Chapter 15

1K 39 2
                                    

Kurtney P.O.V

Pagkatapos mawala yung lagnat ni Trish. Nandito kaming dalawa ngayon sa hallway.

Uutusan siguro ako nito😩, ganyan yan pagkatapos magkalagnat😪.

"Bakit tayo nandito?" Taas kilay na tanong ko. Sumandal naman sya sa pader.

"May iuutos ako sayo." Napasimangot naman ako. Sabi na nga ba eh.

"Puntahan mo si Ram sa library tapos sabihin mong pumuntang canteen." Mas lalo akong napasimangot.

"Bakit ako pa nautusan mo nyan?" Sinamaan nya ko ng tingin.

"Ang dali-dali lang ng inuutos ko sayo, wag ka ng umangal." Bakit hindi na lang sya yung gumawa kung madali lang pala?

"Tsaka may gagawin pa ko kaya sayo ko pinagawa yan." Napatango nalang ako nun tsaka dumiretsyo na sa library.

Trishia P.O.V

Pagkatapos naming mag usap ni Ney. Pumunta kaagad ako sa classroom kung nasaan si Francis.

"Uy unggoy!" Tumingin naman sya sakin kaya muntik na kong matawa.

Napataas kilay nya nung tuluyan na kong natawa. Alam nya talagang sya yung unggoy😂.

"Bakit pandak?" Nawala yung tawa ko nun. Naisahan ako psh😒.

"Nagawa ko na yung pinapautos mo sakin." Tumabi ako sakanya, lumayo naman sya unti. Napairap ako nun.

Arte ng lalaking 'to😒.

"Akin na." Binigay ko sakanya yung isang notebook na puro drawing sa taas at may story sa baba.

Ang inutos nya kase sakin, ibigay sakanya yung diary ko daw na laging naiiwan dito sa school bilang kapalit ng pag aalaga nya sakin.

"Akala ko diary mo 'to?" Tanong nya habang nagbabasa na.

"Sino naman nagsabi sayo na diary ko yan?" Lumipat ako ng upuan tutal ayaw naman nya kong katabi.

"Sila Alyssa." Napairap naman ako nun, hindi kase nila binubuksan yan kaya akala nila diary ko.

"Maniwala ka kapag ako nagsabi." Tumango lang sya habang nagbabasa pa din.

"Ang galing mo palang magdrawing?" Binaba nya yung notebook tsaka hinarap ako.

"Subukan mo ngang idrawing mukha ko." Kumuha naman ako ng lapis sa bag at notebook tsaka sya drinowing.

"Oh." Kinuha naman nya yun ng nakangisi.

"Bilis ah?" Tignan natin kung makakangisi kapa kapag nakita mo drinowing ko.

"Ano 'to?! Mukha ko ba 'to?" Inis na tanong nya tsaka pinakita sakin yung drinowing ko.

"Oh bat ka ganyan makareact? Mukha mo naman yan ah?" Inosenteng sabi ko. Sinamaan naman nya ko ng tingin.

"Unggoy 'to!" Inilapit pa nya sakin yung drinowing ko kaya napairap ako.

"Oo, alam kong unggoy yan. Mukha ka kaseng unggoy." Naglakad na ko papalayo nun. Hindi nya rin naman tinapon yung drinowing ko.

Kurtney P.O.V

Pagkapunta ko sa library, napanganga ako nang makitang tulog si Miko.

"Kurtney." Napalingon naman ako kay Clarence.

"Gisingin mo. Kanina pa yan, ginigising." Nagtaka naman ako.

"Bakit ba kailangan syang gisingin?"

"Tanong mo sakanila." Napailing ako nung naglakad na sya papalayo.

Tino din nitong kausap eh😒.

Pumunta ako sa tabi ni Miko tsaka nagsalita.

"Miko, gising!" Pero hindi sya nagising kaya niyugyog ko sya.

"Uy, gising!" Pero wala pa din. Himbing naman ng tulog nito.

Nung hindi pa rin sya magising. Tinitigan ko na lang muna yung mukha nya tutal pagod na ko.

"Gwapo pala 'to?" Sinundot-sundot ko mukha nya nang bigla syang dumilat.

"May pagnanasa ka pala sakin." Napalayo naman ako sakanya nun. Kapal ng mukha.

"Kapal mo. Yung libro yung sinabihan ko ng gwapo." Kumunot naman noo nya. Umiwas lang ako ng tingin.

"May mukha pala yung libro." Tumango tango sya tsaka tumingin sakin.

"Bakit mo ko ginising?" Sumimangot ako.

"Inutos ni Trish. Pumunta ka daw ng canteen." Tumango naman sya tsaka tumayo na.

"Geh, alis na ko." Nakaramdam ako ng lungkot nung naglakad sya palayo.

"Masakit noh?" Nilingon ko si Darell at tinaasan sya ng kilay.

"Anong masakit dun?" Sabay kaming naglakad palabas sa library.

"Yung iniwanan ka nya dahil mas pinili nya yung iba kaysa sayo." Napanganga ako nun.

"May pinagdadaanan ka ba?" Ngumiti lang sya sakin tsaka naglakad papalayo.

Nagkibit balikat nalang ako tsaka pumuntang canteen. Ano naman kayang gagawin ni Miko sa canteen?

Pagkapunta ko sa canteen, nakita ko si Miko at Trish na nag uusap. Hindi ko naririnig pinag uusapan nila.

"Oh ano? Masakit diba?" Nakaramdam naman ako ng pagkakirot sa puso nun. Napailing ako.

"Hindi pwede 'to." Umiling iling ako tsaka umalis dun.

"Inlove kana. Wala ka ng magagawa." Umupo ako dito sa gilid ng hallway ganun din ginawa ni Darell. Tumabi sya sakin.

"Pano ba malalaman kapag inlove ka na sa isang tao?" Dati ko na 'tong nararamdaman eh. Hinahayaan ko lang.

"Kay Trish kana lang magtanong. Mas madami yung experience kaysa sakin eh." Sabi nya tsaka tumawa. Ngumiti naman ako tsaka tumayo na.

"Sabagay. Sige, thank you." Nakangiting tumango lang sya tsaka umalis na.

Ram P.O.V

Umalis na ko pagkatapos nilang mag usap ni Darell. Napailing ako nung narinig ko lahat ng pinag usapan nila.

"Dati pa ko nahulog sakanya, ngayon lang sya nainlove sakin tsk."
◀▶◀▶◀▶◀▶◀▶◀▶◀▶◀▶◀▶◀▶◀▶
End of Chapter 15

A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.

Loving Mr. Cold Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon