"He didn't appear on my glasses. It's weird." Habang hinahanap niya ito, tumunog ng kaniyang telepono. Hindi rehistrado ang numero kaya hindi niya ito sinagot. Tinignan lang naman siya ni Pin.













"The whole campus has gone wild," litanya ni Rude. "Fudge! We missed it!" sambit naman ni Xan. "How could we miss that scene?! And dude! Did you do it?" anxious na tanong ni Xan. Naunang naglakad sina Xan, Duane at Hadrian. Si Rude naman patawa tawa lang. Sina Alex at Lance ang nasa huli. Hindi nila mahagilp si Ace. Kanina pa usap usapan ang pagsampal ni Rain kay Ace. Walang nakakaalam kung no ng rason pero hindi nila akalain na magagawa iyon ni Rain lalo na kay Emp.




"You need to start clarifying things now Lance," mahinang bigkas ni Alex kay Lance. "What things?" tanong ni Lance kahit na alam na niya kung saan ito patungo. "You like her." Hindi na nagpaligoy ligoy pa si Alex. Hindi umimik si Lance. "I think Ace is really into her," dagdag niya. Kanina pa umiikot sa isipan ni Lance ang nasaksihan niya lalo na at narinig ito ni Rain.





Patuloy pa rin sila sa paglalakad pero mabagal lang kaya naman medyo malayo sila sa kinaroroonan nang iba. "Look. Going against him is a trouble waiting to happen and you know that." Saglit na katahimikan ang namagitan sa dalawa. "You're putting too much context into it," komento na lamang ni Lance at napapailing nalang si Alex.





Patungi sila ngayon sa parking lot ngunit naabutan nila ang mga kaibigan nilang nakahinto. Sa di kalayuan lumabas si Rain mula sa sasakyan niya pero sumunod sa kaniya si Pin.  Nakatitig lang si Lance sa lalaki. Napansin siguro ni Pin ang mga ito kaya bumaling sa kanila ang pansin ng dalawa. Nagtugma ang tingin ni Lance at Pin. Tila parehas ang iniisip ngunit iba.



Maglalakad na sana si Rain nang biglang may arrow na papunta sa kaniya. Mabilis na tumalon si Pin sa hood ng sasakyan at hinila ang dalaga payuko. Tumama ito sa bintana ng sasakyan ng dalaga. Hindi ito nabasag dahil armoured ang sasakyan niya kaya tila natusok lang ng onti. Nabigla naman ang grupo ng kalalakihan at agad na sinuri ang paligid. "What the f*ck?" Nagngangalaiti sa galit na bigkas ni Rude. "You okay?" tanong ni Pin habang sinusuri kung okay ba ang dalaga. Hindi nga lang ito kailangan ni Rain kasi kaya niyang protektahan ang sarili niya.




Hindi na siya sumagot at agad na nilapitan ang arrow. Nagsilapitan din ang iba. May itim na telang nakatagos sa arrow at mukha itong basa. She was right. Nang hawakan niya ang tela, may kulay pulang dumikit sa daliri niya at nang amuyin niya ito, tama ang hinala niyang dugo ito.





Nagkatinginan ang mga magkakaibigan na tila ba inaalaisa kung bakit biglang may ganito at kung si Rain ba ang puntirya o aksidente lamang. Ngunit para kay Rain, alam na niya kung sino ang nasa likod nito. "We need to tell Ace," agad na sabi ni Xan ngunit pinigilan siya ng dalaga. "I'll tell him," sambit nito at tumakbo paalis. Binigay niya itong rason upang umalis doon para siya ay sundan nung nagpatama ng arrow. Pinindot niya ang kaniyang wrist watch para ipaalam ito kay Pin kahit na alam na niya ang gagawin.


RAINS POV

Nakarating ako sa rooftop. Sinigurado kong walang sumusunod sa akin. He's here. "Do you really have to do that?" aniya. Unti-unting siyang lumabas mula sa likod ng pader. Natatakpan ang mukha niya ng mask, sumbrero at iyong hoodie niya. He chuckled which annoyed me a bit but not much because that's what he wants.





Unti-unti siyang nag-angat ng ulo at ang kulay ng mata niya ay tugmang tugma sa akin.  Ramdam din mula rito ang lamig ng tingin niya. I can also see strands of his blonde hair. Tinaggal niya ang kaniyang mask at bumungad ang isang ngisi. "Sorry. I've startled your friends," aniya na may bahid ng sarkasmo. "Tss."



"Come on. It's been a while." Lumapit siya at akmang yayakapin niya ako pero may hawak na siyang punyal at nagsimula na ang aming pagbati. Hindi talaga normal na bati ang dumadaloy sa dugo namin, tss. Panay ang sugod niya, panay naman ako sa pag-ilag. Kung wala sa amin ang may sugat, hindi ito matatapos.



Nagawa kong matiyempuhan ang braso niya kaya hinila ko ito palapit sa akin at saka pinilipit nang mabiatawan niya ang punyal saka ko ito sinipa palayo. Ngayon, mano mano nalang. Hindi pa masyadong magaling iyong sugat ko kaya kailangan kong hinay hinayan. Pero hindi ko ibig sabihin na pakakawalan ko itong mokong na ito.


Sumuntok siya ngunit nakailag ako. Mabilis din siya kaya nagawa niya akong masuntok sa sikmura. Sa ginawa niyang iyon, nahawakan ko ulit ang braso niya, nilock ko ito at tinapid ang paa niya saka siya binalibag. "You stupid," komento niya. Sabi ko na hanggang walang dugong makikita, hindi to matatapos. Ngumisi siya at nilabas ang isa pang punyal. He came prepared, huh. "Oh, now we're talking," litanya ko. "Your confidence is that low?" I mocked him and as his personality is, he was easily pissed. Sumugod ulit siya kasabay ng isang malakas na sipa. Napaatras ako at napaupo. He was about to lunge at me but I held the nearest broken chair and smashed it to it. I took my time to get up and gave him quick punches which he tried to dodge but he's too slow. Nahawakan niya ang isang braso ko kaya naman agad niya akong binalibag. I was still on the floor when he smashed me with a chair. Gaya gaya! Pero sa oras na iyon, nagawa ko ring daplisan ng onti iyong braso niya when I saw his dagger on the floor. Nakadiin ito sa gilid ng leeg niya at dumadaloy rito ang dugo. "Too slow," I  grinned in victory.


"Fine...fine. You won," pagtanggap niya sa kaniyang pagkatalo. Tinanggal ko na ang pagkakadikit ng punyal sa leeg niya at inabutan siya ng panyo. "Why are you even here? And why didn't you tell me?"


"I'm here to meet someone." Nagtaka naman ako kung sino. Kung tutuusin wala siyang pakialam dito, wala siyang gagawin dito kasi hindi naman siya dito naka-assign. "Rhys, what are you up to?" Tinignan ko siya ng seryoso. Alam niyang ayaw kong may hindi ako nalalaman. Rhys, by the way, is my twin brother...Rhys Louis Scott.



"It's about the Tyranny." Natigil ako sa sinabi niya. Anong tungkol sa Tyranny at anong kinalaman ng taong kakausapin niya? "What about it?" Kailangan kong malaman kung ano ang nangyayari para alam ko kung may nakakaligtaan akong bagay na dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mahanap ang kasagutan.


***
The Night Queen
by jrhabellie

The Night QueenWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu