Love Story #10

1.2K 18 0
                                    

Karissa

Days. Weeks and month passed.

Hindi ko na imagine na magiging super close kaming dalawa ni Braeden, tanong ng tanong nga si Maeve at Zahra sa akin dahil ilang beses na kami nilang makita ni Braeden every 6:30 palabas ng University at palagi akong hinihintay ni Braeden. Mga boys naman wala naman sa kanila, nagtatanong lang kung bakit naging okay kami.

"We're matured" Yan lang ang sagot ni Braeden sa kanila kaya wala ng questions pa.

"Ngiti-ngiti mo diyan?" -Maeve.

Nilagay naman ni Zahra ang tray ng pagkain, umupo naman sa tabi ko si Maeve at humilig ng bahagya sa akin.

"Na sa labas si Brae" Tinaasan ko naman ng kilay si Maeve. Bakit kelangan pang ibulong?

"I'll tell you later, basta lumabas ka na nga lang" Tumango naman ako ky Maeve at ng excuse ky Zahra.

Paglabas ko ng Caf, andun nga si Braeden na merong dalang-dala na paper bag. Malapit na ang December, at nakaplano na kaming lahat mag Cebu. Hindi sasama si Zahra dahil busy ito, pero yung ibang mga kaibigan nina Kuya na iba sasama siguro, ewan wala akong idea.

"For you" Tinanggap ko naman iyon at sinilip. I bite my lower lip, I felt butterflies on my stomach.

Wala naman something sa amin ni Braeden, wala namang label, nag-uusap lang kami, lumalabas, at wala. Wala na, oo hinihintay ko nga na aamin siya, siguro gusto ko na din siya. Hindi na ako nag cre-crave sa attention ni Brennan, dumadaan ako palagi sa room nina Kuya para makita ko si Braeden, parang bumaliktad ang mundo. Kung sino yung kinaiinisan ko at hindi kinakausap noon, siya naman ngayon ang gusto kong makausap palagi.

"I missed you, Kar"

"Bolero" He chuckled. 3 days kasi silang wala ng kambal niya dahil namatay ang Lolo nila sa New Zealand, kagabi lang ang balik nila. Oh well.

"Pa-pasok na ako, baka hanapin nila ako eh"

"Sure, I'll fetch you later?"

"Sure" Tumango naman ito at lumakad. Tiningnan ko naman siya habang lumalayo sa akin, napangiti naman ako.

"ANO YAN!?" Nabigla naman ako sa paghigit ni Cove ng paper bag na hawak hawak ko at tiningnan ang laman nito, tiningnan ko naman siya at sa pwesto ni Braeden. Mabuti naman at nakaakyat na ito.

"Wa-wala! Ano ka ba! Bigay mo nga yan"

"Whatever" Sabi nito pero kinuha yung isang bar ng chocolate at binuksan iyon. Inakbayan niya naman ako at hinigit papasok ng Caf. Pagdating namin doon, andun sila ni Kuya, kumpleto silang magkakaibigan si Braeden lang ang wala.

Andoon naman ang iba din nilang barkada. Umupo naman ako sa pwesto ko, bumeso naman si Gracie at Giselle sa akin. Well, they're my friends too because of my brother and cousins. Big circle sina Kuya, madami pa sila, halos sikat silang mag ba-barkada. Squad talaga kumbaga.

"So.. what's the plan for next week?" -Krish.

"C'mon Zahra! Punta ka na!" -Giselle.

Umiling naman si Zahra at patuloy lang sa pagkain, kaming tatlo lang ni Maeve ang kumakain, si Cove naman ayan kinakain ang chocolate na bigay ni Braeden sa akin, pinagpasa-pasahan nila ni Mico.

"Kung si Braeden ang mag i-invite sa'yo, pupunta ka?" Sabay tawa ni Gracie, napatigil naman ako sa pagkain at parang merong selos akong naramdaman. Sht! Siyempre, ano pa ba dapat kong iexpect? Gusto ni Zahra si Braeden, alam yan ng tropa.

Siniko naman ako ni Maeve at pinandilatan, inirapan ko naman siya. As if naman makakawala ako sa pinsan ko, sinabi ko sa kanya ang na fe-feel ko pero hindi ko masyado sinasabi sa kanya na minsan nagde-date kami ni Braeden.

