Chapter 28

657 26 1
                                    

Ram P.O.V

"Miko." Kumunot naman noo ko.

"Bakit NeyCole?"

"Pahiram nung librong binabasa mo." Nakangiti nyang sabi.

Pinagpatuloy ko nalang paglalakad nun, hindi naman nya ko sinundan.

Pumunta akong canteen para kumain kasi hindi ako nag almusal.

"Miko." Tumigil ako sa pagkain tsaka tinignan sya.

"Bakit NeyCole?"

"Pahiram nung librong binabasa mo." Tinapos ko lang ang pagkain tsaka pumuntang library.

Pangalawa nya na, kapag nagtanong pa sya. Sa classroom na ko pupunta.

"Miko." Nagulat ako nun tsaka tinignan ulit sya.

"Bakit?"

"Pahiram nung librong binabasa mo." Hindi ko na sya pinansin tsaka dumiretsyo sa classroom.

Bakit ba hinihiram nya yung librong binabasa ko? Pinagpapawisan ako eh😪.

Umupo ako sa upuan ko at nagbasa. Nang biglang puro boses ni NeyCole ang naririnig ko.

"Pahiram nung librong binabasa mo."

Pinagpawisan ako ng sobra.

"Pahiram nung librong binabasa mo."

Isa pang ganyan. Pupunta na kong rooftop.

"Pahiram nung librong binabasa mo."

Bumuntong hininga ako tsaka nilagay sa loob ng bag ko yung libro. Mamaya na lang ako magbabasa😪.

"Ram." Tumigil ako sa paglakad tsaka sumandal sa pader.

"Bakit?" Tanong ko kay Trishia. Sumandal din sya sa pader.

"Babalik si Dylan dito." Nagulat ako nun.

Alam ko ang story nila NeyCole, Trishia at Dylan. Dahil naging bestfriend ko si Dylan.

Nanonood ako habang niloloko nya yung dalawang babae.

"Kailan?" Nagkibit balikat sya.

"Hindi ko alam eh. Sabi nya soon. Kailan ba yun?" Napailing na lang ako.

"Babalikan ka nun kasi nagsawa na sya sa pinaglaruan nya dun." Napataas naman kilay nya.

"Paano mo nasabi?"

"Naging bestfriend ko sya. Kaya kahit nagbago man sya ng unti, kabisado ko sya." Mas lalo nya kong tinaasan ng kilay.

"Paanong kabisado? Tagal nyo ng hindi nagsasama noh. Tsaka iniwan ka din nya."

"May connection ako sa ate nya." Napanganga sya nun.

"Bilib na talaga ako sayo." Pailing iling na sabi nya.

"Ako pa." Napangisi ako nun tsaka nagpatuloy sa paglalakad.

"Ram." Huminto ulit ako sa paglalakad pero hindi ako humarap sakanya.

"Bakit?"

"Tinuturing mo parin ba syang bestfriend kahit iniwan ka nya?" Tumango naman ako.

"Kahit naman iniwan nya ko, labag sakanya yun."

"Paano mo nasabi? Masama syang tao, Ram." Nakaramdam ako ng inis nun.

"Hindi mo alam ang mga pinagdaanan nya kaya wag mong husgahan kaagad ang pagkatao nya." Umalis na ko nun at pumunta sa rooftop. Magpapahangin muna ako.

Trishia P.O.V

"Ano ba kase yung mga pinagdaanan nya?" Huli na nang naitanong ko yun.

Nainis ata sakin si Ram. Sabagay nanghusga ako kaagad.

"Pandak!" Pilit akong ngumiti habang naglalakad palapit sakin si Francis.

Nagdududa na ko kung mahal ko sya talaga o hindi lalo na't babalik si Dylan dito.

"Bakit Unggoy?" Ano kayang sasabihin nito?

"May tanong lang ako sayo kaya kailangan mong sagutin." Tumango ako kahit nakaramdam ako ng kaba nun.

"Sige, ano ba yun?"

"Anong buong pangalan ni Dylan?" Nagtaka ako. Bakit kaya nya natanong?

"Dylan Ace Monterro." Tumango tango naman sya.

"May alaga ba sya?" Nag isip naman ako unti tsaka sumagot.

"Oo. Pusang itim. Pero ibinigay nya na sa iba bago sya umalis dito." Tumango tango ulit sya.

"Kaano ano nya yung iba na yun?"

"Huh?" Hindi ko naintindihan kasi slow ako😂.

"Yung pinagbigayan nya ng pusa nya." Napa ahhh naman ako. Yun pala yun.

"Half brother nya sa tingin ko. Naikwento nya saking may half brother sya eh." Tumango tango ulit sya.

Bakit kaya ang dami nitong tanong tungkol kay Dylan?

"Sinong bestfriend nya dati?"

"Si Ram." Tumango tango ulit sya.

"Sa tingin mo, bakit sya umalis dito?"

"Kasi nagsawa na sya sakin?" Tumango tango lang sya tsaka biglang pumuntang rooftop.

Allan P.O.V

Hingal na hingal ako, pagkapasok ko dito sa rooftop.

"Ram." Tinignan nya lang ako habang ako, naupo sa tabi nya.

"Bakit?"

"May mga itatanong ako sayo. Kailangan sagutin mo." Bumuntong hininga sya.

"Ikwekwento ko na lang sayo para mabuo mo na yang nasa isip mo." Tumango na lang ako. Talino talaga nito.

"Bestfriend ako ni Dylan dati." Nagulat ako nung nalaman ko yan. Akalain mo yun?

"Half brother nya si Darell pero hindi sila magkaapelyido." Kaya pala. Hindi halata kase eh.

"Dalawa ang rason kung bakit sya umalis dito." Nagtaka naman ako.

"Sabihin mo." Tumango sya.

"Yung una, alam nyang masasaktan lang sakanya si Trishia at kung aalis sya. Magkakatagpo kayong dalawa kaya umalis sya para sa nakakabuti." Nagulat ako nun, writer talaga sya.

"At pangalawa, nabangga nya dati ang kotse ni Clarence kaya nagkaamnesia sya." Sabi na nga ba eh. Connected lahat.

"Eh sino yung Ash?" Pinokerface naman nya ko.

"Si Alyssa." Tumango tango naman ako nun.

"Ano? May tanong kapa?" Tumango naman ako kaya sya naman ang nagulat.

Kala nya ah?😏

"Anong tanong mo?"

"Bakit kilala ako ni Dylan huh?"

"Karibal ka nya dati. Kung alam mo lang." Nagtaka naman ako. Pano nya ko naging karibal, eh hindi ko naman sila kilala nun?

"Gusto kana dati pa ni Trishia. Kaso dumating si Dylan kaya ayun, sila nagkatuluyan." Kaya pala.

Dati kase, napapansin ko na silang dalawa nila Trish at Dylan. Kapag nakikita ako ni Trish, tititigan nya ko.

"Galing naman nyan. Connected lahat saating walo ah?"

"Planado. Tsk." Tumango lang ako tsaka pumunta ng canteen.

Nagutom ako eh. Dami kong nalaman ngayon, grabe! ☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
End of Chapter 28

A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.

Loving Mr. Cold حيث تعيش القصص. اكتشف الآن