Love Story #28

957 10 0
                                    

Karissa

Pumunta kaming dalawa sa favorite spot namin kapag lunch time. Magkatabi naman kaming umupo ni Braeden, hindi naman niya inaalis ang kamay niya sa kamay ko.

"What do you want to eat baby?" Tanong nito habang nakatingin sa menu.

"Busog ako eh, kumain kami ni ano.. ni.. basta finger foods na lang yung akin then iced coffee" Natatarantang sabi ko. Lumuwag naman ang pag hawak niya sa kamay ko.

"Nino?"

"Braeden naman eh"

"Wag kang mag baby baby sa harap ko Karissa. Hindi yan uubra" Suplado nitong sabi at tumayo, sinundan ko naman siya ng tingin at pumunta siyang rest room. I rolled my eyes, PMS ba ang boyfriend ko?

Wag mag baby baby? God! The last time I've checked, I am his baby. HIS.

Ako na lang yung nag order ng kakainin naming dalawa.

"15 minutes ma'am, and we'll serve your food" Tumango lang ako at ngumiti sa waiter.

Sakto naman pagbalik ni Braeden, nakabusangot pa rin ang mukha niya. Tatawagin ko sana siya nang ng ring yung cellphone ko, tiningnan niya naman iyon at umupo sa tabi ko.

Mico calling...

"Why?"

"Wow! Gandang hello ah?" Sabay tawa nito. Umirap naman ako sa kawalan.

"I need you here"

"I'm on lunch-"

"Really? Lunch? 1:45 pm?"

"C'mon Mic! Bilis na"

"Am I ruining your date with Brae? Kaya ba wala siya dito?" Sabay tawa na naman nito, tiningnan ko naman si Braeden na halatang nakikinig sa usapan naming magpinsan.

"Faster Mico" Bossy na sabi ni Braeden, tinakpan ko naman kaagad ang bibig niya at pinandilatan siya.

"3pm Karissa. You can make it?" Tiningnan ko naman ang wrist watch ko.

"Ye-"

"No she can't Mico" Braeden cutted my word. Inilayo ko naman ang cellphone ko at tiningnan si Braeden na nakaunat ang isang kamay sa sandalan ng silya na inuupuan ko.

"Stop Brae" Bulong ko sa kanya. Pero hindi niya ako pinansin. God! He's like a girl! Acting like a girl!

"Ano ba kasi yun? Merong event? Urgent na lakad? What?"

"Naglayas lang naman kasi yung pinsan mo kasama ng pinsan ng boyfriend mo"

"What!?" Halos pasigaw ko na sabi. Humagikhik naman si Braeden at tumingin na natatawa sa akin. Siniko ko naman siya sa tagiliran.

"Pumunta ka na lang kaya dito"

"Kumakain nga ako diba? Ughh! Bakit naman siya nag layas? Baka nag o-over react lang kayo! Umalis lang yun"

"Really? Umalis? Pumuntang saan?"

"Can you just boys chill your balls!? Nakakainis na kayo"

"Your mouth Karissa" kinurot ko naman si Braeden sa inis sa pagsulpot na naman sa usapan.

"Fine! 3pm! Hahanapin natin siya, kapag yan hindi talaga nag layas! Sinasabi ko sa'yo Mico Holton Farrell! Sinisira mo araw ko!" Sabay baba ko ng telepono.

Why would I panic if alam ko naman saan pumunta pinsan ko diba? Ughh! They're just out of town, hindi siya papasok for 1 week, hindi ko siya makakasama for 1 week, hindi siya makikita for 1 week at kelangan ko siyang pagtakpan for 1 week.

My goodness Maeve Marleigh Farrell!

"You're acting like an actress" Braeden chuckled inirapan ko naman siya. Bipolar!

"Yeah I am Mr. Guerrero, do you want me to act like I don't care about you?" Pinagsingkitan ko naman siya ng mga mata, mabilis niya naman kinuha ang leeg ko at niyakap ako at hinalikan sa ulo.

"You'll miss me if you do that baby"

**

"Kelan uuwi sina Fritz?" Tanong ko kay Braeden habang inaayos niya yung seatbelt ko, ng matapos niya yun mabilis na halik naman kaagad ang binigay niya sa akin.

"I don't know. Gusto mo ding lumayo? I have ways baby, I can sustain you" Sabay kindat nito.

"Let's do some we-shouldn't-be-doing-this things" And he smirked. Tiningnan ko naman siya na nakataas ang kilay.

"What do you mean by we-shouldn't-be-doing-this things Braeden Guerrero?" Nag gesture pa ako na quote and unquote sa we-shouldn't-be-doing-this. He chuckled at squeezed my cheeks.

"You're thinking a bad idea but I love bad idea" Sabay tawa nito, hinampas ko naman siya sa braso at inirapan. Hindi ko din napigilan at tumawa din sa kanya.

"What idea Brae?" Tawang tawa pa din ito habang nagmamaneho.

"Bakit? Ano ba naisip mo?"

"Stop laughing Braeden! Ehh!" I gritted my teeth.

"You're cute baby! Kaya gusto ko ng magka-baby sa'yo eh" Sabay tawa na naman nito ng malakas, uminit naman yung mga pisnge ko, ng naramdaman kong parang ngingiti ako at sasabog sa pagiging pula, mabilis ko naman tinakpan ang mukha ko at mas lalo lang siya natawa.

"I have plane tickets for two baby. Trip to Hongkong for 3 days if you want"

"Hindi ka handa ah" I pressed my both lips to hide my smile. He smirked and looked at me, nagtama naman yung mga mata naming dalawa at nag ngitian kami. Parang bumaliktad naman ang sikmura ko, sumabog ang puso ko at parang feel na feel ko talaga ang pagiging inlove sa kanya.

"Lagi kaya akong handa, kahit magka-baby na tayo handa na ako" Sabay tawa na naman nito ulit. Hinampas hampas ko naman siya sa braso pero siya tawa lang ng tawa.

"Mababangga tayo" Merong tawa pa ding sabi niya, tinigilan ko naman siyang hampasin ng cross arms naman ako at hindi siya pinansin.

"Uy" Sabay sundot nito ng tagiliran ko. Hinahayaan ko lang siya. Napipikon na ako ughh. Kaya ayaw kong nag-aasaran kami kasi ang dali kong mapikon.

"Baby"

"Karissa.."

"Hey"

Diretso lang ang tingin ko at hinayaan siya diyan. Manigas ka Guerrero.

"Ayaw asarin, gusto lang lambingin. Ang unfair" He murmured. My jaw dropped, tiningnan ko naman siya na parang tatawa ako o maiinis sa sinabi niya. Ngumiti naman siya ng tiningnan niya ako at nakita niya ang reaction ko.

"God! I hate you so much Braeden"

Tumawa naman ito at pinark sa gilid ang sasakyan niya, niyakap niya naman ako at hinalik-halikan sa labi. Hawak hawak niya naman ang dalawang pisnge ko. Namumula na yung mukha ko sa kilig at inis sa kanya.

Ng diniin niya ang halik, hindi ko alam at kusang gumanti ang labi ko. Instead of expressing his fondness, here we are. Kissing.

"Don't hate me baby. I will surely die if you do that" Sabi nito, naiwan pang bitin ang mga labi ko. Kinagat ko naman ang lower lip at hinintay ang labi niya ulit. Nang nagtama iyon, mas lalo lang uminit ang halikan naming dalawa.

I don't want to make a mistake, but I think I am going to do it.

Unexpected Love StoryWhere stories live. Discover now