Chapter 19

7.7K 246 5
                                    

c h a p t e r      n i n e t e e n

THIRD PERSON'S POV

Nanlaki ang mga mata ng anim at nagkatinginan. Iisa lang ang iniisip nila ngayon. Ito ay ang malaking kagustuhan na makita ng harap harapan ang tinutukoy ni Ki na kandidato sa pagiging Merlin.

"The 5-starred Supreme is here. So, if you don't want to die tonight, listen to me," sabi ni Ki. Hindi man ito iyong tipong ipinapakita ang pag-aalala pero sa katotohanan, may bahid ng pag-aalala sa bawat sinasabi niya. Hindi nila alam kung anong pwedeng mangyari lalo na dahil naroon ng isang Supreme.

Pinatay ni Lance ang tawag at nakatingin sa kawalan. Bumalik ang alaala niya noong nakalipas na limang taon, kung saan nakita niya ng dalawang segundo ang mata ng isa sa mga Supreme.

Hindi niya maikakaila ang kaniyang pagkagalak sa narinig na balita. May walong BAs at bawat BA ay may mga namumunong Supremes. Pero ang 5-starred Supreme ay katumbas ng limang BA. Sumakatuwid, limang Battle Arenas ang hawak o pinamumunuan ng 5-starred Supreme.

Sa kasalukuyan, ang B.A.N.G. ngayon may apat na Supremes. Isang 5-starred Supreme at tatlong one-starred Supreme.

Walang nakakalam kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin nagkakaroon ng Merlin samantalang tatlong Supremes nalang ang kailangan niyang labanan. Sino ba kasi iyong tatlong Supremes na iyon?

Siyam na taon na simula nang naging B.A.N.G and dating B.A. X or Battle Arena 10, pero hindi pa rin nila nakikitang nagkasama sama ang mga Supremes. Sa katotohanan, hindi nila alam kung sino ang mga ito at baka isa lamang silang ordinaryong tao ngunit hindi lang nila alam. Maraming nakapagsasabi na nakita n nila ang apat Supremes at kilala raw nila ang mg ito ngunit walang patunay na ito ay totoo. Maliban nalang kung magaganap ang B.A.N.G. Merlin. Iyan lamang ang panahon na magtitipon tipon ang mga Supremes pero ito ay bawat paglipas ng limang taon.

"Nandito ang Supreme," pag-uulit ni Xan na halatang lutang pa rin. "5-starred Supreme," pagtatama naman ni Rude. Maski siya nagising sa narinig. "Are they preparing for the upcoming event?" tanong ni Duane.

"The Merlin," sambit ni Lance.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Ace. Hindi pa nagtatanong ang binata nang mabasa niya ang mga itsura ng lima maliban kay Lance. Iisa lang ang ibig sabihin noon.

"Have you heard?" tanong ni Lance. Alam ni Ace na patungkol ito sa B.A.N.G. Pinasok ni Alex ang site ng B.A.N.G. at may isang pinned post doon.

Mas lumakas ang kabog ng dibdib niya nang makita kung ano ito. Isang litrato ng Cloud 9. Pinakita niya ito sa mga kasama niya. Mas lalong lumalim ang paghanga nila sa Supreme.

"Should we go?" tanong ni Hadrian. Bagamat may kaunting kaba siyang nararamdaman, mas nanaig ang kagustuhan niyang pumunta.

"Why do I feel like something terrible will happen?" saad naman ni Duane.

Walang pumigil sa kanila kaya naman lahat sila ay naghanda na para sa laban mamaya at nagbabakasakaling makita nila ang Supreme.










May laban rin ang pito ngayon dahil end season. Ang mga Iris at Ares. Halata naman na kung sino ang rank 1. Tinatawag silang Ares. Ang gang nila ay tinatawag na Thánatos na kinabibilangan nila Emp, Zeus, Sniper, DK, Essen, Reaper, at Hunter. Ang mga rank 2 ay Ares din samantalang ang mga nasa rank 3 hanggang 6 ay mga Iris o mga babae, at Ares ulit ang mga nasa rank 7-10.

