Chapter 4

2.3K 60 1
                                    

Kurtney P.O.V

"Boring naman dito." Sabi ni Darell. Sinamaan naman sya ng tingin ni Trishy nun.

"Tutulungan mo ko o maglilinis ka ng banyo?" Nagkamot nalang ng ulo si Darell nun.

Nasa library kase kami ngayon. Inutusan si Trishy na mag-ayos ng mga libro at magbantay dito sa library.

At dahil may pagkatamad pa naman sya, dinamay nya kami.

At nga pala, inutusan yung mga lalaki na maglinis ng banyo pero ayaw nila kaya sinama nalang din ni Trishy dito sa library.

"Umupo nga kayong pito dito." Sumunod naman kami kaagad. Baka pag-initan pa kami ng ulo nya eh.

"Darell at Rachelle. Dito kayo sa puro pangnerd na libro." Tumango naman silang dalawa at pumunta kaagad dun.

"Clarence at Alyssa. Dun kayo sa puro horror." Napatigil naman sa pagbabasa si Clarence at tumingin kay Trishy.

"Pwedeng si Ram nalang kasama ko?" Tinaasan sya ng kilay ni Trishy. Sungit talaga neto.

"Kayo ni Alyssa magkasama o ikaw paglilinisan ko ng banyo?" Wala namang nagawa si Clarence at sinundan si Alyssa papunta dun sa puro horror.

"Ram at Kurtney. Dun kayo sa puro love ganun." Tumango lang si Ram at pumunta na dun habang ako nakataas kilay lang na nakatingin kay Trishy.

"May reklamo ka huh?"

"At anong gagawin nyong dalawa?" Tinuro ko si Allan pati sya. Unfair naman kung tutunganga lang sila dito.

"Ako ang magbabantay habang siya." sabay turo kay Allan. "Lilinisin yung mga table na nandito." Tumango nalang ako at pumunta dun sa puro love daw ganun.

Bat kase dun pa nya naisipan? Pwede namang sa horror nalang.

Pagkadating ko dun, bumungad sakin si demonyo na nakasandal sa pader at nagbabasa lang ng libro.

"Oh ano? Magbabasa kana lang dyan?" Pokerface lang nya akong tinignan at nag-ayos na ng mga libro, tinatanggal na din nya yung mga alikabok pero nagbabasa padin.

Hindi ba sya napapagod kakabasa?

Nag-aayos at naglilinis sya sa kanan kaya ako sa kaliwa. Balak ko sanang unahin yung nasa taas ng mapabuntong-hininga ako.

Bakit ang taas?😩 matangkad ako pero di ko masyadong abot yan😖.

Tinignan ko naman si demonyo pero nagbabasa padin habang nag-aayos at naglilinis ng mga libro.

Kumuha naman ako ng mga pitong upuan at umakyat dun. Tinanggal ko na din yung sapatos ko para di madumihan yung upuan.

Sana po Lord, hindi ako mahulog😢.

Inabot ko muna yung malayo pero di ko maabot. Kaya mas lalo ko pang nilapit yung katawan ko dun.

Malapit na. Malapit na.

"Omyghad!" Pumikit ako nun, tinatanggap na sasaluhin ako ng sahig.

Mga ilang minuto din akong nakapikit, bakit parang hindi masakit?😱

Kaya dumilat na ako nun at nagulat, nasalo pala ako ni demonyo. Nakita ko rin syang nagulat habang hawak padin sa isang kamay yung libro na binabasa nya.

"Mag-ingat ka sa susunod." Binitawan na nya ko sa bewang nun kaya muntik na kong saluhin talaga ng sahig.

"Magpapasalamat na sana ko tss." Nagpokerface lang sya habang nakatingin sakin atsaka pinagpatuloy yung ginagawa nya.

Sinamaan ko nalang ng tingin yung mga libro na hindi ko maabot.

Kasalanan nyo 'to😠 lalo na yung pitong upuan leche.

Trishia P.O.V

"Ano yang tinatawanan mo?" Lumapit naman sakin si Francis at nakitingin sa pinapanood ko.

Pinapanood ko ngayon sila Kurtney at Ram. Nilagyan ko ng camera yung bandang taas ng mga lagayan ng mga libro.

Panigurado, nahalata na ni Ram yung camera. Hindi pa naman manhid yang lalaking yan.

"Wala ba tayong gagawin dito?" Tinignan ko naman yung katabi ko sabay hinampas yung mesa kaya nagulat sya.

"Malinis na ang mga table, magbabantay nalang ang gagawin natin kaya pwede? Manahimik kana lang dyan?" Napakamot nalang sya ng ulo tsaka tumango.

Masunurin naman pala 'tong lalaking 'to. Tsaka parang di naman sya masama?

Mga ilang minuto din, bigla nanaman nagsalita 'tong katabi ko.

"Uhm, punta lang akong canteen."

"Anong gagawin mo?"

"Bibili ng pagkain." Kumuha ako ng pera ko atsaka binigyan sya. Taka naman nya kong tinignan.

"Bilhan mo din ako." Tumango lang sya tsaka umalis nadin. Peke yung perang binigay ko sakanya.

Nararamdam ko kaseng di na siya babalik. Kala nun, maiisahan ako😏.

Nung napagod na kong pagtripan silang anim, tinawagan ko yung tatlo sa messenger. Sila Darell, Ram at Clarence.

"Tapos na kayong maglinis at mag-ayos?" Pinatay ko na yung laptop nun at nilagay sa bag ko.

Kaya hindi ako lumalaki eh. Puro mabibigat dinadala ko araw-araw😩.

"Oo/Yup/Ye." Sabay-sabay nilang sagot na tatlo.

"Geh. Balik na kayo dito. Bibigyan ko kayong anim ng reward." Inend call naman nung dalawa. Sila Ram at Clarence.

"Pagkain ba yan, Trishia?"

"Basta!" Tumawa lang sya tsaka nag end call na din. In-off ko na yung wifi ko nun pati yung pocket wifi.

Sunod ko namang tinawagan kaagad si Francis, kala mo makakatakas ka sakin.

"Hello? Sino 'to?" In-open ko ulit yung laptop ko nun at si Francis naman yung pinanood.

Nilagyan ko sya ng camera kaya alam ko kung anong ginagawa nya.

"Pumunta kang canteen, bilhan mo kaming lahat ng pagkain." Nakita kong hindi nya pinansin yung inutos ko at i-eend call na yung tawag.

"Bibili ka? O ikaw ang paglilinisan ko ng school? Pwedeng-pwede kong sabihin kay Principal yan, alam mo yan." Napangisi ako nung papunta na sya sa canteen.

"Naisahan mo ko, Umber." Nagulat ako nun at magsasalita na sana nang iend call nya kaagad yung tawag.

Pinatay ko kaagad yung laptop nun at nilagay ulit sa bag ko. Saktong dumating din yung anim.

"Wala man lang kaming reward?" Tanong ni Kurtney tsaka naupo.

"Meron. Maghintay kayo, may inutusan lang ako." Tumango lang sila at nagnap yung iba habang nagbabasa naman yung iba.
■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□
End of Chapter 4

Meron po silang loveteam.
Ito po yun:
Ram + Kurtney= RamNey
Clarence + Alyssa= ClYssa
Darell + Rachelle= DaChelle
Allan + Trishia= AllRish

Maganda po ba yung loveteam?

Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓

Loving Mr. Cold Where stories live. Discover now