Love Story #6

1.2K 14 0
                                    

Karissa

"Brennan won't ditch you my dear cousin?" Tanong ni Maeve sa akin habang nilalagyan ako ng eye-shadow.

"No he won't, Maeve. Braeden promised me that"

Tumawa naman si Maeve sa sagot ko. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko diba? Kinurot ko naman siya sa thigh niya, tinampal niya naman ang kamay ko habang tumatawa pa din ito.

"Yun na nga, Karissa Priscille. Si Braeden ang ng promise, hindi si Brennan" Binuksan ko naman yung mata ko ng tapos niya ng lagyan iyon. Inirapan ko naman si Maeve at kinuha na lang yung curling iron sa drawer.

"Please" Sabi ko sa kanya at binigay ang curling iron. Kinuha niya naman iyon at kinulot na ang buhok ko. Kahit ano naman kaagad yung pinag-usapan naming dalawa. Gusto ko sana siya tanongin kung nag text ba si Zahra sa kanya about sa date nilang dalawa ni err.. Braeden.. pero alam kong iinisin lang ako ni Maeve at papaaminin ng hindi naman totoo.

Lumabas kami ng bahay ni Maeve at sinabayan niya akong maghintay ky Brennan, maaga pa naman at hindi pa nag text si Brennan na papunta na siya or something, excited lang kasi talaga ako.

"Pa VIP naman si Brennan!" Sabi ni Maeve at pinapaypayan pa ang sarili. Tiningnan ko naman yung wrist watch ko. 7pm na. Nahihiya naman akong mag text sa kanya kung saan na siya, at merong parte sa isip ko na nainis bigla. Paano kung trip lang pala ni Braeden na sabihan ako na tuloy yung dinner pero sa totoo naman wala naman palang dinner.

I shook my head. Braeden won't do that.

Hinablot ko naman ang phone ko at dinail ang ang number ni Braeden, naka dalawang ring pa lang iyon at nasagot na nito.

"What the fuck Brae! Sabihin mo nga sa akin kung trip mo lang ang pagsabi na mag di-dinner kami ni Brennan!"

"What?... shh! The fuck.. sandali lang" Umirap naman ako. As usual na sa bar naman ito kasama si Kuya Zephyr at iba ko pang pinsan.

"What is it, baby?" I rolled my eyes. What an endearment.

"Wag mo ako ma baby baby gago ka. Wala pa si Brennan dito! Paasa ka eh!" Inis kong sigaw sa kanya, gusto kong magwala at sabunutan siya pero ughh.

"Kalma" Sabi ni Maeve at hinablot ang phone ko. Tiningnan ko naman si Maeve na nag distansya sa akin at nagsalita na. Padabog ko namang hinatak ang upuan sa garden at nilagay ang pouch ko sa mesa.

All I need is someone who needs me. I know this isn't infatuation, crush or like. I know this is already love for Brennan. Alam kong matagal na ako nagtatago sa kanya, sabi ko noon. Magkakagusto din siya sa akin, mapapansin din niya ako pero nagkamali ako. Kasi kahit anong pabida pala ang gawin ko, kahit pala ano pa ang iutos ko sa kambal niya, hindi pa din pala ako mapapansin ni Brennan. Am I not worthy for him? Bakit hindi niya ako mapapansin, hamak na mas maganda naman ako sa mga babaeng nakita kong kasama niya, talaga bang kababatang kapatid lang ang tingin niya sa akin?

Tiningnan ko naman si Maeve na hindi na nakalagaw sa tenga ang phone ko, parang meron pa itong hinihintay na tawag ulit. Tinaasan ko naman siya ng kilay ng nagtama ang tingin namin.

"Wait lang" Sabi naman nito. I shook my head. I guess, I should move on. Dapat kasi hindi ako nagkakagusto sa taong hindi naman ako gusto.

Padabog naman akong tumayo at tumakbo papunta sa kwarto ko. Nasalubong ko pa si Kuya Kodi, kumunot lang ang noo niya nakatingin sa akin pero hindi ko na pinansin iyon.

Unexpected Love StoryWhere stories live. Discover now