Chapter 4: Eye to eye

Magsimula sa umpisa
                                    

Nabalitaan ko na lang na nagabroad silang buong pamilya. Gumuho yung mundo ko noon kasi parang Jerome part two. Kinaiinisan ko na tuloy lahat ng lalakeng walang paninindigan.

Hindi man lang kasi nagpaalam si Jason. Ang dali dali lang kaya magba-bye, hindi niya pa nagawa. Iniwan niya lang ako bigla na nagiisip kung bakit siya umalis ng walang paalam.

But after two years, eto na ulit siya. Pinagpatuloy niya yung IT course niya dito sa FEU.

Naalala ko nung unang pagkikita namin, parang nakikita ako ng multo at naestatwa sa kinatatayuan ko. Para akong maiiyak na ewan. Buti na lang kasama ko yung mga kaibigan ko para hindi ako magmukhang tanga.

Nagexpect ako nun. Pero, dinaanan niya lang ako. Ni Hi ni Ho, wala. Hindi ko na talaga alam ano problema niya. Kasi kung may nagawa ako two years ago to deserved this kind of treatment dapat sabihin niya sakin para maayos ko. Hindi yung para lang ako hangin na hindi niya napapansin.

Nag-aral pa naman ako dito sa FEU para sa kaniya, para magkasama kami pero iniwan niya lang ako at ngayon magbabalik siya para guluhin ang buhay ko, ang puso ko.

Parang mas gusto kong bawiin yung tuition ko at lumipat sa ibang school dahil mukhang ayaw naman ako makita ng lalakeng to.

Nag-attempt na rin ako magtransfer sa Lyceum para hindi narin kami magkita para hindi narin ako masaktan na everytime magkikita kami e parang kinamumuhian niya lang yung pagmumukha ko. Ang lake lake ng school pero wala palage parin kami nagkikita, masyadong maliit ang mundo o sadyang pinagtatagpo lang kami.

"Tigilan niyo nga ako, kala ko ba gutom kayo? Kumaen na lang kayo!"Pagsuway ko sa mga mapang-asar kong kaibigan.

Nagfocus na lang ako sa kinakaen, pinipilit kong kombinsihin sarili ko na wala akong inaabangang makita.

"Friend, OMG! Ayan na si love of your life mo!" Halos pasigaw na atang sinabe ni Kristal. Ang ingay talaga nito forever!

"Shut up Tal!" Tinitigan kong masama si Kristal na nasa harapan ko lang nakaupo, sabay pasimpleng tumingon sa likod ko. Gaa. And yes, si Jason nga.

My Jason.

May kasama siyang tatlong lalake. Ang gwapo niya parin. May itsura yung mga kasama niya pero mas angat siya lalo na ngayon na parang nag-gym ata siya dahil fitted na yung uniform niya sa kaniya, bakat yung muscles.

Parang ang sarap magpa-yakap. Kabaliktaran ng nakilala kong Jason na patpatin dati. Alam ko kasi na dumaan siya sa major operation nung bata siya kaya siya payat pero mukhang nakabawi na siya ngayon and I'm so happy for him.

Gwapo niya na talaga lalo, nagmature and everything. Kalahati ata ng girls sa foodcourt e nakatingin sa kaniya. Gusto ko ngang tusukin ng tinidor lahat ng mata ng mga babaeng nakatingin sa kanya.

Akin lang si Jason, akin lang siya!.. Gusto kong magwala. Natigilan ako nang napatingin siya sa direksyon ko. Nakatingin siya, pano na naman to?!

Bigla na lang akong yumuko, kumakabog na naman yung dibdib ko. Dugdug dugdug dugdug.... Pabilis ng bilis yung tibok parang nahihirapan narin akong huminga.Shit

Nahulog ko yung tinidor ko, sa dami pa ng mahuhulog. Napakaclumsy ko talagang nilalang at sa ganitong oras pa.

"Okay ka lang?" Tanong sakin ni Chele.

Tumatawa na yung iba kasi sanay na sila sa ganito kong reaksyon, everytime na andiyan si Jason. Super clumsy ko kapag andiyan siya , yung tipong lahat ata ng bagay na dala ko nahuhulog ko sa sobrang taranta.

"Yap okay lang ako" Sagot ko sabay pulot ng tinidor at pasimpleng sulyap na naman kay Jason na pansamatalang huminto para bumile ng icecream.

You're still the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon