Chapter 37

492 21 0
                                    

Kurtney P.O.V

"Kurtney. Yung ipapasa mo daw kay Maam. Ipasa mo na." Tumango naman ako tsaka kinuha yung ipapasa ko nang biglang may tumawag ulit sakin.

"Kurtney. May naghahanap sayo sa labas. College student pero gwapo." Nagtaka naman ako nun. Sino kaya yun?

"Kurtney. Nandoon na daw yung isusuot mo sa performance nyo. Kunin mo na daw kaagad ngayon." Napasimangot naman ako.

"Kurtney. Papuntahin mo daw si Trishia doon sa music hall utos ni Jose." Napanganga naman ako.

Bakit parang sunod-sunod naman?

"Kurtney. Naiwan mo daw yung notebook mo sa Science, kunin mo na lang daw sa library." Tumango tango nalang ako sakanila tsaka dali-daling umalis.

Dami ko namang gagawin😭.

"Kurtney." Napatingin naman ako kay Kuya nun.

Hindi ko na tinanong kung ano yung pangalan nya.

"Bakit Kuya?" Inalala ko naman yung mga sinabi sakin ng mga kaklase ko.

"Madami ka bang gagawin ngayon?" Tumango naman ako kaagad.

Una, yung ipapasa ko kay Maam. Kailangan ko na daw ipasa ngayon. Buti nalang nadala ko kundi babalik nanaman ako dun.

"Oo eh. Bakit, Kuya?" Takang tanong ko.

Sunod naman, itong kausap ko ngayon. Hinahanap daw ako.

"Ililibre sana kita sa canteen ngayon." Napasimangot ako. Sayang, madami akog gagawin pa.

Pangatlo naman, yung isusuot ko. Kailangan ko ng kunin yun dun sa dance hall.

"Next time nalang, Kuya. Pwede?" Tumango naman sya.

Pang apat naman, yung papapuntahin ko si Trishy sa music hall kasi utos ni president yun.

"Oo. Pwede naman. Anytime." Buti naman, makakalibre ako😂.

At panglima, yung naiwan kong notebook sa library. Kailangan kong kunin kaagad yun kasi may quiz kami bukas.

"Sige, Kuya. Alis na ko. Madami pa kong gagawin eh." Ngumiti naman sya kasabay ng paglakad ko papalayo.
Apat nalang gagawin ko. At ihuhuli ko nalang yung kay Trishy.

Trishia P.O.V

"Pwedeng pashare kami ng table, Pandak? Wala ng bakante eh." Tumango lang ako tsaka nagpatuloy sa pagkain.

Nasaan kaya si Ney? Madami atang ginagawa yun eh. Kasi nakasalubong ko kanina, takbo sya ng takbo sa kung saan.

"May quiz kayo sa Science bukas?" Tumango naman kaming dalawa ni Ram.

"Bakit mo natanong, Unggoy?" Nginitian naman nya ko. May kailangan 'to siguro.

"Pwedeng paturo ako sainyo? Matatalino kayo pagdating dyan eh." Napailing naman ako tsaka tinuro si Ram.

"Si Ram lang. Wag mo kong isama. Mahina ako dyan sa Science." Balak ko nga rin sana na magpaturo kay Ram eh.

"Ah ganun ba? Ram, paturo kami sayo mamaya. Sige na." Tinignan naman kaming dalawa ni Ram.

"Hihiramin ko yung stufftoy na panda ni Ney tapos ibibigay ko sayo bilang kapalit." Tumango naman sya.

"Sige." Napangiti nalang kami sa isa't isa ni Francis.

Mga ilang minuto din, nahagip ng mata ko si Ney na humihingal habang papalapit samin.

"Trishy." Umupo naman sya sa tabi ko tsaka uminom ng tubig ko.

"Bakit?" Tinapos nya muna yung pag inom bago sumagot.

"Punta ka daw ng music hall utos ni Jose." Tumango tango naman ako tsaka tumayo na.

Busog na rin naman ako eh.

"Samahan nyo kong tatlo." Nagtinginan sila saking tatlo.

"Pwedeng magpahinga muna ako?" Tinignan ko naman si Ney.

"Doon ka na magpahinga." Tumango lang sya tsaka tumayo na din.

"Tara na, dalian nyo." Nagdala naman ng pagkain si Francis tsaka tumabi sakin.

"Bakit nagdala ka pa ng pagkain?" Nginitian nanaman nya ko ulit.

"Gutom padin ako eh." Nagkibit balikat nalang ako.

Pagkapunta namin ng music hall, nakita na namin kaagad si Jose na naghihintay dun.

"Ano yung sasabihin mo?" Sinenyasan naman nya kami na maupo sa sofa dito.

"Pwedeng matulog?" Tumango naman si Jose.

Ram P.O.V

Nagulat ako nang biglang natulog si NeyCole sa balikat ko habang nakatingin sakin sila Allan at Trishia.

"Mamaya na yang pang aasar nyo sakanila. May sasabihin ako, Trishia." Tumango naman si Trishia.

Ano kaya sasabihin nya kay Trishia?

"Sa graduation, babalik si Dylan. Kakasabi nya lang sakin kanina nung tumawag sya." Ah yun pala, kala ko kung ano na.

"Tapos? Anong gagawin nya sa pagbalik ni Dylan dito?" Inis na tanong ni Allan. Kaya napatingin sakanya si Jose.

"Wala. Binabalitaan ko lang sya." Napanganga nalang si Allan kasi sinamaan sya ng tingin ni Trishia.

"Ayyy Trishy, hindi ko nasabi sayo. Tinawagan din ako ni Dylan na graduation daw balik nya dito." Sabi ni NeyCole tsaka natulog ulit sa balikat ko.

"Ikaw, Unggoy. Tinawagan ka rin ba nya?" Inis na tumango si Allan.

"Bakit ako hindi nya tinawagan?" Nagkibit balikat nalang sila. Ako hindi pwede kasi may natutulog sa balikat ko.

"Big deal na ba sayo yun?" Umiling nalang si Trishia kasi pansin nyang naiinis na talaga si Allan.

"Sige, yun lang. Kung gusto nyo pang mag stay dito, ok lang. Wala namang gagamit ng music hall ngayon." Tumango lang kami kasabay ng pag alis nya.

"Mag stay pa kayo dito?" Tanong ko sakanilang dalawa kasi ako, panigurado mag stay dito.

"Hindi. May pupuntahan ako." Umalis kaagad si Allan nun.

"Bakit parang inis na inis sya ngayon?" Tanong nya sakin pagkatapos bumuntong hininga.

"Nagselos lang sya kay Dylan. Pagpasensyahan mo na." Inaalala ko nanaman kase yung dibdib nya, baka manikip nanaman.

"Sumunod kana sakanya nun, baka mas lalo pang sumama pakiramdam mo nyan." Tumango lang sya tsaka umalis na din.

Tinignan ko naman si NeyCole tsaka inayos yung buhok nya kasi natatakpan yung mukha nya.

"Pano kung hindi ako yung para sayo." Biglang sabi ko sakanya kahit tulog sya.

"Matatanggap mo rin kaya?" Nagulat nalang ako nang may tumulong luha sa mata nya pagkatapos kong sabihin yun.
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
End of Chapter 37

A/N: Vote👍, Comment💬 and Appreciate💓.

Loving Mr. Cold Where stories live. Discover now