Chapter 27

744 25 0
                                    

Rachelle P.O.V

"Nasaan ba ako?" Nandito ako ngayon sa isang bahay.

Pumunta kase ako sa likod ng school para maglibot nang mapunta ako sa gubat at nakita ko 'tong bahay.

"Meow." Nanlaki mata ko nang makitang kinuha nung pusa yung lollipop ko.

Hindi pa naman nakabukas kaya pwede ko pang kunin sakanya yun.

"Akin na yang pusa ka." Sinundan ko yung pusa na pumunta sa isang tao.

Tinignan ko sya. Si Darell na nakatingin din sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" Seryosong tanong nya kaya napalunok ako.

Hindi kase ako sanay na seryoso mukha nya.

"Yung pusa kase. Kinuha yung lollipop ko." Tinignan naman nya yung itim na pusa.

"Ace. Ibalik mo yung lollipop sakanya." Pumunta naman sakin yung pusa at binibigay sakin yung lollipop.

Nakatulala ko namang kunuha yun.

"Pusa mo?" Tumango lang sya tsaka naglakad kaya sumunod ako.

Baka mawala nanaman ako eh.

"Yung tanong ko, sagutin mo." Nagtaka naman ako. Ano ba yung tanong nya?

"Huh?"

"Anong ginagawa mo dito?" Ahhh yun pala yun.

"Balak ko kase sana na maglibot lang nang mapunta ako sa gubat at makita ko 'tong bahay." Tumango lang sya habang buhat-buhat yung pusa.

"Kaninong bahay ba 'to?"

"Sakin." Tumango-tango naman ako. Yaman talaga ng lalaking 'to.

"Gusto mo na bang bumalik sa school?" Umiling naman ako. May naalala kase ako.

Isa din ako sana sa mga magpeperform nung sa violin kaso wala ako kaya yung apat yung ipinalit samin. Syempre di nila alam yun lalo na si Trishy.

"Bakit ayaw mo?" Naupo naman kaming dalawa sa sofa. Dito sa sala.

Infairness, maganda yung bahay.

"Diba kasali ako dun sa mga magpeperform?" Tumango lang sya.

Sungit nito ngayon. Pansin ko lang.

"Ayokong magdress." Tumango lang sya ulit.

"Bakit ikaw? Bakit nandito ka? Hindi kaba manonood?" Umiling sya tsaka bumuntong hininga.

"Makikita ko lang sya." Nagtaka naman ako.

"Sino?"

"Yung boyfriend mo." Nagulat naman ako nun. Oo nga pala, nandun boyfriend ko.

Dapat pala pumunta na lang ako, edi sana nakita ko pa sya 😢.

"Bakit ayaw mong makita boyfriend ko?"

"Alam mo bang magbestfriend kami dati?" Nagulat ako tsaka umiling. Wala syang nasabi saking ganyan.

"At alam mo bang parehas kaming may gusto sayo dati?"

"Kilala mo na ko dati pa?" Tumango naman sya.

"Ako na sana boyfriend mo ngayon kung hindi nya lang ako inunahan."
"Paanong inunahan?" Maaga pa naman eh, pwede pa kong makinig ng kwento nya.

"Kwento ko?" Tumango naman ako.

"Nahihiya kase ako sayong magpakilala nun kaya hanggang tingin lang ako sayo. Siya naman, ilang araw lang. Bigla kang nilapitan at masaya na kayong nag uusap nung nagtagal. Nanonood lang ako sainyo nun at alam nya yun. Dahil kapag hindi sya nakatingin, nginingisian nya ko." Nagulat nanaman ako.

"Doon ko nalaman na hindi naman pala sya tunay na kaibigan." Napayuko ako.

"Kung hindi nyo lang ako nakilala, edi sana magkaibigan parin kayong dalawa ngayon." Ngumiti namab sya sakin.

"Wag mong sisihin sarili mo. Salamat sayo dahil sayo. Nakilala ko si Allan na kahit masama, alam kong ipaglalaban nya ako kapag sinaktan ako." Nakinig lang ako.

"Si Ram na kahit minsan lang magsalita, alam kong dadamayan ako lalo na kapag problemado ako."

"At si Clarence na kahit madalas harsh sya magsalita, alam kong nandyan lang sya palagi sa tabi ko." Napangiti ako.

Ganyan din sila Alyssa sakin. Iba talaga kapag may mga tunay kang kaibigan.

"Picture tayo." Nagulat ako nang hilahin nya ko sa isang bintana na may mga puno.

"Maid! Picture-an mo kami!" Agad agad namang may lumapit na maid at kinuha yung cp ni Darrel.

Yaman talaga ng lalaking 'to.

"Ngiti ka." Imbes na ngumiti, napatingin nalang ako sa camera.

Bigla ba naman kaseng niyakap braso nya sakin.

"Oh yan. Sige, thankyou." Sinundan ko ulit sya sa paglalakad.

"Pwede ka ng umalis kung gusto mo. Ito daan palabas." Sabi nya tsaka naglakad na papalayo.

Maglalakad na din sana ako palayo nang may maalala akong itatanong.

"Darrel!" Huminto naman sya sa paglalakad pero hindi sya humarap sakin.

"Bakit?"

"Alam mo ba din, kilala na kita dati pa. At nagustuhan na kita dati pa. Kung hindi ka lang sana nahiya, edi sana tayo na ngayon." Tumalikod na ko nun.

Nagkakasala na kase ako. May boyfriend na ko eh :3.

"Eh ngayon, gusto mo parin ako?" Napatigil ako sa paglalakad.

"May boyfriend ako." Napaiwas ako ng tingin.

"Oo o hindi lang ang isasagot mo." Napalunok ako nun tsaka tumakbo papalayo.

Kakatakbo ko, namalayan ko na lang na nasa likod na ko ulit ng school.

"Chelle." Ngumiti naman ako sa boyfriend ko.

"Drake." Nagyakapan kami at nagulat ako nang makita kong nanonood samin si Darell.

"Mahal mo parin ba ko?" Nakangiti nyang tanong sakin. Tumango naman ako.

"Oo naman." Nakita kong nalungkot si Darell, kumirot yung bandang puso ko.

Hanggang sa narealize ko na lang na nagsisinungaling na ko.

Kahit kailan naman, hindi ko minahal si Drake. Si Darell talaga yung mahal ko.

Matagal ko ng niloloko sarili ko😢. Tsaka napilitan lang naman ako eh.

"Tara, pasyal tayo." Nakangiting tumango naman ako tsaka nilingon ulit si Darell.

Kung alam mo lang, Darell. Blinackmail nya lang ako kaya naging kami. ☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
End of Chapter 27

A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.

Loving Mr. Cold Where stories live. Discover now