Chapter 13

1K 44 0
                                    

Kurtney P.O.V

"Darell!" Nakangiti naman syang lumapit sakin.

"Bakit?"

"Nakita mo ba si Rachelle?" Nag isip siya saglit tsaka sumagot.

"Nasa canteen."

"Salamat!" Tumango lang sya. Agad akong pumunta ng canteen nun.

Pagkapunta ko, nakita ko sya kaagad na lumalamon mag-isa. Meron siguro 'to ngayon kaya ganyan😂.

"Rachelle." Umupo ako sa harap nya. Tumigil naman sya sa paglamon.

"Bakit?" Pinagpatuloy nya ulit yung pagkain. Hindi man lang ako binigyan😔.

"May lagnat si Trish." Nabulunan naman sya nun kaya inabot ko sakanya kaagad yung tubig.

"Halika, puntahan na natin!" Pinigilan ko sya nun kaya tinaasan nya ko ng kilay.

Meron talaga 'to ngayon eh😂.

"Mayang uwian nalang, anong ieexcuse naman natin kung ngayon na tayo pupunta?" Tumaas kilay ko nun.

"Na aalagaan natin si Trish kasi mag-isa lang sya dun?" Inirapan ko naman sya.

"Nandun si Allan, wag kang mag alala." Tumango naman sya tsaka kumain ulit. Hindi talaga ako binibigyan.

"Sabihin mo rin kila Darell at Clarence yun." Napataas naman kilay ko. Bakit ko naman sasabihin sakanila?

"Bakit ko naman sasabihin sakanila? Parang may pake naman sila." Binatokan naman nya ko nun.

"Sabihin mo na lang sakanila! Dali!" Wala akong nagawa kundi hanapin yung dalawa.

Pagbigyan ko na. Ngayon lang naman eh😪.

Allan P.O.V

"Oh. Tulog kana." Tumingin naman sya sa paligid sabay tingin dun sa manika na nasa harap nya.

"Yung manika." Tinanggal ko naman yung manika atsaka umupo sa gilid ng kama nya.

"Oh, wala na. Tulog na." Nahiga naman sya pero hindi pumikit.

"Pumikit kana." Umiling naman sya kaya napabuntong-hininga ako.

Pano ba 'to papatulugin?😪

"Baka may multo dito." Nagtaka ako nun, parang kanina lang ang sama nya ah?

"Wala. Dali, tulog na." Pero umiling lang sya ulit kaya nilapit ko na yung mukha ko sakanya.

"Matutulog ka o hahalikan kita?" Namula naman sya nun tsaka nagkumot.

"Matutulog nalang ako." Pumikit na sya, ngingiti na sana ako nang may dinagdag sya.

"Kesa mahalikan ng isang unggoy." Dun ako napanganga, pasalamat sya may sakit sya.

"Pandak ka lang eh." Nakangising sabi ko. Sinamaan naman nya ko ng tingin.

"Unggoy hmp." Lumipat na sya sa ibang pwesto nun kaya natawa nalang ako.

Iba talaga kapag may lagnat ang isang pandak😂.

Ram P.O.V

"Bakit?" Sagot ko sa tawag ni Allan. Nabored siguro 'tong magbantay kay Trishia.

"Samahan mo ko dito, Ram. Ang boring." Napakunot naman noo ko nang makita ko si NeyCole.

"Mayang uwian. Madami kami dyan." Sinundan ko naman si NeyCole nun, sino nanaman kayang hahanapin nito?

"Sino-sino?" Hinahanap siguro nito si Darell at Clarence.

"Wait lang, tawagan kita mamaya." Inend ko kaagad tawag nun tsaka kinalabit siya.

"Bakit?" Inis na tanong nya sakin. Hindi ko pinansin yun.

"Si Clarence nasa classroom nila. Si Darell nasa library." Tumango naman sya tsaka pumunta kaagad dun.

Ayaw nya talagang magpasalamat sakin ah?

Tinawagan ko naman si Allan nun pagkatapos. Sinagot naman nya kaagad.

"Oh ano na, Ram? Sino-sino?" Naupo ako sa gilid at ibinaba muna yung librong hawak ko.

"Clarence, Alyssa, Darell, Rachelle at Kurtney pati ako." Kinunotan ko naman ng noo yung babaeng dumaan na tumitig sakin.

"Ahhh gege. Mamaya nalang ulit. Matutulog lang ako." Tumayo na ko nun at dinala yung libro.

"Saan ka matutulog? Kapag iniwan mo si Trishia mag-isa, mararamdaman nya kaagad yun." Naglakad ako papunta sa canteen. Nagutom ako eh.

"Tatabi ako sakanya, Ram. Wag kang maingay." Napailing nalang ako nun.

"Baka manyakin mo yan." Nakangising sabi ko nung nakita kong walang tao.

"Baka mabaog pa ko, Ram hahahaha." Natawa ako nung wala paring tao.

"Geh, tulog kana. Malapit ng mag uwian." Inend ko na yung tawag nun tsaka tumingin dun sa bandang madilim.

May nararamdaman kase akong nakatingin sakin kanina pa. Babae sya at kilala ko sya.

"Lumabas kana. Hiya kapa eh." Lumabas naman si NeyCole. Sabi na nga ba eh, sya yun.

"Tumatawa ka pala?" Tinignan ko lang sya saglit tsaka naglakad.

"Alam mo, Miko." Tumigil ako sa paglalakad pero di ko sya tinignan.

"Mas bagay sayo yung tumatawa o nakangiti." Kumunot naman noo ko nun.

"Wala akong pake kung mas bagay sakin ang nakatawa o nakangiti." Naglakad na ko papalayo nun.
○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○
End of chapter 13

A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.

Loving Mr. Cold जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें