[FINISHED VOLUME 1]
Categories : Mythological Fantasy • Isekai • Adventure • Action
Normal lang ang buhay ni Olin Manayaga sa Cebu, o iyon ang inaakala niya. Ito'y nabulabog no'ng hinabol siya ng isang nilalang na kawangis ng butiki at may pakpak na...
Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.
Tuloy ang pakikipagsapalaran! Sina Olin, Solci, at Cormac ay magbabalik sa OLIN IN KAHADRAS VOLUME 2: COVETED GOLD. Samahan ang ‘Kahadras Legends’ sa kanilang paglalakbay patungo sa mga gingharian ng Kasakitan (o Underworld).
Sa Volume 2 ng Olin in Kahadras, magkakaroon ng . . .
Bagongmisyon.
“Nangangahulugan ’yan na kailangan ulit tayo ng Kahadras.”
“Tumpak ka riyan, dear.”
“Kahadras Legends, assemble!”
Bagongkakampi.
“Humingi kayo ng tulong sa kanya sapagkat nakapunta na siya sa isla ng Nalaje.”
“Malakas ba siya? May kapangyarihan ba siya?”
Tumango si Mounir, ’tsaka siya nagwikang: “Oo. Isa rin siyang kalahatingdiyos.”
Muling pagtatagpo.
Ibinukadkad niya ang kanyang makukulay na pakpak—kulay blue sa unang patong, nasundan ng kulay green, at sa ibaba n’on ay violet. O to the M to the G! ’Buti na lang at dumating siya.
“Who is that mananap?”
“Siya ang Diyos ng Proteksyon.”
Dating kasama.
“T-totoo ba ’to? T-Talay?”
“Olin, patayin mo ako. Tinraydor kita noon, ’di ba? Olin, gumanti ka!”
“Hindi”—nag-init ang sulok ng mga mata ko habang iniling-iling ko ang aking ulo—“hindi ko gagawin ’yan. Alam kong may rason ka kung ba’t mo ’yon ginawa.”
Isang malakas na tawa ang tumakas sa bibig niya. “Kakampi ako ni Sinrawee sa umpisa pa lang. Kung hindi mo ako papaslangin, bubuhayin ko ulit siya . . .”
Sagad na kasakiman.
“Bata pa lang ako, gusto ko na itong makuha. Ngayong napasakamay ko na, ’di ko hahayaang maangkin ito ng iba. Ang sinumang hahawak nito ay papatayin ko!”