Chapter 44

529 13 0
                                    

Ram P.O.V

"Allan. Hindi ako papasok ngayon." Tinignan naman nya suot ko tsaka nagtaka.

"Bakit nakauniform ka? Kung hindi ka naman papasok?" Nagulat ako. Oo nga noh?

"Malelate nalang ako. Pwede naman yun. Tutal wala ng gagawin." Kumunot noo ko nang sumimangot sya.

"Pwedeng sumama?" Tsk. Yun lang pala😒.

"Bawal. Pumasok ka na." Nagkamot naman sya ng ulo. May kuto ata 'to eh😪.

"Ano ba kaseng gagawin mo dyan sa labas?"

"Magkakape lang ako." Tinalikuran ko na sya nun at naglakad papalayo.

Nang makapunta ako ng coffee cafe na lagi kong pinupuntahan, naghanap kaagad ako ng upuan at naupo.

"Goodmorning po, Sir!" Tinanguan ko lang sya.

"Ano pong order nyo?"

"Kagaya ng dati." Tumango lang sya at umalis na. Alam na nila yun.

Naglabas ako ng libro at nagbasa. Ilang minuto din, dumating na yung kape ko.

"Ito na po, Sir." Inabutan ko sya ng bayad.

"Thank you po, Sir." Tumango lang ako at ininom yung kape.

Pagkatapos kong uminom, biglang may tumapik sakin sa likod at umupo sa tabi ko.

"Hi Ram! Nakabalik na ko." Nagulat ako habang nakatingin lang kay Dylan.

"Mas lalo akong pumogi noh?" Nakangisi nyang sabi sakin.

Tsk. Anong gwapo dyan?😪

"Parehas lang kayo ni Allan ng mukha. Mukhang unggoy." Hinawakan naman nya yung bandang dibdib nya at nag acting na parang nasaktan.

Loko-loko tsk.

"Kakadating ko lang, yan bungad mo sakin." Nakangusong sabi nya.

Magkakambal nga tsk. Parehas silang ngumuso sakin ngayon.

"Akala ko ba graduation balik mo? Wala pang graduation." Kukunin na sana nya yung kape ko nang hablutin ko.

"Bumili ka ng kape mo."

"Wag na. Damot talaga nito." Hindi ko nalang sya pinansin.

"Bakit ang aga mong dumating?"

"Hindi ko naman alam kung kailan graduation nyo eh." Naalog ata utak nito nung nasa eroplano 😪.

"Atsaka hindi mo kaya sinabi sakin kung kailan." Napabuntong hininga ako.

"Hindi mo naman kasi ako tinanong." Pangatlong beses na 'to. Sa tingin ko.

"Kailangan pa bang itanong yun?"

"Oo." Inubos ko na kape ko tsaka tumayo na.

"Papasok na ko." Tumayo na din sya tsaka sumunod sakin.

"Sasama ka sakin?"

"Oo. Papasok din ako. Tignan mo nga oh, nakauniform na din ako." Tinignan ko suot nya. Nakauniform nga.

"Kung kailan malapit na graduation tsaka ka nagtransfer dito tsk."

"Pwede naman yun. Kapatid mo nga nakapagtransfer ng late, ako pa kaya?"

"Mas late ka. Sa friday na ang graduation." Nagkibit balikat lang sya.

"Edi makikisali ako sainyo. Section A din ako eh." Hindi na ako nagulat nun. Mas matalino pa yan sakin eh kaya panigurado Section A ang bagsak nya.

Loving Mr. Cold Where stories live. Discover now