Chapter 34

596 22 2
                                    

Ram P.O.V

Pagkatapos kong naglakad papalayo. Pumunta ako sa likod ng school at napunta sa isang gubat.

Naupo ako sa isang puno dun. At napabuntong hininga.

Bumabalik nanaman lahat. Naaalala ko nanaman yung sinabi sakin nya bago sya mamatay.

"Shia!" Nakangiti naman syang lumapit sakin nun.

"Bakit Ram?" Maganda sya. At sya ang nagsilbing kakambal ni Trishia.

"Diba lahat ng sinasabi mo at hinuhulaan mo sa mga tao, nagiging totoo?" Nakangiti naman syang tumango.

Para syang isang himala. Lahat ng sinasabi at hinuhulaan nya sa mga tao, nagkakatotoo.

"Sa tingin mo, sinong nakatadhana sakin?"  Tinitigan naman nya ko tsaka sumagot na din.

"Kung may makilala kang Kurtney Cole. Sya yun."

"Kurtney Cole? Sige, salamat. Shia!" Nakaramdam ako ng unting lungkot nun dahil hindi sya ang itinadhana sakin.

Sya talaga ang gusto ko at hindi si Trishia. Nakikita ko lang sya sakanya kasi magkamukha sila kahit hindi sila magka ugali.

"Pero tandaan mo, itinadhana lang kayo ng makikilala mo at hindi itinakda para sa isa't isa." Nakaramdam ako ng kirot sa bandang puso nun.

Dahil alam kong mamahalin ko rin ang babaeng sinabi nya.

Napabuntong hininga ulit ako sabay tinignan ang picture na binigay nya sakin bago sya mamatay.

"Ram!" Nakangiting lumapit naman ako sakanya.

"Bakit Shia?" Nagtaka ako nang may ibigay syang picture sakin.

"Nakikita mo yung babaeng hindi mo kilala dyan?" Tumango naman ako.

"Sya yun." Tinitigan ko yung babae kasi parang pamilyar sya sakin.

"Nandyan na din ako para kapag kailangan mo ko. Tawagin mo lang ang pangalan ko, tatabi kaagad ako sayo." Titignan ko na sana sya nang bigla syang nawala.

Tinago ko yung picture tsaka tinawag yung pangalan nya. Umaasa na tatabi sya kaagad sakin.

"Shia! Kailangan kita." Biglang lumakas ang hangin at nagulat nalang ako na nasa tabi ko sya.

"Dumating na ba yung araw na sinasabi ko?" Tumango naman ako.

Nagtataka ako kung saan sya nagpunta at nakapunta dito. Pero hindi ko na yun tinanong.

"Sa tingin mo, sino bang nakatakda sakanya?" Nag isip naman sya saglit at sumagot.

"May magiging dalawa syang manliligaw. Yung isa dun magugustuhan nya pero iba ang pinili nya kaya nakakalito kung sinong itinakda sakanya." Nagtaka naman ako.

"Paanong nakakalito?"

"Tagahula lang ako, Ram. Hindi ako ang Diyos para malaman ang mga nakatakda sainyo."

"Eh bakit lahat ng hinuhulaan mo sa mga tao, nagkakatotoo?" Nagkibit balikat naman sya.

"Baka nagkataon lang yun." Tumango tango ako.

"Kay Trishia. Sa tingin mo, sinong nakatakda sakanya?" Nag isip naman sya saglit tsaka sumagot.

"Pagkatapos ng pagmamahal nya kay Allan. Mas lalo syang magbabago pero may dadating na isang lalaki sakanya na mapagbabago sya. Isang lalaking ideal man ng mga babae." Napatango nalang ako.

"Kay Allan naman." Nag isip naman sya tsaka umiling iling.

"Matagal syang makakamove on at matagal dadating yung babaeng para sakanya." Malas ng lovelife ng loko😂.

"Eh ako?" Tinitigan naman nya ko tsaka umiling iling din.

"Ganun din sayo. Parehas kayo ng bestfriend mo." Napanganga ako nun. Nakarma kaagad ako😪.

"Sige, Ram. Aalis na ko." Tumango ako at titingin na sana sakanya nang biglang lumakas ulit ang hangin kasabay ng pagkawala nya sa tabi ko.

"Bakit umalis kana kaagad? Hindi ko pa nga natatanong kung kailan mangyayari yun eh." Nagulat ako nung bigla syang ngumiti dun sa picture.

Nakakakilabot ka talaga, Shia. Tsk tsk tsk.

"Ram." Tumigil ako sa pag iisip kay Shia at tinignan si Allan.

Nandito din pala sya. Narinig nya siguro yung kanina.

"Bakit?" Tumabi naman sya sakin.

"Multo ba yung kausap mo kanina?" Nagtaka naman ako. Hindi nya ba nakita si Shia kanina?

"Paano mo nasabi?"

"Tinitignan kase kita kanina, nagsasalita kang mag isa at nakatingin sa katabi mo kahit wala naman akong nakikita na katabi mo." Mas lalo akong kinilabutan.

"Pero may naririnig naman akong boses ng babae na sumasagot sa mga tanong mo. Hinahanap ko nga eh." Tumango tango nalang ako habang sya hinahanap talaga si Shia.

"Narinig mo siguro yung magiging lovelife mo?" Napatigil sya sa paghahanap tsaka tumango.

"Magiging totoo ba yun?" Nagkibit balikat ako.

"Gaya ng sabi nya, hindi sya ang Diyos para malaman ang mga nakatakda satin." Tumango tango nalang sya.

"Pakiramdam ko magiging totoo yung sinabi nung babae kanina eh." Nakikita kong mukhang hindi pa sya handa kapag nangyari yung araw na yun.

"Paano kung maging totoo nga yung sinabi nya, handa ka na masaktan?" Nagkibit balikat naman sya.

"Pwedeng oo. Pwedeng hindi." Napailing nalang ako tsaka tumayo na.

"Baka hindi ka makamove on kaagad kapag nangyari yun." Matagal pa namang mag move on 'tong lokong 'to.

"Syempre mahal ko eh." Hindi ko nalang pinansin yung sinabi nya at umalis na dun sa gubat.

"Shia. Last na lang na tanong."

"Sige." May narinig akong nagsabi nyan, boses nya. Pero wala sya sa tabi ko.

"Kailang araw mangyayari yung sinasabi mo kanina?" Para pagdumating yung araw na yun, tanggap ko na.

"Kapag graduate na kayo." Nagtaka naman ako nun.

"Highschool? O College?"

"Hindi ko alam." Sabi nya tsaka biglang tumawa. Napailing nalang ako.

Tinago ko muna yung picture tsaka pumunta ng canteen. Nagutom ako eh.
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
End Of Chapter 34

A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.

Loving Mr. Cold حيث تعيش القصص. اكتشف الآن