"I already discussed this with dad and he approved. He thinks the same as well." Mas madali ata kapag sinabi niya na lang na nagkakuntsaba silang dalawa. "Your papers will be taken care of by tomorrow."




"Okay, then. Leave. I want to sleep." Hindi naman na siya umangal kaya naman napagpasyahan kong maligo uli dahil nangangamoy sabaw ako dahil sa mga pinagtatapon ng kalaban kanina, iyon bang chef na dambuhala. No offense. I immediately fall asleep when my body felt the bed.























THIRD PERSON'S POV

Bumukas ang mabigat na talukap ng mga mata ni Xan at bumulaga sa kaniya ang mga kaibigan niyang walang malay. Nilingon niya ang paligid at napagtanto kung gaano kakalat. Basag ang mga antique collections ng Dad ni Alex at maging ang mga mamahaling paintings na nagmula sa mga auctions ay may mga tama ng baril or di naman kaya'y may mga basag na bagay na nakabaon dito.





Pinilit niyang bumangon at pinakiramdaman ang paligid. Tumayo siya at may pinindot sa ilalim ng complimentary table. Lahat ng mga mesa at cabinet sa bahay nila Alex ay may device na nakakabit. Ito ay switch para humingi ng tulong. Kung sakali man na may mangyaring di kanais nais at hindi kinaya ng mga body guard at maging si Alex, ito ang ginagamit nila lalo na ang Dad at Mom niya. Matapos pindutin ng binata ang switch, linapitan niya isa isa ang mga kaibigan niya at pinakiramdaman ang kanilang mga pulso. Mabuti nalang at lahat pa ay buhay kasabay nito ang pagdating ng mga guard mula sa main headquarter ng family body guard ng mga Fuentavilla.




Dinala silang lahat sa private hospital ng kaibigan ng Dad ni Xan at doon ginamot ang kanilang mga sugat. Ilang oras pa ang lumipas nang pumasok ang doktor. Namukhaan agad ito ng binata at niyakap. Ito ang kaniyang Aunty Isabelle. Kaibigan ng kaniyang ama at siyang nagmamay-ari ng hospital. "My goodness, what happened to you?" May pag-aalala sa kaniyang boses. "I heard Alex' house were ransacked by some do*chebag. Is that true?"





"We ran into some serious burglers. Didn't know they've learned karate or something," pagsisinungaling niya. Hindi niya maaaring ipagsabi ang tungkol sa nangyari. Pinaalalahanan niya ang bawat isa sa mga body guards na huwag magsalita ng kung ano. Mabui na lamang at tila naniwala ang doktora. "I almost forgot, how about the others? Are they awake?"






Magkakahiwalay kasi sila ng kwarto kaya naman hindi smniya sila makita. "Not yet. I think they'll need time to recover. You boys are in some serious trouble. How come you got here, not to mention the four of you. And where's Lance and Ace and that tech guy? What's his name again?" Pinaikot ni Xan ang kaniyang mga mata sa pag-aasta ng doktora. "I haven't seen them." Kilala ng doktora ang pito ngunit hindi niya alam ang tungkol sa kanila bilang isang gang ng B.A.N.G. "They were busy wooing a girl," palusot ni Xan. "What?!" Napalakas ng kaunti ang boses ng doktora. May nararamdaman kasi ito para kay Ace. Mali man ito para sa iba dahil pitong taon ang pagitan ng edad nila, ngunit para sa doktora, hindi basehan ang edad. Maganda at mukha pa rin namang dalaga ang doktora ngunit hindi pa rin sang-ayon sila Xan na maging nobya ito ni Ace kaya naman kung naausugatan sila sa mga laban, hindi sila tumutungo rito. May sariling doktor si Ace at gayundin ang iba. Nangyari ito noong may end season sa B.A.6. Medyo napuruhan si Xan kaya naman dinala nila ang binata dito sa hospital na ito lagpas alas dos ng umaga. Si Isabelle noon ay hindi pa ang may-ari ng hospital na ito. Kamakailan lang ay pumanaw ang kaniyang lolo na siyang nagpatayo nito at siya ang inatasan na sumunod sa pwestong iniwan ng kaniyang lolo.








