"By what you had just said, minamanmanan din tayo ng mga Revilla. Paano na yan? Alam nilang nagmeeting tayo. Anong isasagot natin kung sakaling tanungin nila tayo? They have the right to ask now, Supremo." Sabi ni Ella.

"I actually thought about it. Sabihin na lang natin na naghahanda tayo para sa foundation day." Sabi ni Alyssa.

"Pero ang foundation day natin ay magaganap pagkatapos pa ng tatlong buwan at alam iyon ni LA dahil kasabayan natin siyang pumasok sa paaralang ito. Paano kung magtaka sila dahil for sure, magtataka siya? Hindi naman yun kasing tanga ng iniisip natin." Sabi naman ni Kim.

"Papaagahin natin. Ang gusto nila maging open ang buong school sa public. Gagawin natin yun, pagbibigyan natin sila." Madiing sabi niya.

"Pero Ly, we have been hiding for almost 50 years. Won't your lolo get mad?" Gretchen asked.

"No, he won't."

"Kung magiging open tayo in public, hindi ba magiging delikado yun sa part natin?" Tanong ni Ara.

"No, I won't let anyone get hurt. Not again." She said na nagpatahimik sa kanila. After awhile, nagsalita muli si Gretchen.

"Bakit kailangan bang mag-open? Mas maganda kasing tago tayo, Ly. Kahit naman masama ang reputation ng school na 'to, ang dami pa ring nagpupumilit pumasok dito eh." Sabi niya.

"Dahil iisipin ng mga Revilla na wala lang sa atin ang mga bantay nila at wala lang tayong pake sa sitwasyon ng school kung magsasaya tayo nang maaga. Iisipin nila na puro fun lang ang nasa isip natin kung papaagahin natin ang foundation day natin. They won't think na we're already planning taking them down little by little." Sabi ni Alyssa na nagpatango sa lahat bilang pagsang-ayon.

"Teka, ano ba yung mga narinig mo, Valdez?" Tanong ni Ara. Nagsalita si Ly pero hindi niya tiningnan si Ara. Nilibot niya lang ang tingin sa iba pang officers at saka nagsalita.

"Pwede na kayong umalis. Gretchen at Galang, maiwan kayo." Sabi ni Alyssa. Ang isasagot niya kasi ay hindi na sakop ng kailangang malaman nila Kim, Mika, Fille, at Ella.

Pagkalabas ng apat ay nagsalita si Valdez.

"Drugs. Dahil sa drugs, pinasok nila itong school. May plano silang kunin ang school na ito para dito magprocess ng drugs. I think it's because of the walls around. Sa pamamagitan nun, hindi madaling mapapasok ang school. They also want to kill me. Matagal na siguro pero ngayon lang sila nagkaroon ng pagkakataon. Nalaman ko rin na may boss pa sila behind Revilla. At Lowe ang pangalan niya o ang ginagamit niya lang ng pangalan."

"Lowe? Does it stand for something?" Gretchen asked.

"No. Kumbaga , sa mga artista, screen name lang siya." Ara said.

"Yes. Ganun nga. And I think siya ang tao sa likod ng DLM. Organisasyon ata. I think, syndicate." Ly said.

"DLM, yung nakalagay sa note?" Tanong ni Ara. Taka silang tiningnan ni Gretchen.

"Which note?" Takang tanong nito dahil mukha yung dalawa lang ang nagkakaintindihan.

Nilabas ni Ara ang dalawang photo album na inabot sa kanya ni Kiefer kanina. Kinuha niya ang note na nakadikit sa album at iniabot ito kay Gretchen. Tiningnan naman ito nang maigi ni Gretchen. Pati likod ay tiningnan niya pero wala nang nakasulat doon.

"Past? Sino? Wala naman tayong kaaway mula sa nakaraan? We were innocent back then." Sabi nito sa dalawang frat leader.

"Yes. I thought the same. Actually, this is not the first time na may nareceive akong ganyang note. Lahat ng iyon ay galing lang sa isang sender, sa DLM o kay DLM."

She Who Dares WinsWhere stories live. Discover now