Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay bumilis ang pagtahip ng dibdib ko. Ano bang nangyayari sa'yo Ariana? Nung isang linggo halos hindi ka makatulog dahil sa aksidenteng pagdampi ng labi niyo. Ngayon ano? Binibigyan mo ng malisya ang halik ng bata? Paksyet! Para na akong tanga na kinakausap ang sarili kong utak.

Sa awa naman ng Diyos ay napalis ko sa isip ang mga gumugilong iyon. Hindi yon maganda para sa araw na ito. Kailangan kong maging productive.

***

Alas diyes nang pumunta nang simbahan ang mag-ama kasama ang mga kapatid mga magulang ni Konsi at sila Mamita. Sinabi ni Tita na mauna na sila, may maghahatid naman sa aking driver. Kaya ayon minadali ko na ang pag-aayos, alas onse pa naman ang mismong binyag.

"Shet! Ako ba to?" Para akong natanga na nakaharap sa salamin ng makita ko ang repleksyon ko. Hinayaan kong nakalugay ang tuwid na tuwid at itim na itim kong buhok. Kahit papaano naman ay marunong akong mag-ayos, ginamit ko lang ang pressed powder ko at pink na lips stick. Naglagay ako ng eye liner sa paligid ng mata ko at inayos ang makapal at magandang hubog kong kilay.

May suot din akong pearl na hikaw, imabot sa akin yon kanina ni Mamita nung nagkita kami sa kusina. Pinasadahan ko pa ng tingin ang katawan ko. Ang ganda talaga ng fit sa akin ng damit na ito. Pakiramdam ko ay mala-dyosa ako sa awra kong ito. Hindi pa ata ako matitigil sa pagkatulala sa salamin kung hindi lang tumunog ang cellphone ko.

Hindi ko na tinignan kung sino ang tumatawag pero mabilis ko naman iyong nabosesan. "Asa bahay ka pa?" Alnganing tanong niya.

"Oo, paalis pa lang sana ako." Sagot ko na gumiya na palabas ng kwarto ko.

"Good, naiwan daw ni Mamita yong purse niya sa altar malapit sa kwarto mo, can you check it?" Lumakad ako at nakita ko nga sa altar ang isang purse na itim.

"Nakita ko na." Balita ko sa kanya.

"Okay then, dalhin mo na yan dito, inaantay ka sa labas ni Nico, he will drive you here." Bilin niya.

"Okay, papunta na ako." Sagot ko habang dahan-dahang bumababa sa hagdanan.

"Yeah, see you in a while." Tapos naputol na ang linya. Letse! Bakit ganun siya kung magsalita ang lakas makagwapo? Well gwapo naman kasing talaga. Naimagine ko tuloy ang paglubog ng dimples niya. Yong malalim sa kaliwa tapos yong isa na nakikita din sa tuwing magsasalita siya.

"Mam alis na po tayo?" Aya sa akin nung driver na maghahatid sa akin sa simbahan nung nakita niya ako sa labas ng bahay. Ni hindi ko nga namalayan na nakalabas ako e.

Bakit ba kasi lumilipad ang utak ko sa tuwing naaalala at naiisip ko si Konsi, hindi na ata siya healthy sa sistema ko.

"Sige, ikaw ba si Nico?" tanong ko sa lalaking halos kaedad ko na sumalubong sa akin.

"Yes po Mam. Tara na po." Pinagbukas niya pa ako ng pinto sa likod. Bagong driver niya ata ito, ngayon ko lang kasi nakita to e.

"Mam, alis na po tayo?" Tanong sa akin ni Nico.

"Oo, tsaka Nico diba?" Tumango naman siya sa tanong ko. "Pwede ba wag mo na akong tawaging Mam naiilang ako. Hindi naman ako senyorita dito." Pakiusap ko, nakakailang na nga, sila ate Fe nga na kasambahay ay kinukulit ko din na wag akong tawaging Mam.

"E Mam ano pong itatawag ko sa inyo?" Alanganing tanong niya habang minamaniobra ang sasakyan.

"Aria, Aria na lang. Tsaka wag mo na akong i-po, halos magka-edad lang naman tayo e." Pahabol ko pa sa kanya.

"Sige Aria." Pagsang-ayon niya na nagpatuloy na sa pagdadrive, malapit lang naman kami sa simbahan, pero gusto pa nila ako ipahatid ako. Ewan ko ba sa mga mayayaman.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon