Chapter 32

585 25 0
                                    

Trishia P.O.V

Panibagong araw nanaman. Nandito ako ngayon sa rooftop, nakatingin sa picture naming apat.

Masasaya pa kami nito, halatang walang mga problema.

Nagtaka nga ko kasi parang pawis si Ram dito sa picture at namumula pa. Dahil siguro kay Ney😂.

"Trishia." Tinawag nya pangalan ko at naupo sa tabi ko.

"Bakit, Ram?" Agad ko namang nilagay sa bulsa ng palda ko yung picture.

"Bakit hindi ka pumasok sa klase natin?" Napataas kilay ko. Parang sya, pumasok ah?

"Nagpapahangin lang ako. Eh, ikaw?" Nararamdaman ko nanaman kaseng sumisikip dibdib ko.

"Malungkot ako kaya hindi ako pumasok sa klase." Nagtaka naman ako. Bakit kaya?

"Bakit ka naman malungkot?" Tinignan naman nya ko.

"Kasi nagalit sakin si Allan kahapon." Napatango nalang ako.

Narinig ko pinag awayan nilang dalawa. Pati yung pag uusap nila Ram at Dylan.

"Bakit mo kase ginawa yun?" Napayuko sya at hindi sumagot.

"Kung hindi ikaw ang magugustuhan ng taong gusto mo, tanggapin mo na lang. Sumaya ka pa, hindi yung nagsisisi ka. Kasi trinaydor mo sya." Napasabunot sya sa buhok nya nun.

Nagulat din ako nung nalaman kong may gusto pala sya sakin dati.

"Trinaydor mo rin naman si Alyssa. Pero bakit parang hindi ka nagsisi?" Napabuntong hining ako.

Kung alam mo lang, sobrang sising sisi ako.

"Kaya ka pumupunta lagi sa park kasi may paghanga ka kay Clarence."

"Dati lang naman yun, hindi na ngayon." Napasimangot ako.

Nakaraan na yun, nangyari na. Hindi na mababalikan pa.

"Paano kapag nalaman ni Alyssa na trinaydor mo sya?" Nag isip naman ako.

Posibleng may magsabi ng kalokohang ginawa ko rin dati. Gaya ng sabi ni Ram kahapon.

Lahat kami naging traydor at manloloko.

"Tatanggapin ko lahat ng sasabihin nya sakin. Kasalanan ko eh, edi pagdusahan ko." Hinihintay ko nalang yung araw na mangyari yun.

"Kumain kana ba? Libre kita." Nakangiting umiling naman ako.

"May pera ako. Kaya kong bilhan ng pagkain ang sarili ko ng sarili kong pera." Tumango lang sya tsaka naglakad na papalayo.

Hindi ako lumabas ng rooftop nun at nagpahangin ulit.

"Umaatake ka nanaman. Hindi mo nanaman ako ininform." Sabi ko sa dibdib ko tsaka pumunta na sa canteen.

Pagdating ko dun, nandoon si Ram. Mag isang kumakain. Kami lang atang dalawa hindi pumasok ng klase eh.

"Pashare." Tumango lang sya pagkasabay ng pagkaupo ko.

"Oh bat hindi kayong pumasok na dalawa?" Tanong samin nung tindera. Tinitigan ko sya.

Ibang tindera 'to. At parang kilalang kilala ko 'to. Sinubukan kong silipin mukha nya pero umiiwas sya.

"Sasagutin ko ang tanong mo kapag ipapakita mo ang mukha mo." Seryosong sabi ko kahit nananakit nanaman dibdib ko.

"Sige na nga, papakita ko na mukha ko. Kawawa ka naman eh." Sasamaan ko na sana sya ng tingin nang biglang lalong nanikip yung dibdib ko.

"Aray." Napatayo kaagad si Ram nun at binuhat ako.

"Allyana. Sa ibang araw kana lang manggulo, wag ngayon." Si Allyana pala yun. Sabi na nga ba eh.

