibdib ni Braeden. Hindi naman mapaliwanag ni Braeden ang nararamdaman. Isang linggo, isang linggo siyang bumalik balik sa bahay ng mga Farrell at nagmakaawa kay Maeve para sabihin sa kanya ang nangyayari kay Karissa.

Ngayon na kayakap niya na ang babaeng mahal niya, kelangan niya itong hawakan at protektahan dahil alam na ng kapatid nito. Ayaw niyang mawala si Karissa sa maling panananaw ng pamilya ni Karissa sa kanya.

"What happened baby?" Tanong ni Braeden sa dalaga, inilagay niya sa likod ng tenga ni Karissa ang buhok na nakakalakat sa mukha nito. Umiwas naman ng tingin si Karissa sa kanya at napakagat sa labi. She's trying to pick words na maiintindihan ni Braeden, yung kahit anong sabihin niya mapapa oo niya ang kasintahan.

"Brae" Tawag nito sa lalaki. Umatras ng kaonti si Karissa at napahilamos sa mukha. Nakakunot lang ang noo ni Braeden habang nakatingin sa girlfriend.

"Gusto ni Kuya hiwalayan kita"

"What!?" Gulat at inis na sigaw ng binata sa kanya. Mabilis namang umiling si Karissa at napatakip sa bibig para pigilan ang ingay ng kanyang iyak.

Lumapit naman si Braeden sa kanya at hinawakan ang balikat niton.

"You're doing it?" Sumingkit ang mga mata ng binata.

Umiling si Karissa na umiling. Huminga ng maluwag si Braeden at niyakap ng mahigpit si Karissa. Nanatili silang magkayakap hanggang sa na himasmasan si Karissa.

**

Karissa

"Gu-gusto ni Kuya iwan kita panandalian" Sabi ko kay Braeden at diretso ang tingin sa laman ng baso. Na sa garden kami at mahigit 20 minutes na kami at hindi ko pa din magawang sabihin sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction niya, hindi ko alam kung okay sa kanya.

"C'mon Karissa! Don't tell me papatolan mo ang hamon ng kapatid mo?"

"Siyempre hindi!" Tumayo ako out of frustrations. Tumayo ako sa harap niya, diretso lang itong nakatingin sa kawalan. Naka de kwatro ito at sinasandal ang ulo sa upuan.

"Then what?" Mahinanong sabi nito at tumingin sa kalangitan.

Hindi ko mapigilang wag umiyak! Kasi kapag naiisip ko pa lang ang mangyayari bukas o sa sususnod na araw alam kong masasaktan ako.

"Let's.. let's act we're done Braeden. Yan ang pinunta ko dito, akala ni Kuya makikipagbreak ako sa'yo ngayon kaya pinayagan niya ako. Wag tayong magpansinan sa University, ilang araw naman lang at graduate na din naman kayo, I will please Maeve na bilhan ako ng bagong phone pang text o tawag lang sa'yo, hindi pa nila ibibigay yung mga personal belongings ko and this is hard for me but you need this... could you please..." Napakagat naman ako sa labi ko, iniwas ko ang tingin ko ng tumingin siya sa akin "Please make them believe you and Zahra are dating"

"Pucha!" Nabigla naman ako sa sigaw niya, padabog itong tumayo at at lumakad. Mabilis ko namang kinuha ang braso niya at pinigilan siya.

Matalim siyang tumingin sa akin, inalis niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya.

"Ano ang pinapakita mo sakin Kar!? Na hindi kita kayang ipaglaban sa mga langya mong pinsan at kapatid!? Maipapanalo kita sa kanila! Maipapakita ko sa kanila na deserve natin ang isa't isa! Nasasaktan ang pride at ego ko sa ginagawa mo! Hindi mo ako kelangan ipaglaban sa pamilya mo! Kasi dapat ako gumagawa niyan!"

"Braeden—"

"NO!" I just pressed my both lips.

Tumalikod ito sa akin at napasuklay sa buhok niya sa inis.

