I want you to need me Chap XXII

7.1K 93 21

Wait lang talaga! Pamilyar ang boses na yun ah, at iisa lang naman ang umaakbay sa akin bilang pagbati sakin eh. Si...

“KYLE?!” nasabi ko nang ilapit niya ang makinis niyang mukha sa akin.

Si Kyle nga. My adorable Kyle Christian Yan. Hoho ^^

“Musta na, My Sleeping Beauty?” tanong nya sakin habang pinipingot ang ilong ko.

May parang nagring sa tenga ko.Tama bang narinig ko? Tinawag nya akong, Sleeping Beauty? Hindi na ba sya galit sakin? Parang ganun na nga, nakangiti na din kase sya hindi tulad nung last time eh!

Inalis ko ang pagkakaakbay nya at humarap sa kanya ng maayos. Yung kaya kong makipagtitigan sa kanya, “Di ka na galit?” tanong ko. 

Tinuro nya ang sarili nya, with a big question mark in his face. At napangiti din kalaunan. “Ako? Galit sayo?” tas tumawa sya bigla.

Pagtawanan ba naman ang tanong ko? O.o Pero bat nya pinapasa sakin yung tanong, eh kaya nga sya tinatanong ko dba kase di ko alam yung sagot! 

“Bakit naman ako magagalit sayo Sleeping Beauty? Nagtampo lang naman ako sa’yo eh! Napaka rash mo naman kase babae ka! Hindi ka pa rin nagbabago, since first year ka pang ganyan. Kaya nga di kita magawang iwan at di bantayan nyan. Baka kung anong gawin mo na naman kase tulad nang ikasal ang dad mo sa---”

“Oo na Sir!" putol ko agad sa kanya, ayoko ng maungkat yun. "Pero sure ka talagang di ka na galit ha?” Ang kulet ko ^O^ hoho

“Ayaw mo ata eh! Ikaw bahala, babawiin ko na lang.” nagdrama syang aalis na pero no no no!!! Di na ako makakapayag na mag away ulit kami.

“Joke lang!” Hinug ko sya ng mahigpit na mahipit. Namiss ko tong baklang to!!!

Na-Miss ko ang amoy ni Kyle.Na-Miss ko  yung ngiti niya. Na-Miss ko  yung pagtawag niya sa akin ng Sleeping Beauty... lalo na pag MY Sleeping Beauty.

It sounds like he's my prince na kase eh >///< Pero syempre hindi, bading kaya yan!

“Sige na! Tigilan niyo na yan." saway samin ni Fellah, "Myrah, sabi mo kanina wala ka pang partner. Eh, nandyan naman pala yang si Kyle!” nakapamaywang na sya -____- hala ka dyan.

Totoo naman yung sinabi ko eh, kung hindi lang dumating si Kyle... na nagpresent sa kanyang sarili bilang partner ko! Amp.

“Wala naman talaga, kanina.” sagot ko kay Fellah sabay ngiti ng malaki para mabawasan ang galit nya.

“At ikaw naman Kyle…” binalingan ko si Kyle. “Kelan pa tayo naging mag-partner? Dba sabi mo last time na---”

“Sleeping Beauty... meron ka kasing savior na syang nagsorry sa akin para sa’yo. Dahil dun, pumayag na lang akong maging partner ka. Kasi kung hindi daw din ako papayag, di din sya aalis ng bahay. Ang aga aga pang nambulabog sa amin. Napagalitan tuloy ako!” nakanguso nyang paliwanag, napagalitan nga. 

i WANT you to NEED me (SEASON 1) [edited: prologue- chapter 25]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!