Kahadras World Map

869 34 5
                                        

MAP OF THE “SCARY” WORLD

MAP OF THE “SCARY” WORLD

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

MELYAR

Ang ginghariang ito ay pinamumunuan ni Rayna Helya. Ang mga taga-Melyar ay tinatawag ding mga “Melyarine,” at likas sa kanila ang paglikha ng iba’t ibang uri ng kagamitang pandigma.

PORRAS

Ito ang tinaguriang patay na gingharian.

ESCALWA

Ang ginghariang ito ay pinamamahalaan ng isang ginintuang diyosa. Ang mga naninirahan dito ay binansagang mga “Escalit,” at sila ay mga minero. Sinasabi rin na sila ang pinakamayaman sa buong Kahadras sapagkat marami silang nalikom na mga ginto.

HORIA

Ang Horia ay pinupugaran ng mga bantay ng tubig o tinatawag ding mga “Horian.”

TSEY

Sa bayang ito nanggaling ang mga bantog na salamangkero. Sasanayin na sana nila noon ang buong bayan sa paggamit ng mahika, ngunit ito’y naudlot dahil sa isang malagim na pangyayari.

HESTERU

Sinasabing dito namamalagi ang mga engkanto na nagpapakita lamang sa mga taong gusto nila o sa mababait.

SAYRE

Ang kagubatan sa lupaing ito ay hindi ordinaryo at iilan lang ang nakapapasok. Tinitirhan kasi ito ng isang malaki’t makapangyarihang nilalang na walang itinuturing kakampi; lahat ng makikita niya ay kanyang katunggali. Binabantayan niya ang isang mahiwagang bulaklak na nagsisilbing puso ng kagubatan.

Olin in Kahadras [Volumes 1 & 2]Where stories live. Discover now