"But please..—"

"I said no!" Matigas nitong sabi sabay turo sa akin.

"Please Brae! Wag mo ngang isalba ang pride mo muna!—"

"Wala akong sinasalba dito na pride Karissa!"

"I need you Brae. I need you to cooperate"

Ngumisi naman siya at lumapit ng kaonti sa akin. Nagkatinginan kami at ang tigas na naging reaksyon niya, nawala ito ng kaonti. Lumapit ako ng kaonti din sa kanya para yakapin siya, hindi ko naramdaman na niyakap niya ako pabalik. Alam kong galit siya, alam kong sinaktan ko ang pinakamamahal niyang pride. I understand him, but I want to fight for him.

"I could be all you need but you treat me like nothing at all"

Inalis niya naman ang kamay ko na nakayakap sa kanya, hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko siya natawag at nahabol ng papalayo itong lumakalakad papasok ng bahay nila.

Simple lang naman ang hiningi ko sa kanya, hindi naman mahirap gawin iyon. Hindi naman kami maghihiwalay. Ayaw ko naman mawala siya sa buhay ko, gusto ko lang maramdaman na kahit ano ang mangyari, andiyan siya sa likod ko.

Walang kabuhay buhay akong sumakay sa sasakyan ni Kuya. Hindi ko pinansin ang mga tanong niya kung okay lang ba ako o hindi. Sinandal ko yung ulo ko at pinikit ang mga mata ko.

Tell me, we're going to get through this. Right baby?

**

Pagdating sa bahay, nagtatawanan sa labas ang mga pinsan ko. Andoon si Maeve at tuwang tuwa sa gilid.

Tumingin naman sila sa pwesto namin ni Kuya na lumalakad papunta sa kanila, tiningnan naman ako ni Maeve, tipid naman akong ngumiti sa kanya at umiling.

"Where have you been?" –Krish

"Nagpasama lang ako kay Karissa"

Hinigit ko naman ang upuan sa tabi ni Maeve at wala sa sariling kinuha yung inumin sa harap at diretso itong ininom.

"Woahh! Chill Kar" Sabay tawa ni Cove at kuha ng bote ng beer na hawak hawak ko.

Parang walang nangyari past few days diba? This how good actors are they! Mana mana lang yan, na sa dugo na namin yan.

"C'mon hayaan niyo! Nagtagumpay siya sa laro nila ni Braeden eh" Sabay tawa ni Zephyr.

Kung ano ano namang reaksyon ang bumalot. Si Maeve lang ang hindi nag react.

"What game?" –Mico

Inirapan ko naman siya ng nagtama ang paningin naming dalawa.

"No strings attached" Sabay kindat ni Zephyr sa kanila. Nalaglag naman ang panga nilang tatlo na hindi nakapaniwala.

Such a lame reason Zephyr. Hindi ko na tansya na ang rason na kinaiinisan ko sa kanila napaka babaw lang! Ughhh!! At ang babaw din ng rason nila para magalit sa relasyon namin ni Braeden.

Tawanan at kwentohan ang ginawa nila habang ako tahimik sa isang sulok. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin para ma convince si Braeden.

Alam kong maniniwala sila kay Kuya Zephyr, God! Kuya Zephyr is like a saint to them. Yung isang sabi lang pinaniniwalaan ng lahat.

"Pasok na ako, masakit ang ulo ko" Paalam ko sa kanila at tumayo. Tumango naman sila without hesitation, parang nabunutan sila ng tinik sa dibdib sa isang salita lang ng kapatid ko.

Rinig ko ang sunod na yapak ni Maeve sa akin. Ng nakapasok na sa bahay, dali dali naman akong tumakbo paakyat ng kwarto at umiyak doon.

"Karissa"

"Maeve tell me.. wala ba akong karapatan para ipaglaban ang sa amin?"

Dali dali naman siya lumapit sa akin at niyakap ako.

I just need someone to hug me and tell me I'm not as worthless as I think I am.

Unexpected Love StoryOnde histórias criam vida. Descubra agora