Chapter 10

1.2K 43 2
                                    

Kurtney P.O.V

"Uy! Gising!" Napakunot naman noo ko nun habang nakapikit pa din.

Sabado ngayon it means walang pasok. Bakit nanaman ako ginigising nito?😩

"Gigising ka o bubuhusan kita ng malamig na tubig?" Napabangon naman ako habang nakasimangot.

"Bakit mo ba ako ginising? Wala namang pasok eh." Tinaasan nya ko ng kilay habang nakapamewang.

"Maligo ka sabay suotin mo 'to." Sinalo ko naman yung damit na hinagis nya sakin.

Tinignan ko naman. Maganda naman kahit papaano. Nagulat ako nang may ihagis sya ulit sakin na salamin.

"Bakit may salamin pa?"

"Wala kang pake. Maligo kana." Tumayo na ko nun pero di ako dumiretsyo sa banyo.

"Ano bang meron? Hindi ako susunod sa inuutos mo hanggat hindi mo sinasagot ang tanong ko." Napabuntong hininga sya nun.

"Paglilinisan ko ng buong bahay si Francis. Ako ang bantay. Kaya kailangan mo munang umalis." Napatango nalang ako tsaka dumiretsyo sa banyo.

Pagkapasok ko sa banyo, narinig kong sumarado na ang pinto. Umalis na sya panigurado.

Ram P.O.V

"Panda! Gising!" Napadilat mga mata ko sabay walang reaksyong tinignan si Trishia.

Sabado ngayon. Bakit niya ako ginigising?😒

"Maligo kana tapos suotin mo 'to." Nasalo naman ng kama ko yung damit at salamin na hinagis nya.

Tinignan ko lang yun at natulog ulit.

"Uy! Gising kana!" Niyugyog nya ko pero pinipilit ko paring matulog.

Walang pasok ngayon. Puro tulog lang dapat ako ngayon.

"Sige na, Ram!" Pinilit ko paring matulog.

"Please, kahit ngayon lang." Bumangon na ko sa kama nun tsaka tinignan sya.

Nakaupo sa gilid ng kama ko at parang wala nang pag asa na sumunod ako sakanya.

Halatang may plano eh, tsk.

"Sige. Pagbibigyan kita, ngayon lang."

"Thank you." Sabi nya tsaka ngumiti.

"And Happy birthday, Ram!" Pumunta na ko kaagad ng banyo nun kasabay ng pagsara nya ng pinto.

Trishia P.O.V

Nakangiti naman akong lumabas ng kwarto ni Ram. Yes! Napilit ko rin, sa wakas!

Hinintay ko muna silang dalawa na matapos bago ako pumunta sa kwarto ni Francis.

Lagot talaga sakin nyang unggoy na yan😏.

Napatayo ako nung sabay silang lumabas at nagkatinginan.

Yieeeeee💕

"Babalik na ko sa kwarto ko." Hinila ko kaagad si Ney nun tsaka hinila silang dalawa ni Ram sa baba.

"Ano bang plano mo? Ipagdate kami?" Binatokan ko naman sya nun.

"Papaalisin ko lang kayong dalawa dito sa bahay." Umupo naman sya sa sofa habang si Ram nakasandal lang sa pader.

"Sabihin mo lang kung gusto mong masolo si Allan. Okay lang." Binato ko naman ng unan si Ram, loko 'to ah!

"Alis na nga kayo!" Tinulak ko silang dalawa palabas tsaka sinara agad yung pinto.

Ngayon, para sa paghihiganti😏.

Kurtney P.O.V

"Hindi ka pa nag almusal?" Tinaasan ko sya ng kilay. Kala ko ba matalino sya?

"Obvious naman diba?"

"Tsk. Dun tayo." Hinila nya ko sabay nakapunta kami sa isang cafe.

"Wala akong dalang pera." Sabi ko pagkaupo ko.

"Libre kita. Parang may choice naman ako, tsk." Napanganga ako nun tsaka tinignan syang pumupunta na dun para mag order.

Ang galing din ng plano ng bestfriend ko eh.

Trishia P.O.V

"Hoy! Gising!" Napalayo ako nung nanipa sya sabay hunarap sa ibang pwesto.

"Gising!" Sinabunutan ko na sya nun. Balak pa talaga akong sipain.

"Aray!" Muntik na kong matawa nang pagkatapos ko syang sabunutan, nahulog sya sa sahig.

Kawawang sahig😢.

"Bakit ba nanggigising ka, pandak?" Napanganga ako nun. Ang sama talaga!

"Hoy, unggoy! Ikaw ang nakakota na maglilinis ngayon ng BUONG bahay." Sinamaan naman nya ko ng tingin tsaka tumayo.

"Ikaw nalang." Bumalik sya sa pagkakahiga kaya pinaghahampas ko sya hanggang sa bumangon sya ulit.

"Tsk." Inis syang umalis ng kwarto at pumunta sa baba.

Sinarado ko yung pinto tsaka tinignan kung ano yung ginagawa nya sa sala.

Nagtaka naman ako kasi wala sya sa sala kaya pumunta ako sa kusina. Napanganga ako sa nakita ko.

"Marunong kang magluto?" Kinunotan naman nya ko ng noo.

"Halata naman diba?" Umirao naman ako tsaka pinanood yung ginagawa nya.

Buti pa sya marunong magluto, ako nga hindi eh😪.

"Magaling ba?" Mayabang na sabi nya nung mabilis syang naghiwa ng mga kung ano sabay lagay kaagad sa niluluto nya.

Napairap ako. Hindi naman siguro masarap luto nya psh.

"Palibhasa kain ng kain, hindi naman marunong magluto." Napataas kilay ko nun. Kapal din ng mukha nito eh.

Kurtney P.O.V

Nakasimangot akong naglalakad habang kasama 'tong demonyo na 'to.

Pagkatapos naming kumain, hindi ako sakanya nagpasalamat. Nagiguilty tuloy ako ng unti.

Napunta kami sa isang park tsaka kami naupo sa isang bench, tinignan ko sya.

"Bakit ka malungkot?" Umiling lang sya tsaka pinagpatuloy ang pagbabasa.

"Bakit nga?" Inagaw ko sakanya yung binabasa nya, wala naman syang nagawa kundi sabihin sakin.

"Birthday ko ngayon." Nagulat ako nun.

"Oww." Kinuha nya kaagad sakin yung binabasa nya, tinignan ko sya ulit.

Napabuntong hininga ako. Birthday nya ngayon, kailangan masaya sya.

"Anong ginagawa mo?" Nginitian ko sya sabay inalis yung librong binabasa nya.

"Ngayon lang ako magiging mabait sayo. Sulitin mo na." Tinignan nya lang ako.

"Atsaka please, kahit ngayon lang. Wag kang killjoy." Tumango lang sya kaya ngumiti ulit ako. Muntik na kong matawa nang pinagpawisan sya unti.

Hinila ko sya sa kung saan. Bahala na, ang plano ko lang ngayon. Mapasaya sya bilang regalo sakanya.

Napatigil ako sa paghihila sakanya nang may maalala ako.

"Bakit ka huminto?" Tumingin ako sakanya nun habang magkahawak kamay namin.

"Salamat nga pala kanina."

"Walang anoman." Pinagoatuloy ko na syang hilahin kung saan yung gusto kong puntahan.

Kung saan halos lahat ng tao, dito naipapakita ang totoong sila. ◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆
End of Chapter 10

A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.

Loving Mr. Cold Where stories live. Discover now