Pagdating nila doon, halata ang masigabong hiyawan at sigawan ng mga tao. Pinag-uusapan nilang lahat ang bisita. Tumingala sila para makita ang kinaroroonan ng Supreme kung saan naroon si Rain na walang ganang nakasandal sa kaniyang upuan. Ilang oras na siyang naghihintay ngunit wala pa ring labanan ang nagaganap.

"MAKE SOME NOISSSSSEEEEEEEEE!!!!!" malakas na sigaw ng tagapagsalita. Naupo sila sa kinaroroonan ng mga upuan nila at sa kabilang pwesto, napansin ni Lance ang pamilyar na mukha. Ito ang lider ng Rank 2. Si Bullet.

"They actually showed up. Real quick," sarkastikong sambit ni Rude. Tinutukoy rin niya ang Rank 2 na kanina pa nakatingin sa kanila. "I really want to give that struggling ugly a face a taste of hell," komento naman ni Xan dahil sa nakangising mukha ng kanilang kalaban.

"I guess they brought their dirty tricks again," sambit ni Lance na may pagdiin sa salitang again. Alam na kasi nila kung paano maglaro ang mga ito. Hindi na bago sa kanila kung biglang may kung anong panlilinlang ang gagamitin ng mga kalaban. Kaya nasa Rank 2 ang mga ito dahil sa kasamaan ng kanilang paglalaro.

"They are the one of the worst," komento ni Duane. Sang-ayon silang lahat. Ipinaala ng tagapagsalita ang mga rules na dapat sundin sa end season fights. Bawal ang pumatay at bawal ang paggamit ng steroid o mga droga kung sasali man sa laban. Ngunit may mga hindi inaasahan na nakakalaban pa rin kahit nasa impluwensiya ng droga. Bagaman nakalaban sila, hindi na sila maaaring lumaban sa susunod na isang taon. Iyon ang parusa sa kung sino mang lumabag sa patakaran.

Kung nakapatay naman ang isa, hindi lang matatanggal ang kaniyang pangalan sa B.A.N.G. kundi makukulong din siya. O minsan, kung malakas ang kalaban, maaaring kunin din nila ang buhay ng pumatay sa kasamahan nila sa labas ng B.A.N.G.


Marami na ang kasong ganoon na nangyari. Bumaba nga lang noong nakalipas ng limang taon hanggang sa kasalukuyan dahil sa pagbabago ng mga sistema ng B.A.N.G. Hindi man ito nakaka-excite kung walang patayan kahit na underground battle ito, ngunit, ang founder ang nagbigay ng rules at hindi pa nagpapakita ang founder.

Hindi ito isang lugar na basta basta nalang papasok at makakalabas din agad. Kapag tumapak ang isang tao sa mundong ito, magbabago ang lahat. Asahan na niyang hindi madali ang mga pagdaraanan niya. Hindi lamang ito para sa ranggo at pera kundi pagkakaroon ng impluwensiya sa loob at labas ng B.A.N.G.

Kaniya kaniyang sigawan ang mga manonood. Panay pa rin ang ngisi ng grupo ni Bullet kila Ace. Atat na si Ace at ang nga kasama niya na basagin ang bungo ng taong nasa kabilang pwesto sa harap nila.

"I know. I know. Calm down. I, too, have never seen this coming," may tuwa sa pananalita nito. Biglang bumukas ang malaking screen at nagflash dito ang isang tao na dahilan ng pagsisiigawan ng lahat habang pilit namang kinikilala ng iba kung sino ito. Ngunit hindi nila makita ang mukha nito dahil sa suot na malaking cloak na tinatakpan ang kaniyang katawan at kalahati ng mukha niya. Kabilang din ang itim na telang tumatakip sa kaniyang bunganga.

Namayani ang sari saring reaction at emosyon ng bawat taong naroon. Si Lance naman ay nakatingin rin sa Cloud 9 at malalim ang iniisip. Si Alex ay pilit inaanalisa ang mga detalyeng matagal na niyang pinagtagpi tagpi.

Napatingin siya kay Ace at nagpabalik balik ito sa Cloud 9 at kay Ace. Hindi niya malaman kung anong awra ang nakikita niya ngayon kay Ace. May kakaiba sa kaniya at isa lang ang alam niya, nakakatakot ito.

***
The Night Queen
by jrhabellie

The Night QueenWhere stories live. Discover now