I want you to need me Chap XVI

7.5K 108 4


“I think it’s gonna rain. It’s starting to drizzle.” narinig kong sabi nya habang ako nama'y nakatingin lang sa paggalaw ng mga dahon ng mga puno.

Binuksan ko ang palad ko saka iniharap ito sa langit... 

Pumtak ang ulan.

"Mukhang uulan nga..." nabulong ko.

Iniangat ko ang ulo ko para makita ang langit, may namumuo ng mangingitim na malalaking ulap.     

Mukhang isang... MALAKAS na ulan to.

“O--o nga. A--akalin mo... b--a namang u--ulan, eh ang liwanag nga kanina."  may konting nginig sa boses ko.

SHET >_____< nagsisimula na.

“Are you okay? Feeling cold??” bakas ang pag aalala sa mukha nya.

Hindi ko maamin, pero... DI AKO AYOS. 

“ah, hehe... O--kay lang a--ako.” nauutal ko pa ding sagot habang pinipilit na ngumiti pa ra di sya mag alala pa.

Nang biglang bumagsak ang malakas na ulan kasama ang isang malakas ng ihip ng hangin.

Bagyo ba to??? 

Umugoy na ang mga sanga ng mga puno, at nakita ko pa ang pagbagsak ng isang puno sa may unahan.

Kabaliwan mang maituring, pero di ako umalis sa pwesto ko.

Siguro kasi... ngayon ko lang ito naramdaman ulit.

“Myrah! Nakikinig ka ba?! Halika na sabi!” narinig kong sigaw ni Lawrence habang yinuyugyog niya ako at pinipilit na ialis sa pwesto ko.

Dinig na dinig sya ng dalawa kong tenga... pero  hindi. Napako ata ang mga paa ko sa kinatatayuan ko.

Di ko sila maigalaw... kahit mga hinututuro ko nalang sa daliri... Hindi eh,

Namamanhid ang buong katawan ko.

“Myrah! Okay ka lang ba? Namumutla ka ata?! Hey! Gising!” dinig ko pa ring sigaw ni Lawrence habang minumulat ako sa nangyayari.

Alam ko naman ang nangyayare, alam na alam. Kahit  ang dahilan, kung bat ako nagkakaganito ngayon.

i WANT you to NEED me (SEASON 1) [edited: prologue- chapter 25]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!