SPECIAL CHAPTER

5.8K 77 21

LAWRENCE’S POV

Nahiga ako kaagad matapos kausapin sa telepono si Laurence, ang ex-boyfriend ni Aileen.

Kadadating ko lang kanina… 2 weeks akong andun sa Amerika, at kahit parang ang bilis lang… namiss ko sya,sobraaaa.

Yun nga lang pagdating ko kanina… wala sya. Wala.

*flashback*

“Doon po muna ako sa taas.” Narinig ko silang umoo kaya pumunta na ako sa kwarto ko. Nilapag ko ang gamit ko saka napaupo sa gilid ng kama ko. Hinipo ko ito saka napahiga nalang.

“Pwede bang kahit isang silip lang,” namiss ko talaga sya. Lalo na at di man lang sya sumama sa airport to welcome me back.  T____T

Mukhang galit pa din yun hanggang ngayon. Sino ba namang hindi? kung napatay ko yung dad nya...

“Kahit makita ko lang syang nakangiti...” kuntento na ako.

“Bakit naman kasi napakabobo ko?” Lagi ko nalang syang sinasaktan at pinapaiyak.

Haaay. “Gusto ko syang tingnan... ” ang pinakamamahal ko. 

Tumayo ako at di ko namalayang dinala na ako ng mga paa ko sa harap ng pinto ng kwarto nya.

“Just a glimpse.” Bulong ko. “Just one last glimpse…”

Huminga muna ako ng malalim…

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto nya at sinisilip kung andyan sya sa loob at kung anong ginagawa nya.

“Asan yun?” natanong ko sa sarili ko. Wala kasi akong naaningan na tao sa loob.

Binuksan ko pa mas lalo yung pinto… pero di yung halata. Baka kasi bumulaga lang sya ng bigla dyan.

Wala ata sya eh.

Binuksan ko ng malaki ang pinto at dun ko napagtantong wala talaga sya sa loob.

Di ko alam kung anong pumasok sa utak ko’t andito na ako sa kama nya… nakaupo… yakap yakap yung malaking teddy bear na binigay ko sa kanya. Nakita ko kasi sa kama nya.

“Ano nga yung tawag nya sayo?” tinitigan ko ito ng ilang sandali.

“Napakaswerte mo naman,” napangiti ako kahit ansakit ng nararamdaman ko. “Wala kang maling magagawa sa buhay nya. Kasi teddy bear ka lang. di gumagalaw, di umiimik. Di mo sya napapaiyak, di tulad ko.” niyakap ko ng mahigpit ito na parang pakiramdam ko…

i WANT you to NEED me (SEASON 1) [edited: prologue- chapter 25]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!