"Samantha, I want to talk to you, aayusin ko lahat 'to." Sabi ko sa kanya. Binalewala ko na lang si Rio kahit lagpas langit na yung galit ko sa kanya. Nandito ako para makausap si Samantha. I'm here to get her back.

Pero umiling-iling siya. "No. If you're asking me to be with you again, the answer's no." 

It feels like million knives stabbed deep inside my chest. Masakit yung mga narinig kong salita sa kanya nung isang araw pero hindi ko akalaing mas masakit 'to ngayon. Maybe it's because Rio's watching my defeat. I don't know... Pero bigla na lang akong napaluhod sa harap nila.

"Samantha, we have plans, right? Malapit na tayong ikasal. Kung inaalala mo yung bata, don't worry. I will treat him or her as my own. Tuloy pa din yung plano natin, pupunta tayo ng States kasi gusto mong English speaking yung magiging anak natin. Tuloy pa rin lahat yun, just like you've always wanted. Diba?" Wala na kong pakialam kung nagmumukha na kong tanga sa harap nila dahil nakaluhod ako. Wala na kong pakialam kung nakakabawas na sa pagkalalaki ko yung pag-iyak ko. Ang mahalaga maibalik ko si Samantha. "I love you so much, Samantha. Please. Sabihin mong naguguluhan ka lang ngayon. I will give you time."

"Napag-usapan na natin 'to, Liam. Nasabi ko na sa'yong hindi na kita mahal, ano pa ba gusto mong gawin ko para ipamukha sa'yo na hindi na ako yung Samantha na minahal mo? Liam, ayoko nang saktan ka. Paulit-ulit na 'to eh. Mabuti kang tao and you deserve someone better. Akala ko dati ako na yun, pero mali pala talaga ako. I'm sorry." 

"Saman--"

"Pare, mas mabuti pa kung papasukin muna natin si Samantha sa loob, she needs to rest. She's having too much stress---" Hindi ko na pinatapos yung salita ni Rio. Sinapak ko na siya. Napahiwalay siya kay Samantha so I took the chance to plant his face heavy punches. Sobrang sama ng loob ko ngayon. "You bastard! Ahas ka! Tang-ina mo tinuring kitang kapatid tapos tatryaydurin mo lang ako! I swear to God mapapatay kita!"

"Liam! stop it! You're killing him!" Narinig kong sinabi ni Samantha. But I'm too busy taking my revenge to him. Kaya hindi ko namalayang nasa tabi ko na siya at inaawat niya ko. Hindi ko sinasadyang natulak ko siya papalayo. Tapos natumba siya. 

It was her scream that make me stop killing this bastard. Both Rio and I turned to her. Si Samantha, nakaupo sa maraming-maraming dugo sa sahig. 

And then the next thing I knew, bugbog sarado yung buong katawan ko habang pinapanuod yung Ambulance car na humaharurot sakay sina Rio at Samantha. Umuwi ako sa bahay namin na parang wala sa sarili. Buong araw akong kinulit ni Mommy kung anong nangyari. I just keep on saying "She left." I didn't dare to explain to them what really happened. Basta ang alam ko lang, wala na si Samantha. Hindi na siya babalik. Ginago ako ni Rio. At namatay yung bata... and by any time, pwede akong patayin ni Rio dahil dun.

I'm In Hell With HimDonde viven las historias. Descúbrelo ahora