Dahil on-duty siya noon, siya ang umalalay kay Xan. Gulong gulo oto kung bakit panay pasa ang natamo ni Xan at may mga sugat at pasa rin ang iba sa kanila kabilang na si Ace. Matapos magamot si Xan at natutulog, nadatnan ng dalaga ang isa sa mga kaibigan ni Xan. Matangkad ito, maganda ang pangagatawan, at sobrang nakakahumaling ang mukha. Tila ba nakatulog ito kakahintay kaya naman nilapitan ito ni Isabelle ngunit isang hakbang pa lamang niya ay nagmulat na ito ng mata. Hindi niya maipaliwanag ang expression ng mukha ng binata. Tila ba walang emosyon. "Are you Xan's friend?" agad  na tanong ni Isabelle ngunit tumango lang ang binata. "How's he?" Maski boses nito ay nagpabilis ng tibok ng puso ni Isabelle at sa unang pagkakataon, nais niya makilala ang binata. Ipinaliwanag ng doktor ang kalagayan ni Xan.




"Do you mind me asking why are you alone? I was sure there were at least six of you who rushed Xan here." Hindi sumagot agad ang binata at tumayo. "They left but they just got...right on time," sa pagkakataong sinabi niya iyon, limang kalalakihan ang tumatakbo papunta sa kinaroroonan nila na ikinagulat naman niya. Nakita ng dalaga na tumango ang binata sa mga kasama niya at umalis. "How's he?" agad na tanong ng ni Rude. Hindi pa niya alam ang mga pangalan nila noon maliban kay Xan. "He's fine," mahina sagot ng dalaga at nakatingin sa iniwang bakas ni Ace.





Mula sa araw na iyon, nahulog na ang loob nito kay Ace. "Who is she? What does she do? When did they met? How did they met? Are they dating? How long have they been together?  How far did they go? Did they kissed? Have they done it? WHO IS SHE?!" tuloy tuloy nitong litanya. Nagsisi si Xan na nabanggit niya iyon para lang makalusot sa mga tanong. Ngunit sa ginawa niya, nagbukas naman ito ng isang pintuan at ang malala pa doon, may nakaabang na hindi kanais nais.





"Calm down. I don't think they're dating," saad ng binata at nabuhayan naman ng pag-asa ang dalaga. "But I do think that he's got feelings for her," sa sinabi ni Xan, nagngalaiti sa inis ang doktora at nagdadabog na lumabas. Matapos sumarado ang pintuan, naging seryoso ang mukha ni Xan. Pilit nitong binabalikan ang pangyayari at kinikilala kung sino ang taong kalaban nila kanina.





May katangkaran siya katumbas ng tangkad ni Lance. Halata sa kaniyang pangangatawan na nag-eensayo ito. Ang mga mata niya, hindi malaman ni Xan kung kanino ang mga ito. Ilang minuto pa ang lumipas ay bumukas uli ang pinto.





"Lance? What are you doing here?" tanong ni Xan. Tinignan ni Lance ang kabuuan ng kalagayan ng binata bago nagsalita. "I heard about what happened. Where is Alex?" tanong nito at may kung anong nakakatakot na enerhiyang binubuga ang aura ni Lance. "I don't know. When the men came, they searched but found no signs of him," pagpapaliwanag niya. Isa lamang ang nasa isip ngayon ni Lance, maaaring kinuha nila si Alex. Napakuyom ang kaniyang kamao. Ramdam ni Xan ang tindi nito. "Why Lance? What's wrong?" tanong nito. Nagbabakasakali na may malaman siyang impormasyon sa kung sino man ang umatake sa kanila.




Hindi sumagot ang binata at tinungo ang pintuan. "Wait! Where are you going? And where is Ace?" sigaw nito ngunit hindi lumingon ang binata at tuluyan na ngang nakalabas mula sa silid. Pilit inaanalisa ni Xan ang mga pangyayari at mayroon siyang nabuong hakahaka. Kung tama ang hinala niya, baka doon patungo si Lance.

***

The Night Queen
by jrhabellie

The Night QueenWhere stories live. Discover now