[FINISHED VOLUME 1]
Categories : Mythological Fantasy • Isekai • Adventure • Action
Normal lang ang buhay ni Olin Manayaga sa Cebu, o iyon ang inaakala niya. Ito'y nabulabog no'ng hinabol siya ng isang nilalang na kawangis ng butiki at may pakpak na...
Iminulat ko ang mga mata ko nang may tumawag sa ’kin. Isang tao lang ang tumatawag sa ’kin ng ‘Lin,’ walangibakundi ang pinakamamahal kong ina.
Kinusot ko ang dalawa kong mata at saka tumunghay. ’Tapos, nakita ko si Mama sa may balkonahe na napagigitnaan ng dalawangmapuputlangkurtina na sumasayawdahil sa banayad na pagkumpas ng hangin.
“’Ma?” sambit ko saka mabilis na tumayo at tumakbopalapit sa kanya. Ngunit sa kasamaang-palad, bigla na lang akong tumalsik pabalik sa hinigaan kong kama kanina nang may puwersangnakaharang at tila hindi kami pinapayagangmagkalapit. “Ahhh!” Tumakas sa bibig ko ang mahinangdaingdahil sa sakit.
“Lin, paminaw nako,” (Lin, makinig ka sa akin) umpisa ni Mama. Pareho kaming pinangingiliran ng luhadahil sa sitwasyon namin. “Ipamatuod sa ila nga ikaw ang tinuod nga Olin, nga ikaw ra ang Olin nga ilang gipangita.” (Patunayan mo sa kanila na ikaw ang totoong Olin, na ikaw ang nag-iisang Olin na hinahanap nila.) Pinilit niyang ngumiti habang dumausdos ang kanyang mga luhapatungo sa kanyang pisngi at baba.
Nanginginig ang aking mga labi sa sinabi ni Mama habang patuloy pa rin sa paglandas ang mainit na likidopababa sa ’king pisngi. “Gihigugma ko ikaw, ’Ma. Pag-amping kanunay.” (Mahal na mahal kita, ’Ma. Ingat ka palagi.)
* * * * *
Nagising ako dahil sa ingay. Pamilyar ang mga boses na ’yon. Bumalikwas ako ng bangon at hinanap ng mga mata ko kung saan ’yon galing. Doon ko na nakita ang tatlong bulaklak na nagsasalita, kasalukuyan silang nakalagay sa isang paso na pininturahan ng kulay-dalandan, at saka hawak iyon ng isang babae. Nakapusod ang buhok niya, nakasuot ng maputlang damit pang-itaas at saya, at wala siyang sapin sa paa. Kaya lang, ’di ko makita ang kanyang itsura kasi nakayuko siya. Palagay ko, isa siya sa mga tagapagsilbi rito sa palasyo.