Love Story #42

845 11 0
                                    


Karissa

"Karissa! Bilis"

"Andiyan na" Nilapag ko naman ang straightener ko at dali daling niligpit ang bag ko at bumaba.

"Tara na!" Sabi ko kay Kuya.

He advised me to act natural in front of everybody. Kaya ginagawa ko, yung kahit merong sakit sa puso ko hindi ko pinapakita, gabi gabi ko na lang iniiyak ang hindi pag sagot ni Braeden sa mga tawag ko.

Saturday and Sunday night, na sa bahay si Maeve kaya nagawa kong hiramin ang phone niya at tawagan si Braeden. Akala niya nung una si Maeve, nung narinig niya ang boses ko binaba niya kaagad ito.

Monday, at dapat maabotan ko siya sa gym mamaya. Doon sila nag pra-practice ng graduation. Sumabay ako kay Kuya Zephyr kahit wala naman akong dapat puntahan sa University.

"Ano ba gagawin mo dun?" Tanong nito habang inaatras ang sasakyan.

"Meron akong kukunin, kasama ko naman si Maeve"

Tumango naman siya at hindi na nagsalita.

"Kuya, pwede pa text kay Maeve?"

Nginuso niya naman ang cellphone niya sa gilid, kinuha ko naman iyon. Hinanap ko naman sa contacts ang pangalan ni Braeden at palihim siyang tinext.

To: Braeden

Baby! This is Karissa, I'll see you later at the parking lot. Mabilis lang, don't reply here. I love you and I miss you. Bati na tayo please? :*

Ng na send iyon, dinelete ko naman kaagad.

Patingin tingin naman ako sa cellphone ni Kuya habang hinihintay kung umiilaw na ito, pakagat kagat ako sa kuko ko habang hinihintay.

Ng mag ring yung phone mabilis naman ako gumalaw at kukunin sana, nahuli ako kaya nasagot niya ang tawag. Weird niya akong tiningnan kung bakit nagpanic kaagad ako.

"Hello Krish?" Sagot niya habang nakatingin sa daan, napanganga na lang ako at nakahinga ng maluwag.

"Uhmm yes.. kasabay ko siya. Okay.. Maeve wants to talk to you Kar" My hand is shivering as fuck. Kinuha ko naman ang cellphone ni Kuya hindi pa din maalis ang tingin niyang weird sa akin.

"Hello"

"Nasaan ka na? Andito na ako sa college plaza"

"5 minutes, andiyan na din kami"

"Bilisan mo nga! Nagugutom na ako"

Binaba ko naman ang tawag at pumunta ulit sa messages para ma itext si Braeden.

To: Braeden

Punta ka na lang ng Deliciouso, kakain si Maeve doon. –Kar

Nakarating kami ng University ng walang reply man lang ako natanggap kay Braeden, ng makita namin sila sa college plaze nagtatawanan mabilis naman hinanap ng mga mata ko si Braeden pero wala doon.

Ng fist bump naman si Kuya sa kanila ng nakalapit kami sa kanila, ngumiti ako sa kanila at bumeso kay Maeve. Sinapak ko naman sa tiyan si Mico ng higitin niya ako at akbayan.

"You're being clingy" Sabay irap ko sa kanya. Tinawanan niya ako at ginulo ang buhok ko. Hindi pa din niya inaalis ang akbay niya sa balikat ko.

Ano akala niya? I forgive and forget? I forgive but I never forget. Kahit isipin mang mga pinsan ko sila, wala akong pakialam. They never ever trusted me as one, so why will I trust them as one too? Kung meron akong kakampi, si Maeve iyon. Yung lakas ko? Si Braeden iyon.

Unexpected Love StoryWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu