Chapter 5: Langas to the Rescue

132 8 25
                                        

Chapter 5: Langas to the Rescue

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 5: Langas to the Rescue

“Isa siyang Tambaluslos! Takbo!” Pumailanlang ang sigaw ko rito sa loob ng kagubatan. Dali-dali kong ibinigay kay Talay ang paso at itinulak ko siya sa ibang direksiyon, samantalang kumaripas naman ako ng takbo patungo sa kabila. “Luslus! Habulin mo ’ko! Yoo-hoo!” Pero sinuntok ko agad ang aking sarili sa isipan ko. Tunay ngang nasa dulo ang pagsisisi.

Habang tumatakbo ay tumutuloy sa ’king mga tainga ang panaka-nakang paghinga ng katakot-takot na nilalang na nasa likod ko, at gayundin ang ingay na nililikha ng mga puno’t halamang nadaraanan niya.

Nagkrus ako at nag-ungot ng madaliang panalangin na sana’y tantanan na kami ng pangit na halimaw na ’to. Ang puso ko naman ay walang humpay sa pagkabog na animo’y may karera ding nagaganap sa aking dibdib.

Umalingawngaw ang kakaiba nitong ingay at hindi ’yon nagustuhan ng pandinig ko.

Pawisan at ang dungis-dungis ko na katatakbo sa masukal na kagubatan na ’to. Punit-punit na rin ang pinahiram sa ’kin ni Mounir na balabal dahil sa malalagong halaman at sangang nasasagi ko. ’Yong iba’y may tinik, kung kaya’t tumakas sa bibig ko ang mahinang daing.

Maya’t maya akong yumuyukod, pasimpleng nangolekta ng mga bato sa daanan na may sapat na bigat lang para ihagis sa Tambaluslos kapag nagkaroon ako ng pagkakataon na umatake sa kanya.

Kapagkuwa’y naisipan kong humiling na sana’y ayos lang sina Talay, Saya, Alog, at Lish. Kailangan ko lang pagurin ang isang ’to. Hahanapin ko na lang sila pagkatapos. Pero parang ako yata ang unang mapapagod sa sitwasyong ’to. Yawa!

Rumehistro sa magkabila kong tainga ang pagkaluskos sa tabi, kaya naman higit kong binilisan ang pagtakbo. Hindi ako puwedeng sumuko rito, may naghihintay pa sa ’min sa gingharian ng Melyar. Pa’no ko ba matatakasan ang buwisit na nilalang na ’to?

Bagama’t nakatuon ang aking atensyon sa daanan, sinubukan kong magtapon ng ilang bato sa likuran ko, umaasang matamaan ko ito at mapahinto ito sa pagbuntot sa ’kin. Subalit nabigo lang ako. Ramdam ko pa rin ang presensiya nito hanggang ngayon!

“Dili na g’yod ko molukso sa inidoro sunod!” (Hindi na talaga ako tatalon sa inidoro sa susunod!)

Maya-maya pa, sa unang pagkakataon, tumigil ako at humarap sa nilalang na may malaking bibig at ari upang sabuyan ito ng bato nang sunod-sunod. Pagkatapos kong marinig ang pagdaing niya ay nagpatuloy na ’ko sa pagtakbo. Pasimple kong ipinihit ang leeg sa direksiyon  niya at nakitang sinusundan pa rin niya ako.

“Mama! Kuhaa ko dinhi, please!” (Mama! Kunin mo na ako rito, pakiusap!)

Ngunit sa kasamaang-palad, napagtanto kong pamilyar ang dinaraanan ko ngayon, kaya kaagad na kumunot ang aking noo. Hindi ako sigurado, pero parang dumaan na ’ko rito? Sinalakay muli ako ng matinding takot at saka mariing napalunok nang dumaan sa paligid ng dalawa kong tainga ang nakapangingilabot na halakhak ng Tambaluslos.

Olin in Kahadras [Volumes 1 & 2]Where stories live. Discover now