15

3.3K 76 10
                                    

"Thanks Cloud. I had fun."


Hinatid ako ni Cloud sa bahay. Hindi ko na nga lang sya mapapasok dahil baka nasa loob si Mommy. Kaya hanggang dito lang sya sa labas.


"You're welcome. I had fun too."


Ngumiti ako at binuksan na ang pinto ng sasakyan nya. Pero bago ako makababa, hinila nya ako at muling hinalikan. Sa pisngi.


"One last kiss."


Natawa nalang ako sa kacheesyhan nya.


Hanggang sa pagtulog ko, sya parin ang naiisip ko. Yung dimples nya lumalabas kapag nangiti, yung mata nya na laging nangaakit, lalo na yung mga labi nyang mainit kung manghalik. Kainis! Nakakabaliw pala makadate ang isang Cloud Montesilva.


Nagtakip ako ng unan sa mukha. Feeling ko kasi namumula na naman ako. Papikit na sana ako nang may biglang maalala.

Si Azen! I have to tell him everything! Successful ang plano namin!


Ni-dial ko ang number nya pero hindi nya iyon sinasagot. Kaya naisipan kong magtext nalang.


Ako:

     Azen! Are you busy? I need to talk to you.


Maya maya ay nagreply narin sya.


Azen:

     Oh. Anong nangyare?


Hindi na ko makapaghintay. Tinawagan ko na sya ulit para mas maayos kong maikwento.


"Hello."

"Azen! Holy sht, ang galing ko! Successful!" excited kong sinabi.

"What do you mean?"

"Tanga naman neto. Ibig sabihin, tagumpay ako. Nahuhulog na sya sakin. In no time, we'll get even."

Narinig ko ang buntong hininga nya, "Really? Good for you."


Nagtaka tuloy ako. Bakit ang tamlay nya? Hindi naman sya normally ganito.


"You okay?"

"Yup. Concern lang."

"Huh? About what?"

"Anong about what? About you of course."

Nagtaas ako ng kilay na as if namang makikita nya, "Concern? Bakit naman?"


May narinig akong kaluskos. Parang ginulo nya na naman ang mahaba nyang buhok tapos ay sumigaw ng malakas.


"Wala! Just... Just be careful, okay? Cause you might end up caught in your own trap." sabay baba ng tawag.


Napanganga ako.


Anong problema ng mokong na yun? Ang ganda ganda ng binalita ko, tapos ganun sya magreact. Sabog ata yun ngayon eh!

Zenna: The TemptressWhere stories live. Discover now