Love Story #36

847 10 0
                                    

Karissa

Naka cling naman si Maeve sa braso ko habang hatak hatak ang maleta niya, ngumiti naman kami pareho ng natanaw namin ang mga pinsan naming nagtatawanan. Hindi sumabay sina Fritz at Braeden sa paglabas namin dahil hindi alam nina Kuya na ngayon din ang uwi ni Brae.

Habang nag aalmusal kasi kaming apat, tumawag si Kuya sa kanya at nagpapadala ng pasalubong. Matagal silang nagkwentohan, inis na inis nga si Braeden dahil hindi ito makakakain, but nasiyahan siya ng sinusubuan ko siya habang nakikikwentohan sa kapatid ko. Ahh!

"We missed you!" Sigaw ni Mico at niyakap kami ni Maeve. OA! 1 week lang kaya akong nawala, at hindi naman matagal nawala si Maeve ah.

Dinala naman nila ang mga dala namin ni Maeve, van ang dala at si Cove ang nagmamaneho. Nilabas ko naman yung cellphone ko para itext si Braeden na paalis na kami ng airport.

"Where do you want to eat?" Tanong ni Krish.

"Kahit saan na lang" Tumango naman si Krish na nasa front seat.

Kwentohan naman sila ng kwentohan habang ako na sa gilid at sinandal ang ulo ko sa bintana, sumasakit ang ulo ko. Siguro kulang talaga ako sa tulog. Hinawakan naman ni Maeve ang kamay ko.

"Why?"

"Masakit lang yung ulo ko" Sabay ngiti ko sa kanya.

"Uuwi na lang tayo?" Tanong ni Cove.

"Nope! Hindi naman ako mamamatay"

"Siyempre! Hindi ka pa nga nagkakaboyfriend" Tumigil naman ang pagtatawanan ng nagsalita si Mico. Tumingin naman kami sa likod sa kanya pinandilatan ko naman siya pero binalewala niya lang iyon. Napailing na lang ako.

**

Hindi naman ako mapakali sa kinauupuan ko ng hindi pa rin ako nakakatanggap ng text kay Braeden. I tried calling him or just missed a call pero wala pa din. Hindi ko man matanong si Maeve dahil nakaupo siya sa tabi ni Cove.

"Kumain ba kayo dun? Karissa, kumain ka na. Hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo" tumingin naman ako kay Kuya at hinawakan ulit yung kutsara't tinidor ko.

"Meron bang problema Kar?" Umiling naman ako kay Cove at pilit ngumiti.

"Pagod lang yan" Pinandilatan naman ako kaagad ni Maeve, umiwas lang ako ng tingin sa kanya at pinatuloy na lang yung pagkain ko.

"By the way, rinig ko ngayon din flight ni Braeden, Kar ah? Hindi kayo nagkasabay?" Nasamid naman ako sa tanong ni Cove, mabilis ko naman kinuha yung iced tea at diretsong ininom iyon.

"Ah.. really? Hindi" Sagot ni Maeve, naramdaman ko naman ang pagsipa niya sa paa ko sa ilalim. Umayos naman ako ng pagkakaupo.

"Nakasabay lang kami papunta pero hindi ko na din alam ang flight niya pabalik dito"

"Hindi kayo nagkausap?" -Krish.

"Usap about what?" Sabay yuko ko at sinimulang kumain ulit.

"Blah blah things" Krish added.

Umiling lang ako habang nakayuko. Napatingin naman ako sa katabi ko ng padabog na tumayo si Kuya Zephyr at pinagpag ang damit niya.

"I'm done playing with this shit. Let's go" Kumunot naman ang noo ko ng tiningnan siya, tiningnan ko naman sila pero umiwas lang sila ng tingin. Tumingin din ako kay Maeve at nag kibit balikat ito sa akin.

Sumunod naman ang mga boys kay Kuya, na sa huli naman kami ni Maeve.

"God! What's happening?" Tanong ko sa kanya.

Weird namin silang tiningnan habang papasok ng sasakyan.

"Magkasama tayo, remember?" Hindi ko naman sinagot si Maeve sa pagiging pilosopo niya.