"Naninikip nanaman ba?" Tumango naman ako.

"Pacheck up kana kaya sa doctor?" Umiling naman ako. Takot ako sa doctor simula nung namatay yung lola ko.

"Baka sakit na sa puso yan, Trishia?" Umiling lang ako kasabay ng paghiga nya sakin dito sa kama sa clinic.

Hindi naman siguro, sakit ng puso 'to.

"Anong nangyari sakanya, Ram?" Tanong nung nurse.

"Naninikip nanaman dibdib nya." Napapikit nalang ako nun.

Kailangan ko lang siguro ng pahinga kaya ganito.

Allan P.O.V

Papunta na sana ako nang cr ng makita kong buhat-buhat ni Ram si Trish.

Tinitigan ko lang silang dalawa hanggang sa may malaglag na picture si Trish. Lumapit ako at kinuha yun.

"Ano yan?" Pinakita ko sakanya yung picture naming apat.

"Tagal na din ng picture na 'to ah? Kanino galing 'to? Sayo?" Umiling ako.

"Kay Pandak." Tumango lang sya tsaka naupo kaya tinabihan ko sya.

"Nakita mo sila kanina noh?" Tumango naman ako.

"Wag kang magselos sa tuwing nakikita mo silang magkasama." Kumunot naman noo ko.

"Bakit naman?"

"May nagbigay sakin ng letter at picture." Binasa ko yung letter muna.

Dear Kurtney,
       Wag kang magseselos sa tuwing nakikita mo silang magkasama, alam mo kung sino yung dalawa na tinutukoy ko. Pinaalaga si Trishia ng lola nya kay Ram kaya lagi silang magkasama. May hinala kase sila na may sakit sa puso si Trishia dahil madalas naninikip yung dibdib nya.

P.S: Ipabasa mo 'to kay Allan para malaman nya din.

                                    Your Ex Crush,
                                          Dylan👑

Sunod kong tinignan yung picture. Picture ng isang lola na kinakausap si Ram habang nakatingin kay Trish.

Kumunot noo ko at binasa ulit yung huli dun sa letter.

"Naging crush mo si Dylan?" Tumango naman sya.

"Edi parehas kayong may crush sakanya dati?" Mabagal naman syang tumango.

"Aminin mo nga sakin." Bumuntong hininga muna sya bago sumagot.

"Trinaydor ko si Trishy dati." Nag iwas sya ng tingin.

"Paanong trinaydor?"

"Yung totoo, matagal ko ng gusto si Dylan noon. Mas nauna pa kong magkagusto kaysa kay Trishy. Kaso hindi ako ang napapansin niya kundi si Trishy." Tumango naman ako.

"Nung unti-unti na ding nagkakagusto si Trishy kay Dylan, gumawa na ko ng plano nun na kapag nagkatuluyan sila, sisingit ako." Nanlaki mga mata ko sa nalaman ko.

"So ayun, naging sila nga at sumingit ako. Edi puro away na sila nun nung dumating ako. Si Dylan parang susuko na sa relasyon nila habang si Trishy patuloy paring lumalaban. Hanggang sa hiniwalayan ni Dylan si Trishy."

"Anong role mo? Bakit hindi ka man lang inaway ni Pandak?"

"Nagpanggap akong bilang kaibigan nya. Hanggang sa ito, naging totoo na. Narealize ko kase, na sobrang bait nya para traydorin." Nagkibit balikat ako tsaka tumayo.

"Pero wala eh, natraydor mo na." Nginitian nya lang ako ng malungkot.

"Lahat tayo dito naging traydor at manloloko." Tinignan ko sya habang naglalakad na sya palayo.

Eh ako? Paano ako naging traydor at manloloko? Lalo na't kunti palang naaalala ko ngayon.
§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§
End of Chapter 32

A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.

Loving Mr. Cold Where stories live. Discover now