Chapter 31

637 24 4
                                    

Allan P.O.V

Pagkatapos nung libre, napaupo ako dito sa rooftop.

Dati pa ko nagseselos dun sa dalawa kasi close na close sila.

"Allan." Tinignan ko yung babaeng tumawag sakin. Hindi ko sya kilala.

"Bakit?" May binigay naman sya sakin na ipinagtaka ko.

"May pinapabigay sayo." Kinuha ko naman yun kasabay ng paglaho nya.

Napailing-iling nalang ako. Namalikmata lang ata ako.

"Ano kaya 'to?" Tinignan ko yung binigay sakin nung babae. Isang sulat at picture.

Una kong binasa yung sulat.

Dear Allan,
       Gusto ko lang na malaman mo na bago ka magkaamnesia, niloloko ka na ni Ram. Bata pa lang kayo, may pagtingin na sya kay Trishia. At para maging close silang dalawa, nagsabwatan sila Ram at Dylan. Alam kase nilang ikaw ang magugustuhan ni Trishia kaya ganun. Mga ilang araw din, naamnesia si Ram dahil selfish si Dylan. Ayaw nya ng may kahati kaya yung ginawa nila sayo. Ginawa nya din kay Ram.

P.S: Kung ayaw mong maniwala sakin, itanong mo kay Ram. Atsaka wag kang masyadong uto-uto😉.
 
                           Your Ex Girlfriend,
                                   Allyana💋

Nagulat ako nun at hindi naniwala, sunod kong tinignan yung picture.

Yung picture. Masaya akong naglalaro nun habang nakatingin sakin sila Ram at Dylan na parang may binabalak na masama.

"Tangina." Galit na bumaba ako sa rooftop at saktong nakasalubong ko si Clarence kaya tinanong ko sya.

"Clarence." Tumingin naman sya sakin.

"Bakit?" Sinubukan kong pakalmahin sarili ko para hindi ako masyadong halata.

"Alam mo ba kung nasaan si Ram?" Tumango naman sya.

"Nasa music hall." Tumango lang ako tsaka pupunta na sana dun nang may bigla syang sinabi sakin.

"Wag kang basta-basta magalit sakanya. Kaibigan mo pa rin sya." Napailing nalang ako.

Basta talaga tahimik, madaming alam.

Pumunta na ko ng music hall at saktong nakita ko sya na mag isa lang dun.

"Ram!" Tumayo sya mula sa pagkakaupo tsaka tinignan ako.

"Bakit?" Galit na galit akong lumapit sakanya.

"Totoo ba 'to?!" Galit kong hinagis sakanya yung binigay sakin nung babae kanina.

Kinuha naman nya yung sulat at picture. Pagkatapos nun, nagulat sya.

"Oh ano?! Totoo?!" Bumuntong hininga sya nun. Totoo nga.

Kasi sa tuwing may magtatanong sakanya, sasagot sya kaagad. Pero ngayon, bumuntong hininga muna.

"Sino nagbigay sayo nito?" Mas lalo akong nainis nung hindi nya sinagot yung tanong ko.

"Yung tanong ko muna, sagutin mo." Bumuntong hininga ulit sya tsaka tumango.

"Oo, totoo yan." Napaupo ako tsaka biglang naluha.

Tao lang din naman ako kaya walang masama kung umiyak ako porket lalaki ako.

"Kaibigan ko kayo. Bakit nagawa nyo yan sakin?" Tumabi naman sya sakin tsaka nag iwas ng tingin.

"Nung malaman ko rin yun, nagsisi ako." Lumayo ako, galit ako sakanya.

"I'm sorry, Allan." Pinunasan ko luha ko.

"Ang sabi, nagkaamnesia ka. Pero bakit naalala mo kaagad samantalang ako, hindi?"

"Mas malala ang amnesia mo kaysa sakin. Pangmatagalan sayo, sakin hindi." Napasabunot nalang ako sa buhok ko.

Ano pa bang malalaman ko?

"May tinatago pa ba kayo sakin, bukod dyan?!" Inis na tanong ko sakanya.

"Pagkatapos ng amnesia ko, yung naalala ko na lahat. Nakipagclose ulit ako sakanya." Umiwas sya ng tingin sakin.

"Anong pakiramdam?" Nakangising tanong ko.

"Sa una, masaya. Pero pagtumatagal, nagiguilty ako." Kumunot naman noo ko.

"Bakit naman? Nakuha mo na gusto mo diba?" Tinignan naman nya ko. Yung malungkot na tingin.

"Nakuha ko nga gusto ko, sinira ko naman tiwala ng bestfriend ko." Napabuntong hininga ako.

"Gumawa ka ng paraan para maibalik ulit ang tiwala ko sayo." Tumayo na ko nun.

"Nasira ko na tiwala mo, imposible ng maibalik yun." Sabagay.

"Tsk. Kahit wag na. Kahit trinaydor mo ko, kaibigan pa rin turing ko sayo." Umalis na ko nun. Kung ano pa masabi ko eh.

Ram P.O.V

Pagkatapos nyang umalis. Tinawagan ko kaagad si Dylan.

"Alam nya na." Tinignan ko pa muna kung walang tao bago ko sinabi yan.

"Oh anong nangyari?"

"Nagalit sya sakin. Tarantado ka talaga." Naiinis talaga ako dito minsan eh.

"Oh bakit sakin ka nagagalit? Sino ba nagpaalam sakanya nun?"

"Si Allyana." Nakita ko kasi yung Ex Girlfriend. Si Allyana lang naman naging ex nya.

"Traydor din yung Allyana na yun eh. Manloloko na nga, traydor pa tsk." Napakunot noo ko.

"Lahat tayo dito naging traydor at manloloko."

"Sabagay, malapit na kong uuwi dyan." Puro nalang sya malapit, hindi nalang nya sabihin kung kailan 😒.

"Bakit ka pa babalik? Dami mong kasalanan dito, loko!"

"Namiss ko kayo eh. Tsaka masamang damo ako, matagal akong mamamatay." Napailing ako.

"Tsk. Ikaw kontrabida sa storyang plinano mo." Alam ko namang pati kami, pinaglaruan nya para may magawa syang story nanaman.

"Kaya nga eh. Hayaan mo na, sumikat naman yung story." Napailing nanan ako.

"Sarili mo lang talaga iniisip mo tsk tsk tsk."

"Hindi naman. Bago ako umalis dyan, inayos ko na lahat ng ginulo ko."

"Sabagay. Sige, goodbye na."

"Geh. Balitaan mo na lang ako ulit. Kung ikaw nanaman, kinawawa."

"Kung hindi ka lang umalis, ikaw kawawa dito tsk." Tumawa lang sya tsaka inend na yung tawag.
★★★★★★★★★★★★★★★★★★
End of Chapter 31

A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.

Loving Mr. Cold Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon