I want you to need me Chap XXIV

7K 95 13

 “Ruin her night?” Tanong ko para masigurado kung tama ba yung narinig ko.

“Oo. As in, sisirain ang gabi!!!” inalog pa nya ako sa kinatatayuan ko, na halatang natataranta na sya.

Teka nga lang, HER? Ibig sabihin, ako?

“Shay, tanong ko lang... ako ba yung tinutukoy nya?” Wag naman sana! >___< Kundi, magsisisi talaga yung lecheng babaeng yun!

“Malamang IKAW! Sasabihin ko ba sayo kund hindi ikaw?” sarakastiko nyang sagot sakin,

“Oo nga naman." Napakamot nalang ako sa batok ko, shet -___-++ Ako pala?

"Pano mo nga pala nalaman Shay?" kalmado kong tanong sa kanya. Bakit naman ako matataranta sa babaeng yun? Psh.

“Nag uusap kase sila kanina sa loob ng CR, at narinig ko yung pangalan mo. Siguradong, may binabalak sya sayo!”

Buset talaga yung babaeng yun, di pa ata nakuntento? 

Pero mas naproproblema ako dito kay Shay. Aba ako dapat ang mataranta, pero tignan nyo.. sya pa tong mas natataranta sakin eh! 

“Calm down, Shay. Please, calm down.” Hinihimas himas ko yung likod nya.

"Pero Myrah--"

"Shhh! Ok lang yan. Just calm down/" tas huminahon na nga sya ng konti dahil sa sinabi ko.

Haaaayy, buhaaaay. =_____= First time ko pa namang ma experience tong Last Dance ng Cultural festival, tapos, sisirain lang ng bruhang yun?

“Shay, sigurado ka bang ako talaga ang tinutukoy?” tanong ko ulit sa kanya, nang mapansin kong nahimasmasan na sya at hindi na natataranta.

“Oo. Siguradong sigurado ako. Swear” sagot nya, at tinaas pa nya ang kanang kamay nya.

“Eh, sigurado ka bang si Miss Aileen yun?” 

“Oo naman, boses nya talaga yun eh! Tsaka sumilip rin kasi ako sa pinto, kaya ayun, nakita ko nga sa mga mata ko na ... SYA yun.” 

Nakaka BV talaga ang babaeng yun kahit kelan -_____-" Kelan ba nya ako titigilan sa ka lechehan nya!?! 

“Ano na Myrah? May na isip ka na bang paraan? Anong gagawin natin sa kanya? Dali!” sunod sunod nyang tanong, naprapraning na naman =___=

Hinawakan ko sya sa magkabilang balikat nya, at sinagot sya.

"Wala" 

“Wala?! Myrah namaaan! Yun lang yung sagot mo? Di ka man lang ba susugod sa kanya, o gagawa ng paraan para hindi nya maigawa yung plano laban sayo? Ano ka ba!" At ako naman ang hinawakan nya, "Makinig ka, dapat may gawin tayo. Kahit ano, basta di nya maituloy yung balak sayo."

"Shay..." nginitian ko sya. Ang swerte ko naman sa kaibigan kong to. Grabe kung mag alala, kahit ako yung punterya nila. “Wala kang gagawin. Wala akong gagawin. Wala tayong gagawin. Hayaan mo sya. Alam mo kung anong dapat nating gawin? It's to enjoy the Last Dance.” sabi ko sa kanya, at tinap ang likod nya.

i WANT you to NEED me (SEASON 1) [edited: prologue- chapter 25]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!