"What are you waiting for? Na dadating si Braeden dito?" Nabigla naman ako sa tanong ng kapatid ko. Nanginig naman yung kamay ko at pinagpawisan iyon ng malamig. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Maeve sa bewang ko.

"Let's go Kar. Let's face this. I know that idiot Mico spilled it" Matalim nitong sabi, pilit kong nilakad ang mga paa ko papasok ng sasakyan. Walang nagsasalita sa amin sa kotse, ang buntong hininga lang ni Kuya Zephyr ang nagiingay sa loob.

"Can you please play the audio?" Suggest ni Maeve. Sinamaan naman siya ng tingin ni Krish, umirap si Maeve at siya na lang nag abot ng audio since stop pa yung traffic light.

Napapikit naman ako kaagad sa musika.

♪If I got locked away

And we lost it all today...

Tell me honestly...

Would you still love me the same?

If I showed you my flaws

If I couldn't be strong

Tell me honestly

Would you still love me the same?♪

Napa face palm naman ako at sinandal ang ulo ko sa bintana habang kagat kagat ang kuko ko. Kung anong kaba at takot ang bumabalot sa puso ko, hindi ko alam ang mga nangyayari, hindi ko alam ang gagawin ko. Pasulyap sulyap pa din ako sa cellphone ko at hindi pa din nag te-text si Braeden.

"Bilisan mo nga Cove, na sa bahay na si Kuya Kodi" Napakagat naman ako sa labi ko ng marinig ko iyon sa kapatid ko.

God! What's happening!? Can someone please give me a sign?

Mabilis naman pinaharurot ni Cove ang sasakyan, dumating kami sa bahay andoon na nga ang sasakyan ni Kuya Kodi. Padabog naman lumabas ang mga lalaki habang kami ni Maeve napaiwan sa loob ng sasakyan, napatakip naman ako sa mukha ko at nilabas ang kaba sa dibdib ko.

"Karissa. Shh... diba sabi mo dapat maging handa sa mga mangyayari?"

"C'mon Couz! Harapin mo! As if sasaktan ka nila"

"But Maeve! Paano.. paano.." Napailing na lang ako at hindi na pinatuloy yung sasabihin ko. Ni wala man lang signs na nalalaman na nila?

"Trusting a dangerous ANIMAL not to eat you is craziness Karissa. Dapat simula pa lang na pinagkatiwala mo yung bagay na yan sa isang ANIMAL na namamatay, dapat napaghandaan mo na na sa isang araw kakainin at kakainin ka nito"

My jaw dropped. Isang tao lang kaagad ang pumasok sa isip ko. Mico Farrell!

Dali dali ko naman kinuha yung cellphone ko at tinawagan si Braeden. Naka ilang ring pa ito bago niya sinagot nakahinga naman ako ng maluwag.

"Brae!" Biglang sabi ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko at napaluha ako, kinagat ko yung labi ko para hindi niya marinig ang hikbi ko.

"Hey.. are you okay? Sorry, kakadating lang namin. I was about to call you.."

"It's okay.. na-nandito na kami ni Maeve. Tatawag na lang uli ako mamaya. Tumawag lang ako just to make sure if nakadating ka na.. I-I love you"

"What's wrong Karissa?... ..--Susunod ako Brennan.." Pumikit naman ako at niyakap si Maeve para merong sandalan.

"Wala nga, sige na. Tatawag ako mamaya. AKO ang tatawag okay?"

"Yes Boss.. I love you so much"

"I love you more Braeden" pinatay ko naman kaagad ang tawag, tinapik naman ni Maeve ang balikat ko at binuksan ang pinto.

Walang tao sa labas, na sa loob sila lahat. Parang merong pumipigil sa akin sa bawat lakad ko, ayaw kong pumasok pero dapat gagawin ko. Pinikit ko yung mga mata ko ng hinakbang ko na ang isang paa ko para maapakan ang tiles sa main door ng bahay.

I should do something today that my future self will thank it.

Unexpected Love StoryWhere stories live. Discover now