"Grabe yun no? Ang daming pinapagawa. Nako si Sir Kenneth talaga eh haha"sabi ni Jenn

"Oo nga eh buti natapos ko kayo ba?" Tanong ni Alvin

Sumasama na uli saken si Alvin. Mukhang okay na lahat. Palagi ko ring napapansing magkasama sila ni Dan.

Si Bryan naman di ko pa rin pinapansin. Di rin niya ako pinapansin.

Pinapasa na lahat ng ginawa namen. Pansin kong walang gawa si Bryan pero di ko na siya kinausap.

Natapos na yung klase kay Sir Kenneth at dun naman kami sa math.

Magkatabi uli kami ni George at todo kwentuhan na naman about sa mga pop stars.

"Grabe. Ang dami mo rin palang alam!!" Sabi ni George saken

"Oo ah! Basta ako Lady Gaga all the way!" Sabi kong ganun

"Haha ako din. Si Taylor gusto mo?"

"Oo naman!"

"Katy?"

"Sakto lang haha pero maganda kanta niya"

"Totoo!! Pero si Britney talaga!" Sabi niya

"Totoo!!!!!!! Grabe lahat ng idol ko, idol mo rin!!" Sabi ko sakanya

"Nako, pag di natuloy kasama ko, ikaw isasama ko sa concert ni Lady Gaga haha" sabi niyang ganun.

Nagpatuloy lang kwentuhan namen at natapos na yung klase at nagsiuwian na kami.

Nagpaalam na rin ako kina jenn at anna. Si Alvin naman kasama si Dan. At bumalik na ako sa dorm.

Medyo namimiss ko sa dorm si Marine pero okay lang yun alam ko namang kasama niya pamilya niya at yun ang tama.

Kaya nagtext ako sakanya.

"Namimiss kita rito huhu"

"Huhu miss na rin kita pero tignan mo. Andito kami sa kwarto ni Kuya Allen, naglalaro ng PS4 haha"

"Haha sige magenjoy ka diyan. smile emoticon"

6 palang ng gabi at tinatamad ako sa dorm. Napagpasyahan kong mag dinner sa McDo sa Mendiola.

Ang daming estudyante na taga CEU at San Beda. Hindi ko alam kung required ba sa school na to yung may mga itsura? Kasi halos lahat ng nakikita gwapo at maganda.

Mag isa lang ako pero nakakita ako ng familiar na mukha. Nakita ko si Dennis! Kasama niya si Paulo at kumakain din sila.

Kinawayan ko sila at napansin nila kaya lumapit sila sa pwesto ko.

"Ikaw lang? Nasan na yung marine mo? Haha" asar ni Dennis saken

"Haha adik, nasa bahay nila" sagot ko.

"May boyfriend ka na pat?" Sabi ni Paulo

"Ha? Wala pa ah"

"Ahhh wala pa. Haha. Akala ko si Bryan na eh." Sabi niya pa.

Sinamahan nila akong kumain at naglakad lakad kami sa Mendiola.

"Ang sarap talaga maglakad dito babe, parang safe na safe eh" sabi ni Dennis kay Paulo habang magka holding hands sila

"Nakakainggit naman kayong dalawa, nakakaasar haha"

"Haha sagutin mo na kasi si Marine. Nako, pag yun nawala sayo, kawawa ka haha" asar ni Dennis.

"Haha hayaan mo malapit na rin hehe" sabi kong ganun

Di naman napansin na ang layo na ng nalakad namen at andun na kami sa tapat ng school. Nagpaalam na ako sakanila na babalik na ako ng dorm.

My Marine Love - Pinoy M2M StoryOù les histoires vivent. Découvrez maintenant