Chapter 46

5.3K 173 0
                                    

c h a p t e r      f o r t y    s i x

THIRD PERSON'S POV

Nagtugma ang kanilang tingin at kasabay nito ang pagkatanggal ng maskarang yumayakap sa mukha ng dalaga. Tila natuod sa kinatatayuan ang lalaki nang makita nito ang itsura ng dalaga. Bumalik sa kaniya ang alaala ng isang tao matagal na niyang hinahanap. Tumakbo ang dalaga at iniwan siya roon. Pilit pinoproseso ng lalaki ang nakita ngunit iisang tanong lamang ang nais niyang malaman ang kasagutan. Sa mga oras na iyon ay hinabol niya ang dalaga.

Paglabas ni Rain doon, inatake siya ng limang kalalakihan. "Queen, she's getting away," sambit ni Cliff. Nailagan nito ang suntok ng isang kalaban at saka malakas na sinuntok sa sikmura. Yumuko ito at hinigit sa baywang ang isa saka ipinatumba. Nahampas siya ng porcelain na plorera sa kaniyang balikat kaya napaluhod ito. Susugurin sana siya nang isa pa ngunit nilabas niya ang kaniyang silencer at binaril ito sa noo. Hindi rin nag-atubili ang dalaga na tamaan ang isa pa. Ngunit nakahugot ang isa ng baril at nadaplisan siya sa balikat kasabay ng pagbagsak ng kalaban nang may tama sa kaniyang ulo. Sa likod nito ay walang iba kundi si Pin.

Agad siyang tumakbo papunta sa dalaga at umagapay ito. "We need to leave," sabi nito. "No. I have to get the last piece," sagot ng dalaga at tinulak ang binata. Aangal pa sana siya ng may tumama sa kaniyang balikat. Nanlaki ang mga mata ni Pin at paglingon nito, nandilim ang paningin niya sa taong nakatayo sa kaniyang likuran. Pareho nilang sinugod ang isa't isa. Hindi na lumingon si Rain at kahit masakit ang balikat niyang may nakabaon na shiruken ay mabilis niyang nilisan ang lugar.

Nagkagulo ang lahat ng makita nila siyang may hawak na baril at duguan. Lahat ng mga bodyguard na pumipigil sa kaniya ay walang awa niyang pinagsusuntok, binabalibag, sinisiko at sinisipa. Hanggang sa makarating siya sa labas kung saan naroon ang sasakiyan ng isang VIP na palabas pa lamang. Inumpog niya ito sa hood ng kotse at saka pumasok sa loob at iminaneho ito paalis. "Give me the location," utos niya at binilisan ang takbo ng sasakyan. Hinigit niya ang shiruken na nakapaloob sa kaniyang likod at pumuslit ang dugo mula rito. May nakita siyang damit sa passenger's seat kaya hinigit niya ito at gamit ang shiruken nagawa niyang sugatin ito ngunit muntik na siyang mabangga. Mabuti na lamang ay nagawa niyang iwasan ito. Patuloy na nagpagewang gewang ang sasakyan niya habang itinatali niya sa balikat niya ang tela. Kagat nito ang isang dulo saka ipinulupot sa kaniyang balikat. Nagpakita naman sa kaniyang spywatch ang lokasyon na pupuntahan niya kaya mas binilisan pa niya ang takbo.





"I will kill her," sambit ni Ace. "I will kill you before you can even lay a finger to her," nagngangalaiti sa galit na litanya ni Pin. Iaangat pa lamang ni Ace ang baril nang magawang sipain iyon ni Pin at tumalsik ito sa malayo saka niya sinipa sa tuhod ang binata ngunit nakatalon ito. Binato ni Ace ng plorera ang binata ngunit umikot ito at umilag saka tumayo at tumakbo papunta sa pader at patungo kay Ace saka binigyan ng malakas na suntok. Napaatras naman ang binata at nang suntukin siya ulit nito, nahigit niya ang kamay nito ngunit gayun din si Pin. Nagkatinginan sila at mabibilis na suntok ang iginawad ni Ace. Sinasangga naman  ito ng isa at nang magkaroon ng pagkakataon ay siya naman ang umatake. Yumuko ito at siniko sa sikmura ang lalaki kaya napadaing ito sa sakit at napaatras.

Hinihingal na ang dalawa ngunit hindi parin sila tumitigil. Naglabas ng kunai si Ace at nilabas naman ni Pin ang kaniyang brass knuckles na double blade edge. Naunang sumugod si Ace at maistilong paggamit ng kunai ang kaniyang ginawa. Nagawa niyang masugatan si Pin ngunit nagawa rin naman ng isa na sugatan rin ito. Nasuntok sa panga ang binata ang tila hinampas ito dahil sa brass knuckles na gamit ng kalaban niya. Hindi natapos roon ang kanilang pagpapalitan ng mga nakakamatay na atake hanggang sa nagtama ang mga sandata nila at parehong naglalagablab ang tingin nila. Wala silng ibang iniisip kundi ang tapusin abg laban.

The Night QueenWhere stories live. Discover now