[FINISHED VOLUME 1]
Categories : Mythological Fantasy • Isekai • Adventure • Action
Normal lang ang buhay ni Olin Manayaga sa Cebu, o iyon ang inaakala niya. Ito'y nabulabog no'ng hinabol siya ng isang nilalang na kawangis ng butiki at may pakpak na...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Chapter 2: Welcome to Kahadras
“Olin!” tawag sa ’kin ng isang babae, suot ang abot-taingangngiti. Kulay-kape ang kanyang buhok na parating naka-bun sa tuwingnakikita ko siya. Sa lahat, siya lang ang naglakas-loob na kumausap sa ’kin. Siya si Soledad Cirrano o Solci. Nakatayo siya sa kanilang hardin. Mabuti na lang at ’di siya makalalapit sa ’kin dahil sa bakod.
Nasa hardin din ako at sumilong sa malaki at makulay na payong habang nagbabasa ng librotungkol sa iba’t ibang mythical creatures ng Kabisayaan.
“Unsa na imonggibasa?” (Ano ’yang binabasa mo?) nagsaboy siya ng kuwestiyon bagama’t alam niyang ’di ko naman siya papansinin. Ayoko ng makulit na tao. Gusto kong mapag-isa at magbasa nang tahimik.
Naglipat ako ng isang pahina at tinapunan siya ng tingin. ’Tapos, ibinalik ko agad ang aking atensyon sa aklat na binabasa ko. Sana naman, naiintindihan na niya na ayokong makipag-usap sa kanya. May tao talagangsusubukin ang pasensiyanatin, ’no?
“Ambot sa kanding nga naay bangs!” (Ewan ko sa kambing na may bangs!) aniya at mukhang ’di pa rin niya nauunawaan ang mensahengipinarating ko sa kanya.
Bumungad sa ’kin ang larawan ng isang Agta—ito’y inilarawanbilang isang nilalang na kulay-uling at may pambihirang laki na naninirahan sa mga puno, bangin, o sa mga bahay na inabandona.
Nahinto ako sa pagbabasa nang magsalita siya ulit, “Ay, basin og wala ko nimonasabtan, ’no? Sige, mag-Tagalog na lang usab ko. Tagalog pala ka.” (Ay, baka hindi mo ako naiintindihan, ’no? Sige, magta-Tagalog na lang ako. Tagalog ka pala.)
Mariin kong isinara ang dalawa kong mata at naglabas ng hangin gamit ang ilong. Pagdilat ko, isinara ko ang libro at pinahiga sa habilog na mesa. Ang ayaw ko talaga sa kapitbahay ay ’yong makulit at pakialamera. Puwede naman siyangtumayo sa hardin nila at manahimik. Sana, maglaho na lang siya!