Chapter 2

2.9K 68 1
                                    

*The next day*

Ram P.O.V

Nasa library ako ngayon at nagbabasa. Ayokong pumunta ng hallway kasi paniguradong pagkakaguluhan ako doon ng mga letcheng mga babae.

Kung makatili kala mo irerape sila. Tsk. Nakakainis sa tainga yung mga tili nila.

"Uy, Ram! Aga ah!" Nakangiting bati sakin ni Allan, tinignan ko lang siya at nagbasa ulit.

Wala akong oras na makipag usap sa isang unggoy.

"Ram! Tapatin mo nga ako, may puso kaba o wala?" Tamong niya sakin at nag aacting pa na umiiyak.

"Para kang tanga." Pokerface na sabi ko sakanya. Nagtataka tuloy ako kung paano siya naging leader namin.

"Tsk. Tanga ka pala talaga." Sabi ko tsaka tumayo na. May nararamdaman kasi akong may paparating pang isang unggoy.

"Uy! Bakit kana tumatayo? Upo ka muna Ram, ayaw mo naman pagkaguluhan diba?" Nakangiting sabi niya sakin, nagpokerface lang ako sakanya.

"Hi Clarence!" Nakangiting bati ni Allan kay Clarence, kinunutan lang siya nito ng noo at nagbasa.

"Ang bad nyo talagang dalawa. Makapunta na nga lang kay Darell." Sabi niya tsaka umalis.

Buti nalang umalis na din yung asungot na yun, pwede na akong magbasa ng walang istorbo.

"May kakaiba kang naramdaman?" Biglang tanong sakin ni Clarence kaya nagtaka ako sakanya.

"Nung nagkabanggaan kayo nung Kurtney kahapon." Sabi niya sakin habang nagbabasa siya.

"Kurtney pangalan ng babaeng yun?" Nakakunot na tanong ko sakanya, tumango naman siya habang nagbabasa padin.

"Bakit mo kilala? Crush mo?" Tanong ko ulit at nagtaas ng kilay. Tinignan naman niya ako ng pokerface.

"Tsk. Naging kaklase ko." Sabi niya tsaka umalis. Ako nalang tuloy naiwan dito atsaka yung librarian. Lumabas na din ako nung nakita kong malapit na mag 9.

"AKIN NA YAN! ANO BA!"

"Abutin mo muna hahaha."

Napatingin ako sa hallway at nakita ko doon si Allan na ngiting asong inaasar yung isang babae.

Nang bigla siyang sipain nung babae doon sa itlog niya kaya napa aray siya at nakuha nung babae yung pagkain niya.

Pagkatapos nun, nakita ako nung babae at nilapitan. Ewan ko kung bakit pero nakaramdam ako ng takot na parang anytime papatay siya ng tao.

"Pagsabihan mo yang kaibigan mo, Ram Valentino. Baka mapatay ko yan, madamay kapa tsk." Inis na sabi niya at nilampasan ako.

"Ram, ang sakit." Sabi niya sakin habang hawak hawak yung itlog niya. Napaookerface tuloy ako.

"Bakit mo kasi inaasar?" Tanong ko sakanya.

"Crush ko brad! Crush ko yun!" Sabi niya habang namimilipit padin sa sakit.

Nabasag kaya itlog nito? Sobrang lakas nung sipa nung babae kanina eh.

"Oh ano, nabasag itlog mo?" Tanong ko ulit at nagtaas ng kilay. Tinignan naman niya ako at umiling.

"Makaitlog 'to! Tuli na ako noh!" Sabi niya kaya mas lalong napataas kilay ko. Pinagsasabi nito?

"Tsk. Defensive." Sabi ko at tinalikuran siya para umakyat na. Tinatawag tawag naman niya ako at sinasabi na tuli na siya.

Pakealam ko kung tuli na siya o hindi😒.

Pagkapasok ko sa room yung Section B, lumapit kaagad sakin si Allan, yung unggoy na leader namin.

"Anong section niya dre?" Tanong niya sakin at ngiti ngiti pa. Nagtaka naman ako.

"Yung crush ko."

"Di ko alam." Sabi ko at pumunta kaagad sa upuan ko. May nilapitan namang babae si Allan at tinanong yun.

Pagkatapos sagutin nung babae, ngiting ngiti si Allan habang pumunta sa tabi ko.

"Section A siya dre. Talino talaga niya." Sabi niya at ngumiti ulit.

"Sino yung pinagtanungan mo?"

"Si Kurtney Villanueva, bakit? Crush mo?" Tanong niya sakin at tinusok tusok pa ako. Tsk.

"Si Raiza lang crush ko." Sabi ko tsaka nagnap. Napailing nalang sakin si Allan. Alam ko namang hindi siya boto kay Raiza para sakin. Tsk.
□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□
End of Chapter 2

A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.

Loving Mr. Cold Where stories live. Discover now