Chapter 36

512 22 0
                                    

Trishia P.O.V

"Trishy! Gising!" Napakunot noo ko nang maramdaman kong may yumuyugyog sakin.

Pero hindi ko dinilat yung mga mata ko. Bahala sya dyan.

"Trishy! Nandito na sya! Gumising ka na!" Napabangon kaagad ako sa kama nun.

"Si Dylan? Nandito na?" Tinaasan naman nya ko ng kilay tsaka hinampas.

"Aray!" Nagtatanong lang naman ako eh.

"Hindi si Dylan! Si Jana." Tumayo na sya nun tapos inirapan pa ko.

"Mahal mo pa rin ata yung lalaking yun eh." Sabi nya. Hindi naman ako nakasagot.

"Tsk tsk tsk." Umiling iling sya nun kasabay ng pagsarado ng pinto.

Tagal ko ng tinatanong yan sa sarili ko, sa totoo lang. At hanggang ngayon, hindi ko pa din alam ang sagot.

"Trishia. Bumaba kana daw." Tumayo na ko nun tsaka bumaba na.

Nasa bahay na rin ako kaya hindi ko na kailangan pang mag ayos.

"Sila ba yung dalawang lalaki na nagbabantay sainyo, mommy?" Napailing ako. Nagtataka talaga ako bakit mommy tawag ni Jana kay Ney.

"Oo. Ito si Allan. At ito si Miko." Tinignan naman nya yung dalawa. Isang mukhang panda at isang mukhang unggoy.

Walang pinagkaiba. Parehas na hayop😒.

"Ang gwapo naman pala talaga nilang dalawa." Napairap ako, saang banda dyan yung gwapo?

Sya si Jana Allyson Sy, sya ang panglimang member samin. At ang tinuturing bunso dahil sya ang mukhang pinakabata. Sa ibang bansa sya nag aaral kaya ganun.

"Jana." Napatingin naman sya sakin. Silang lahat napatingin sakin.

"Hi Trishy. Hindi ka parin palaayos hanggang ngayon?" Tumango lang ako tsaka naupo sa sofa.

"Ayyy, ang sungit parin ni Ate." Hindi ko nalang pinansin yun. Inaantok pa ko eh.

"May pasalubong pala ako sainyo." Napatingin naman ako dun sa kinukuha nya.

"Basta talaga pasalubong, titingin kaagad si Pandak." Sabi nya sabay umupo sa tabi ko.

"Kakagising ko lang, Unggoy. Wag ngayon." Sabi ko tsaka inirapan sya.

"Okay, Chill." Hindi ko nalang sya pinansin at tinignan yung kinuha ni Jana.

Pagkain. Panigurado akong meron akong pasalubong na pagkain.

"Ito yung sayo, Mommy. Ito din pala, yung pinapabili mo saking stuff toy." Binigay naman ni Jana sakanya yung chocolates tsaka yung stuff toy na panda.

"At ito naman yung sayo, Trishy. Alam ko namang gustong gusto mo yan." Kinuha ko kaagad yung binigay nya sakin.

Tatlong pack ng Reese's at mga potato chips😍💓.

"At binilhan din kita ng stuff toy. Balita ko kase mahilig ka daw sa unggoy." Natigil yung pagkakatitig ko dun sa mga pagkain na binigay nya sakin.

"Unggoy?" Binigyan naman nya ko nung stuff toy na unggoy.

"Bakit, Pandak?" Sinamaan ko lang sya ng tingin habang sila nagtawanan.

"Yieeeee. Bagay kayo, sana kayo magkatuluyan hanggang huli." Napatingin ako kay Francis nun. Naging seryoso sya.

"Akyat na ko sa kwarto ko." Nagkatinginan naman kaming tatlo.

Ano kayang nangyari dun at naging ganun?

"Ako din. Sundan ko lang sya." Tumango nalang kaming tatlo.

Ram P.O.V

Pagkaakyat ko sa taas, kinatok ko ang kwarto ni Allan.

"Sino yan?" Tanong nya mula sa loob.

"Si Ram." Binuksan naman nya yung pinto kaya pumasok ako.

"Naaalala mo nanaman yung sinabi ni Shia?" Tumango naman sya atsaka nahiga. Ako, nanatili lang na nakaupo.

"Kung pwede ko lang baguhin ang lahat para sakin lang sya maitakda, ginawa ko na." Bumungtong hininga ako.

Kung kaya ko ding gawin yun, ginawa ko na sana dati pa.

"Tawagin mo si Shia. May itatanong lang ako sakanya." Tumayo naman ako nun.

"Dun tayo sa isang kwarto. Wag dito." Tumango naman sya tsaka pumunta kami dun sa isang kwarto.

Yung daanan ng kwartong 'to, hindi nadadaanan yung isa pang kwarto ni Trishia.

"Nandito na tayo, Ram." Tumango naman ako tsaka kinuha yung picture.

"Shia, kailangan kita." Biglang lumakas nanaman yung hangin kasabay ng paglitaw nya sa harap namin.

"Oh anong itatanong nyo sakin?" Nakangiti nyang tanong.

"Bakit sa tuwing tinatawag kita, biglang humahangin ng malakas?" Nagkibit balikat lang sya.

"Kaya nga, nagtataka din ako eh." Sabi naman ni Allan.

"Kahit ako din naman." Nagkatinginan nalang kami ni Allan nun habang sya natawa.

"So ano nga itatanong nyo sakin?" Sinenyasan ko naman si Allan.

"Itatanong ko lang kung si Jana ba, connected saamin?" Nag isip naman sya saglit tsaka umiling.

"Sya lang ang hindi nakapagloko at nantraydor kaya hindi sya connected sainyong lahat." Tumango tango naman sya.

"Sige, salamat."

"Yun lang itatanong mo?" Umiling naman sya.

"Meron pa."

"Sige, ano?" Pinakiramdam ko naman yung paligid kung may tao, buti wala.

"Kailan babalik dito si Dylan?" Nagulat naman ako dun sa tinanong nya kasabay ng paglingon sakin ni Shia.

"Uhm. Kay Ram mo nalang itanong." Magsasalita pa sana si Allan nang bigla na lang nawala si Shia.

"Ram. Yung tanong ko, ikaw nalang sumagot." Napabuntong hininga naman ako.

Sasabihin ko ba sakanya?

"Ram. Sagutin mo yung tanong ko." Pangungulit nya sakin. Bumuntong hininga ako tsaka sumagot.

"Sa graduation daw nating lahat. Doon sya babalik." Tumango lang sya tsaka naglakad na papalayo.

Tumayo na din ako at babalik na sana sa kwarto ko nang biglang tumawag si Dylan. Sinagot ko naman.

"Bakit napatawag ka?" Sumandal ako sa pader.

"Nakabalik na dyan si Jana?" Kumunot naman noo ko. Bakit nya kaya natanong?

"Oo. Bakit?"

"Baka mag isip ka ng kung ano ah. Kapatid ko sya, secret lang natin yun." Napanganga ako. Kaya pala.

"Sige." Pagkasabi ko nun bigla nyang inend yung tawag, nagkibit balikat nalang ako.

Saktong pagbalik dito ni Dylan, magbabago din ang lahat.
○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○
End of Chapter 36

A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.

Loving Mr. Cold Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora