[FINISHED VOLUME 1]
Categories : Mythological Fantasy • Isekai • Adventure • Action
Normal lang ang buhay ni Olin Manayaga sa Cebu, o iyon ang inaakala niya. Ito'y nabulabog no'ng hinabol siya ng isang nilalang na kawangis ng butiki at may pakpak na...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Chapter 8: Eight-legged Freaks
“May nararamdaman akong kakaiba roon sa isa.”
“Ako rin. Hindi kaya . . . siya si Olin?”
“Sa palagay ko’y siya nga ang nakatakdang kukuha sa Boac at papatay kay Helong.”
“Tara, puntahan natin ang kanang kamay ni Sinrawee—ang Mansalauan—at ipaalam sa kanya na hawak natin si Olin upang tayo ang makakukuha ng gantimpala. Ha-ha-ha!”
Naalimpungatan ako dahil sa mga boses na naririnig ko. Ramdam kong parang naipon ang dugo ko sa ’king ulo. ’Yon pala, nakabitay ako patiwarik habang nababalutan ng makakapal na sapot ng damang.
Hindi ako makagalaw at makakita nang maayos dahil sa sitwasyon ko, pero alam kong katabi ko lang ang mga kasama ko kasi parang may gumagalaw-galaw.
“Olin, umaga na. Kailangan n’yo na ring mag-isip ng paraan upang makatakas, habang patungo pa ang dalawangdamang sa Mansalauan,” rinig kong sabi ni Mounir.
“Salamat sa impormasyon, Mounir. Pero paano kami makatatakas sa sitwasyon naming ’to?” tanong ko sa kanya.
“Olin? Gising ka na pala. Ano’ng pinagsasabi mo? Nandito ba si Ginoong Mounir?” sambit ni Talay. Nasa bandang kaliwa ko siya, base sa pinanggalingan ng kanyang boses.
“Olin, sabihan mo siya na tulungan tayo!” mando pa ni Langas. Tila nababanas na siya sa kalagayan namin ngayon.
“Wala man koy nadunggan nga nagsulti ganiha gawas nimo, Olin. Katol pa!” (Wala naman akong ibangnarinig na nagsasalitakaninamaliban sa ’yo, Olin. Katol pa!) sabi naman ni Cormac. Pareho sila ni Langas na nasa kanan ko, batay sa pinagmulan tinig nila.
“Hindi.” Iniling-iling ko ang aking ulo kahit na hindi naman nila ako nakikita nang maayos. “Kausap ko siya sa pamamagitan ng hangin, gaya no’ng ginawa niya ro’n sa silid-aralan namin noon.”
“Ba’t parang galit ka?” rinig kong anas ni Cormac.
Pinilit kong kumawala, pero paulit-ulit lang akong nabigo. Bumaligtad tuloy ang pagtulo ng pawis ko at patungo na ito sa mga butas ng ilong ko. Nademunyu. “Mounir, ano’ng gagawin namin?” pagsusumamo ko sa hangin.
“May ibinigay akong sandata kay Talay. Magagamit n’yo ’yon upang makawala na kayo riyan sa yungib,” untag ng bughaw na salamangkero.