Love Story #5

1.4K 13 0
                                    

Karissa

Maaga akong nagising para maka jog sa subdivision namin, siguro naging habit ko na ang mag jog palagi sa subdivision.

Sakto naman paglabas ko ng kwarto, lumabas din si Kuya Zephyr na kakagising lang din. Tiningnan ko naman ang wrist watch ko at sobrang aga pa para sa kanyang pasok. Mamayang 10am pa yung pasok ko, pareho kaming dalawa.

"Where you going?" Lumalakad naman ito na sobrang antok pa, para lang itong napilitan sa kanyang pagbangon.

"Jog, wanna go with me?" He shook his head at lumakad naman at bumaba na tumatakbo ng bahagya. Sumunod naman ako sa kanya, lumabas ito ng bahay, naka boxers lang siya at walang pang itaas. Pareho sila ni Kuya Kodi.

"Fuck you Guerrero! Langya ka talaga" Napatingin naman ako sa pinto sa sigaw ni Kuya Zephyr, poker face naman si Braeden habang si Kuya Zephyr asar na asar sa kanya.

Ano ginagawa niya dito? Really? 6 o'clock?

Ng nagtama ang tingin namin, bahagya naman itong ngumiti inirapan ko naman siya at nilagay na lang yung headseat ko sa tenga ko at inayos ang sintas ko.

"Bakit hindi ka tumuloy sa kanila Cove? Or Krish? Why here? Fuck you! Sobrang puyat ako! Nambwibwiset ka eh"

"C'mon Zep! Ba't mo binuksan diba?" Tama nga naman siya, minsan nagtataka na ako kung meron bang common sense ang kapatid ko.

Tumingin naman ulit si Braeden sa akin, umiwas naman ako. I shook my head at patuloy na lang lumakad.

"Bahala ka nga diyan, merong pagkain diyan. Kumain ka kung gusto mo" Sabi ni Kuya at pumasok naman ng bahay, napahinto naman ako ng hawakan ni Braeden ang kamay ko. Inalis ko naman kaagad iyon.

"Good morning" Sabay ngiti nito. I sarcastically smiled "Anong good sa morning kung ikaw ang nakikita ko?"

He bite his lower lip and chuckled.

"Oh I forgot, I'm not Brennan" Sabi nito at lumakad na nakangisi. Well! I was offended. Oo, palagi ko ngang sinasabi sa kanya na hindi siya si Brennan ba't ang offensive kapag sa kanya galing?

"Oh wait" Sabi nito, kinuha ko naman ang headset ko at tiningnan siya.

"I wanna jog too"

I rolled my eyes at him. Really? Jog? He's wearing a plain fitted paddock's shirt and shorts, and his top-sider. Well, pogi nga siya at kitang kita ang hubog ng katawan niya. Mas well-built talaga si Braeden kesa ky Brennan. Alagang-alaga kasi niya yung katawan niya, while Brennan? Inuubos ang oras sa pag-aaral. Well, that's my love.

Hindi ko naman siya pinansin at patuloy lang ako sa pagtakbo, naiirita ako kasi hindi siya nag jog, sumakay siya sa sasakyan niya at sinusundan lang ako sa gilid, mabagal ang pagtakbo nito, nakalagay pa ang isang kamay sa bintana ng sasakyan niya at isang kamay lang ang nasa manibela niya. Really? Papogi ang peg niya?

"Tomorrow could be the someday you've been waiting for, Karissa" Padabog ko namang kinuha ang nakasabit sa tenga ko at huminto.

"Thank you?" I said sarcastically.The idiot chuckled.

"C'mon Kar! Napa-oo ko na si Brennan" Meron naman kung ano sa puso ko, yung kaba at saya. Parang excited ka na ewan, yung hindi mo ma explain. Ganyan talaga siguro kapag meron kang gusto sa tao, yung hindi mo alam kung ano gagawin mo, yung hindi ka mapakali.

"He can't go on your birthday, but he can go on a dinner with you tomorrow night" I bite my lower lip and tried to hide my smile.

Braeden really never fail to make me happy. Not that literal.. ugh fine! Yeah, alam ko naman na gusto niya ako, alam ko naman na ginagawa niya yan para sa akin, pero alam kong hindi ako pwede sa kanya, tanga ang papatol sa kanya, masokista ang papayag na maging girlfriend niya.

Hindi naman mahirap magustohan si Braeden eh, yun nga lang ky Brennan ako. I know he will take good care of my heart, at alam ko na hindi si Braeden yan, alam kong magagalit ang mga kapatid, at mga pinsan ko kapag pinatulan ko ang laro ni Braeden.

He's the great Braeden Yousef Guerrero, known as a heart breaker.

"Oh well, I should be the one motivating, inspiring, pushing and loving myself" My jaw dropped. Binilasan niya naman kaagad ang pagtakbo ng kanyang sasakyan, I left their unbelievable. Really? Bipolar.

***

"Waahhh!! Omg! Omg!" Bungad ni Zahra sa amin ni Maeve, nilaro laro ko lang yung straw ng iced coffee ko, sinabi ko naman kay Maeve ang about sa dinner date namin ni Brennan at sa pagtulong ni Braeden, kahit isang comment wala akong natanggap sa kanya.

"What?" -Maeve

Umupo naman si Zahra sa tabi ni Maeve at pinakita pa ang phone niya ky Maeve, tiningnan naman iyon ni Maeve at tumingin sa akin. Kinuha ko naman ky Zahra ang phone niya at siya naman kilig na kilig.

From: Braeden Guerrero

Hey Zahra, wanna go out tomorrow night? ;)

Zahra:

Yeah, sure Brae! That's a great invitation.

Braeden:

Really, baby? So I'll fetch you tomorrow night then.

"Fudgee!!" Sabay alog ni Zahra sa akin na pinapawisan ito at namumula ang mukha. Uminit naman kaagad ang dugo ko ky Braeden. Really? Last time I was his target, tapos ngayon kaibigan ko naman? How about next week? Si Maeve naman?

"Don't, Zahra" Napa face palm naman ako sa sariling salita na binitawan ko ky Zahra. Really, Karissa?

"And why not, Couz?" Tumaas naman ang kilay ni Maeve sa akin at meron itong mapanuksong ngiti.

"Oo nga! Hindi naman si Brennan to ah" Sabay pout pa ni Zahra. I rolled my eyes at them.

Fine!


Unexpected Love StoryWhere stories live. Discover now