"Game na yan ah! Kapag si Brae ang mag iimbita sa'yo, sasama ka ha?" -Giselle. Pumula naman ang pisnge ni Zahra at napa-oo na lang. tumawa naman sila, except for me, Maeve and Mico.

Ng plano naman sila ng kung ano ano, kung paano nila mapapa-oo si Brae na sasamahan nito si Zahra the whole time na nasa Cebu kami. Fck it. Parang ako naman ang mag ba-back out.

"Tawagan niyo nga si Brae, for sure na sa taas lang yun" -Krish

Kung ano ano namang kwentohan kaagad, my mga sariling mundo na sila kaagad. Nawalan ako ng gana at tinabi na lang ang pagkain ko. Confirmed, napapamahal na talaga ako sa kanya.

Natatakot ako, natatakot akong ma fall sa kanya at malaman niya, natatakot ako baka kasi laro laro niya lang to, natatakot ako baka magalit mga kapatid at pinsan ko sa akin, natatakot akong ma judge ng mga nakakakilala ky Braeden kung paano itong mag-girlfriend, basta natatakot ako.

Paano kung nagbibigay lang pala siya ng motibo, pero hindi naman totoong gusto ako?

"C'mon dude! Come here... Wala ano ka ba... Ge na punta ka na" Nagtama naman ang tingin namin ni Cove at kumunot naman ang noo nito sa akin habang nakalagay ang phone sa tenga niya. "Yep, she's here" napaiwas naman ako kaagad ng tingin sa kanya ng marinig iyon. Kung anong kaba naman ang naramdaman ko.

Ang available seat ay ang sa harap ko, sa gitna nina Giselle at Krish. Naiilang ako kasi sa bawat titig ko ky Cove nakatingin ito sa akin na para bang meron akong ginawa.

"Brae!" Napamura naman ako sa isip ko ng isigaw iyon ni Mico.

"CR tayo" Bulong ko ky Maeve, tinaasan niya lang ako ng kilay habang kinakain ang brownies na hawak hawak niya. Napailing na lang ako ky Maeve.

"Dito ka sa tabi ni Zahra" Sabay tawa ni Kuya Zephyr.

"Better sit there" Sabi ni Braeden lalapit na sana sa harap ko ng mabilis na umupo si Cove doon. Mas lalo lang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Doon ka na lang, Bro. Meron lang akong ipapakita ky Krish" Palusot ni Cove. Wala namang nagawa si Brae kundi ang umupo sa gilid sa tabi ni Kuya Zep at isang kaibigan pa nila na si Alex.

Mas lalo lang akong kinakabahan sa bawat galaw ni Cove, hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam. Nakakabaliw ang ganito. Alam kong wala akong dapat ikatakot kasi wala namang namamagitan sa amin ni Braeden, I appreaciate their effort kung pinapalayo nila si Braeden sa akin kung meron man itong plano sa akin pero wala naman ito. Month na kaming close ni Braeden at wala namang nangyayari sa friendship namin, hindi naman ito nagsasalita kaya why bother diba?

Tinutukso-tukso naman nila si Zahra at Braeden, sobrang pula na ng mukha ni Zahra. Nakikisabay na lang ako sa pagngiti kahit parang nagseselos ako.

I am pretending that I don't feel anything towards Brae, I am pretending that I am not affected here. Pretending. I'm so good at it, they'll never know I'm doing it.

"Sorry guys, I need to go" Sabi ko ng ng ring yung phone ko na nakapatong sa mesa. Napatigil naman sila at napatingin sa akin.

"May lakad ka?" -Maeve

Isang mabilis na sulyap lang ang ginawa ko ky Maeve at na gets niya kaagad ito.

"Shit oo nga pala, ang reporting. Mauna na kami" Sabi nito at mabilis din na dinampot ang bag niya at hinigit na ako at lumakad ng mabilis. Ng malapit na kami sa pinto ng Caf, sumulyap naman ako sa kanila. Nagtama naman ang tingin namin ni Braeden, he nodded at me kaya ngumiti lang ako sa kanya.

*phone vibrated*

From: Braeden

Sorry baby.

Tumaas naman ang kilay ko sa text niya, tumibok naman kaagad ng mabilis ang puso ko and my palms are sweating. Fck. What's happening Karissa?


Unexpected Love StoryWhere stories live. Discover now