Second Chance

21K 150 4
                                    

Kung bibigyan tayo sa buong buhay natin ng 1 chance each to fix 1 mistake of our entire lives. Kailangan natin itong gamitin sa tama. 'Yung tipong isang wish sa Dragon Ball na napakahalaga. Bakit nga ba kailangan ng second chance? Kasi ito ang magtatama sa pagkakamali natin. Pero paano nga ba kung umasa ka sa second chance tapos hindi mo alam na nagamit mo na pala ito kaya wala nang pag-asa pang ituwid ang pagkakamali mo. Magsisi ka man, wala nang magagawa pa.

Kahit anong anggulo ang pagkakamali natin, kailangan natin itong ituwid kaya kung magkakamali ka uli, malamang hindi ka na pagbigyan pa ng Diyos para ituwid ito dahil ibang usapan na ang pagkakamali ng paulit ulit pa.  

So, umasa ka sa second chance kaya gumawa ka ng hindi kaaya-aya. Umasa ka sa second chance dahil ikaw mismo ang nagbigay niyan sa isang tao dahil nagkamali ito sa'yo. Pero naniniwala ako na lahat ng bagay kayang ayusin basta nasa tamang pag-uusap lang. 'Yung walang galit sa puso, 'yung sa tingin mong makakabuti kahit hindi mo pa ito ikabubuti dahil hanggang sa huling sandali ay naniwala ka sa Diyos.

Paano nga ba aayusin ang isang bagay na wala nang pag-asa pang ayusin? Ang pinaka mabisang paraan diyan ay 'wag mong taguan ang problema dahil buhay ang Diyos at ang oras ay tuloy tuloy na umaandar. Magugulat ka nalang ay wala ka nang malaking problema pag andar ng mga oras pa.

So, basahin niyo 'tong story para malaman niyong hanggang sa huling sandali ay magiging tama ang lahat ng mali.

Unfaithful Husband: Retaliation [Completed]Where stories live. Discover now