Sweet Thing #30 - Yes

Magsimula sa umpisa
                                    

Nang makarating kami ni Lillian sa dulo ng gymnasium, nakita namin ang EXO malapit sa stage na nagkakatuwaan at kumukuha ng group picture. Gusto ko nang maiyak sa tuwa. Ang saya nilang tingnan; ang ganda nilang tingnan.

Sa dulo ng mata ko, nakita ko si Lillian na tinitingnan ako nang nakangiti kaya nilingon ko siya. "Ganda mo, girl. Tears of joy lang ang peg?" Doon ko lang napansin na nagtutubig na nga ang mga mata ko. Mabilis ko yung pinahid. Sayang ang make up, guys. Baka kumalat pa ang eyeliner ko. Dapat maganda ako sa muling pagkikita namin ni Yeol. Haha!

Ini-tilt ni Lillian ang ulo niya sa direksyon ng EXO nang nakangiti na para bang sinasabing "Tara na!" Tumango naman ako bilang sagot kaya dahan-dahan kaming naglakad papunta sa kanila.

Habang naglalakad kami, bahagya akong natawa sa sarili namin. Sa gitna kasi kami dumaan; nasa magkabilang tabi namin ang mga upuan at sinabi ko na ba sa inyo na bitbit ko pa rin yung bouquet na ginamit sa kasal kanina? Sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko na napansin. Mukha tuloy akong bride tapos si Lillian ang maid of honor at hinihintay na ko ng groom ko sa unahan. Sana nga, hinihintay pa rin niya ako.

Chanyeol's P.O.V.

"Woah! Woah! Woah!" Bigla akong napalingon kay Baek sa reaksyon niyang yun. Nilingon din ako ni Baek nang ngiting ngiti kaya napakunot ako ng noo. Ano bang meron? Tumuro siya sa unahan sabay sabing, "May paparating na dyosa."

Nang sundan ko ang turo ni Baek, nakita kong meron nga. Hindi ko alam ang dapat gawin, ang dapat na i-react. Panaginip lang ba ang lahat ng 'to? Bukas pa ba ang graduation at sobrang excited lang ako kaya napapanaginipan ko 'to ngayon? Sobrang miss ko lang ba si Rey kaya napapanaginipan kong nandito siya ngayon?

"Aw! Aw! Aw! Aray! Masakit, Baek!" reklamo ko nang pisilin niya ang pisngi ko. "Para lang malaman mong hindi panaginip 'to," saad niya na ikinangiti ko. Hindi nga ito panaginip lang. Totoo ang lahat. Totoong andito si Rey.

Muli kong ibinaling ang tingin ko kay Rey. Hindi talaga ako makapaniwalang nandito siya. Hindi ako makapaniwala sa presensya niya.

Her being a goddess became more realistic with her off white gown. Her skirt is flowing lightly and gracefully as if the wind is doing that on purpose to raise her beauty among everything else. The flowers on her hair were beautiful, but she's the most beautiful flower I've ever seen. The jewelry she wears shine brightly, but it can never beat the glow in her eyes. And what's more unbelievable is the fact that she's emanating sweetness now.

Sa kabila ng nag-uumapaw na tuwang nararamdaman ko ngayon ay nagawa ko pa ring malungkot. Ano bang malay ko kung si Charles pala ang dahilan why she's blooming like this right now?

Pero hindi naman masama ang mangarap diba? Gaya nga ng sabi ng marami, libre lang yun. Kaya lulubus-lubosin ko na ang libre at papangaraping ako pa rin ang pipiliin ni Rey. Sa mga oras na 'to, ako ang groom na naghihintay sa kanyang bride.

Ilang hakbang na lang ang layo niya samin nang tumigil siya at ngitian kami. Si Lillian naman ay pumunta sa tabi ni Baek habang ako na mismo ang lumapit kay Rey.

"Hey," maikli niyang bati nang nakangiti.

I chuckled a bit before answering, "Is that how you greet people now?"

"Ah... Good evening?" unsure na bati niya kaya hindi ko napigilang matawa uli habang tumutungo.

Bahagya niya kong pinalo sa dibdib ng hawak niyang bouquet. Mapanakit pa rin talaga siya. Haha! "Ngayon lang uli tayo nagkita tapos pagtatawanan mo lang ako?"

Tiningnan ko siya diretso sa mata at umiling nang nakangiti bilang sagot. "I'm not laughing at you. I'm admiring you."

She did not reply. Instead, she stared directly to my eyes. She seems taken aback by my words and I smiled at that fact.

Sweet YeollipopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon