Uneasy? Kinikilabutan kaya siya.

"Hindi naman, di lang ako sanay. " Aniya.

Hindi siya sanay sa pagka-gentleman ni Leo. Balasubas ang pagkakilala niya dito.

"Pero seryoso ako sa sinabi ko kanina," sabi nito. Kinuha nito ang kamay niya."I'll do anything--"

"Huy ano ba?!" Aniya sabay bawi ng kamay niya dito. Oo na, keri lang siya sa truce nito.

Pero, sandali. Ngayon lang niya naiisip kung bakit ito pumayag sa ganoong set-up. Yung gagawin nito daw lahat ng gusto niya. Di kaya may hidden agenda din ito tulad niya?

Nahuli uli ni Leo ang kamay niya. Hindi na yon pumayag na baklasin niya, mahigpit na ang hawak. Inangat niya ang tingin at nakita niyang nakatitig ito sa kanya. Sa mga mata niya.

Josko, kaya ang daming babaeng baliw. Parang may supermegaelectromagenticwaves na lumalabas sa mga mata nito na nakakapagpatuyot ng braincells ng babae.

Leche. Di dapat magpaapekto. Shield-on!

"L-Leo." Di daw magpapaapekto...pero pusanggala! Di siya makapagsalita. Nasa loob sila ng kotse. Sila lang. Madilim pa. Kung ano-anong eksena tuloy ang pumapasok sa utak niya.

Masikip dito. Tulad doon sa cubicle ng cr. Ay shet. No!

"Alam kong di maganda ang unang pagkikilala natin. Pero sana...pwede tayong magsimula uli,"

Pinigil niyang tumawa. Bukod sa trying hard na pananagalog nito na may medyo slang na, natawa talaga siya doon sa 'magsimula uli'.

"I like you, Car."

Napaawang ang bibig niya sa sumunod na narinig. Hala!

"Pakyu ka." Binawi niya ang kamay niya dito, nilakasan na niya ang hila. Mukhang nagulat pa ito sa ginawa niya. Mabuti nga at di niya nasampal. "T*ngina nito."

"Car..."

"Wag mo akong istir-an ng ganyan." Tuloy pa niya. Napangwi nalang siya at napa-iling. "Akala ko truce-truce lang. Ta's may ganyan?!"

Parang ok na siya doon sa usapan nila. Walang lalabas ng scandal ng kung sino sa kanila. Gagawin pa nito ang lahat ng gusto niya. Pero yung walang kasamang ganito.

Sinabi nga niya noon kay Leo na ligawan siya. Pero na-serve na ang purpose noon. Yung pahiyain ito sa lahat.

"Hangin lang yan, i-utot mo lang!" Aniya sabay baba ng kotse. Mabilis siyang naglakad papalayo pero nakasunod pala ito.

"Wait!" Nahila nito ang sling bag niya kaya siya napatigil at napaharap uli.

Mabuti nalang at walang tambay sa labas nila. Baka mabugbog pa. Mapagkamalang snatcher. Kawawa ito pagnagkataon.

Teka ba't ba ako concern?

"Stay, sandali lang." Naigiya siya nito sa isang mataas na pader na may katabing poste. Na-corner tuloy siya. Di siya makaalis. Hawak pa nito ang makabilang braso niya nang mahipit.

"Stay with me!" Madilim ang titig nito. Ito na yung Leo na nakilala niya. Lumabas na uli. Nasapiaan lang yata ng ligaw na espiritu kanina kaya mabait.

"Ano ba?!" Ay shet. Gagahasain ba ako dito?

Lumuwag na ang kapit nito. Mukhang unti-unti na ring kumakalma.

"Sorry, Car," sabi pa nito. "But I like you. I really like you. Maniwala ka."

Ang gulo talaga. "Matapos ang lahat may ganyan?!"

Dahan-dahan siya nitong binitawan. Kala niya makakawala na pero nagulat nalang siya ng bigla itong lumuhod sa harap niya.

"Please. Forgive me. Sinabi ko na sayo na gagawin ko ang lahat di ba? Just give me a chance, please."

Ang tindi. Wala ito sa hinagap ng plano niya. "Tumayo ka nga dyan! Bilis!"

"Just--"

"Oo na! Tumayo ka na! Inuutusan kita. Sabi mo gagawin mo ang lahat ng gusto ko diba?!" Sigaw niya. Napangiwi siya. May sumilip nang isang kapitbahay nila na umisyoso sa nangyayari. Mabuti naman at sumunod agad si Leo. Pero sigurado siyang pagtsi-tsimisan na siya ng mga yon.

"So that means--"

"Uwi na!"

Nakatayo lang ito sa harap niya. Ayaw umalis. Nakakinis. "Baka makita ka pa ng lola ko!"

Napayakap siya sa sarili at tinitigan ito nang matalim. "Umuwi ka na!"

"So....sorry."

Yumuko lang ito at sumunod na sa wakas. Mukhang lulugo-lugong naglakad papalayo pabalik ng sasakyan.

Nakahinga lang siya nang maluwag nang makaalis na ito.

P*ste. San ba galing yung 'I like you' na yon?!








The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon