Ang tagal naman nilang mag catch up sa mga nangyari sa buhay nila.

Every break time tuloy namin ay mag isa lang akong kumakain sa canteen. Hindi ko naman kasi matagpuan kung nasaan si Sab. Mukhang may iba nanamang pinagkakaabalahan.

Pero okay lang, mas gusto ko din na mag isa kesa iniistorbo ako ng nerd na yun. Magsama sila ng babae niya forever kahit walang forever!

"Mind if i join you?" napaangat ako ng tingin dahil sa nagsalita at agad kong nakita si Gabriel na nakatayo doon at nakangiti sakin.

Napakunot naman ang noo ko. "Bakit nandito ka?" takang tanong ko sakaniya.

Ngumiti siya sakin at naupo sa bakanteng upuan sa tapat ko bago nagsalita. "Masama ba'ng kumain ako sa canteen kung saan ako nag aaral?"

Ahh. So dito din pala siya nag aaral?

Hindi ko na lang siya sinagot dahil wala ako sa mood at pinagpatuloy na lang ang pagkain ko.

"By the way, how's my jacket?"

Nag angat ulit ako ng tingin sakaniya at naalala ko yung jacket na binigay niya kaya nakaramdam ako ng kaunting hiya. "Ah oo nga pala, ibabalik ko na lang sayo bukas."

Ngumiti siya sakin. "Magkikita tayo bukas?"

Pinang liitan ko siya ng mata. "In case lang na magkita tayo."

Tumango tango naman siya dahil sa sinabi ko. Habang ako ay patuloy pa rin sa pagkain. Sa pagkain na nga lang gumagaan ang mood ko, e.

Ang epal naman kasi nila Kim. Masyado silang OA kung maglandian. Gawin nila sa private, hindi yung ang lakas nilang maka-PDA. Nakakasuka kaya.

Maglalandian tapos pag iniwan, iiyak iyak. Alam na alam ko na yan. Been there, done that.

Pag may umiyak na isa sakanila, tatawanan ko talaga sila. Akala nila ha?

"Hey. Stop murdering the cake. Kawawa naman, wala yang laban sayo." natatawa tawang sabi ni Gabriel kaya kunot noo akong napatingin sakaniya. Tinuro niya yung cake na kinakain ko at kawawa na nga sila dahil sobrang durog na durog na.

"Are you okay, Brychelle? You're always spacing out." natatawa tawa pa din niyang sabi.

Napairap tuloy ako. "Anong always? Dalawang beses pa lang naman tayong nagkikita."

"That's the point. Sa dalawang beses na yun, pareho kang lutang. Buntis ka ba?"

Muntik na akong mabilaukan dahil sa sinabi niya. Mabuti na lang at naabot ko agad ang tubig sa table ko at dirediretso ko itong ininom.

"Are you crazy? Pinagsasasabi mo?" medyo naiinis na tanong ko sakaniya. Sino ba naman ang hindi maiinis e muntik na akong mamatay dahil sa sinabi niya?

Tumawa naman siya ng tumawa. "Ang cute mo Brychelle."

(-_-)

"Hindi ako tuta." diretsong sagot ko sakaniya. Sabihan ba naman ako'ng cute? Imbes na matuwa ako, lalo pa akong nainsulto.

"I'm just joking, don't take it seriously?" sabi niya at uminom ng juice na hawak niya.

Napairap ako. "Well, congratulations dahil muntik na akong mamatay sa joke mo."

Tumingin siya sakin at nagkibit balikat. "I'm sorry, I'm sorry."

Napairap na lang ako at hindi ako sumagot sakaniya.

"By the way, can I ask you something?" tanong niya sakin. Nag cross arms ako habang hinihintay ang tanong niya. Nakatingin lang ako sakaniya nang may mapansin ako na tao sa likod niya.

Si Kim at si Majo.

Automatic na umikot ang mata ko nang makita ko sila.

So dito naman sila maglalandian? Wala na atang peaceful na lugar dito sa school na hindi ko sila makikita, e. Nakakaasar na talaga.

Mukhang may hinahanap silang dalawa at nang magtama ang tingin namin ni Kim ay nakita ko nanaman ang malawak na ngiti niya dahilan para lalo akong mapairap.

"So, ano'ng sagot mo?" nabalik ang tingin ko kay Gabriel nang magsalita siya.

Ha? Ano ba'ng tinatanong niya?

"Ano?"

Natawa siya. "I'm asking you to be my date on our grand prom."

Napakunot ang noo ko. Bakit ako?

Hindi pa ako nakakasagot nang may biglang may tumabi sakin sa bakanteng upuan sa tabi ko. Obviously.

"Mahal, kanina pa kita hinahanap." sabi ni Kim na habang nakanguso. Napairap ako. Mukha siyang isda.

Hinahanap ako e siya nga tong busy sa pakikipaglandian sa babae niya.

"Ha? Ano'ng mahal?" napatingin kami kay Gabriel na ngayon ay nakakunot ang noo habang nakatingin samin ni Kim.

"Si Brychelle, mahal ko." ngiting ngiti na sagot niya na akala mo ay yun ang pinaka normal na bagay sa mundo.

"Tumigil ka nga. Kung ano ano ang sinasabi mo." iritang sagot ko sakaniya at tumayo na ako. Pero bago ako tuluyang umalis ay tumingin muna ako kay Gab.

"Yes, I can be your date." sagot ko sakaniya bago siya tuluyang iwan. Naglakad na ako palabas ng canteen pero naririnig ko pa din na humahabol sakin si Kim.

"Mahal wait lang..." habol niya pero hindi ko siya pinapansin. Bakit ba ako nanaman ang ginugulo niya? Bored na ba siya sa babae niya?

"Mahal, wait ano'ng date yun?" nasa unahan ko na ngayon si Kim at parang hinaharangan niya ang daan ko.

"Pake mo?" tanong ko sakaniya at napairap ko.

"Para saan? Para sa prom ba?" diretsong tanong pa din niya. Ugh, naiirita na ako. Nasan na ba yung babae niya? Magkasama lang sila kanina, ah.

"Oo kaya pwede ba umalis ka nga dyan." pinatabi ko siya sa daan ko at mabuti naman dahil sumunod siya. Naglakad na ako paalis nang marinig ko na may sinabi siya.

"Eh paano ako?" bakas sa tono ng boses niya na parang malungkot siya at ewan ko ba kung ano'ng meron sa akin dahil parang may weird akong naramdaman.

Napairap ako sakaniya at hinarap ko siya. "Dun ka kay Majo, sa babae mo." magsama kayo.

"Pero ikaw yung mahal ko."

I don't know what's with me pero nang sabihin niya iyon ay parang may kung ano ang sumuntok sa puso ko.

Lol, really?

(short update, sobrang mema.) hahaha

Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now