Sweet Thing #25 - Happy Birthday!

Start from the beginning
                                    

"Yah! Kyungsoo, hatiin na natin yung cake," masigla kong sabi para maibalik ko sila sa mood. Birthday ko tapos ganito. Wag naman ganun.

"S-sige," nakangiti pero nag-aalangang sagot ni Kyungsoo. Maging ang ibang members ay hindi alam kung pano sila kikilos. Hindi ko sila masisisi. Kung ako nga mismo, hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong gawin ngayon.

Habang pinapanood ko si Kyungsoo na hatiin yung cake, doon ko lang napansin na chocolate cake pala ang binili nila para sakin. Paniguradong sina Kai at Sehun na naman ang pumili ng flavor. Namiss ko tuloy yung chocolate cake ni Rey.

Asan ka na ba, Rey? Hindi mo naman ako iniwan diba? Babalikan mo naman ako diba? Nagpapamiss ka lang, tama ba?

Miss na kita, Rey. Miss na miss. Kaya please, tigilan mo na ang pagpapamiss at puntahan mo na ako. Ang sabi mo noon, may babalikan ka lang saglit. Rey, humahaba na ata yung saglit mo. Wala namang ganyanan.

Para lang malaman mo, Rey, mahal pa rin kita. Hindi porke mag-iisang buwan ka nang wala ay mawawala na rin ang pagtingin ko sayo, Rey. Hindi ganun yun. Dahil sinasabi ko sayo, totoo ang pagmamahal ko.

"Earth to Yeol!" Nagulat ako nang pitikin ako ni Baek sa noo. Napahawak naman ako dito. "Tama na ang malalim na pag-iisip." Inabutan niya ko ng isang platito ng chocolate cake na siya namang kinuha ko. Rey, ipag-bake mo uli ako pagbalik mo ha. Umupo siya sa tabi ko. "Birthday mo ngayon. Magsaya ka muna kahit ngayon lang."

"Lagi naman akong masaya," nakangiti kong saad at sinimulan nang kumain ng cake. At niloloko ba ko ng nag-bake nito? Bakit kalasa ng cake ni Rey? Kalasa nga ba o sadyang miss ko lang siya? Hay...

"Sus! Sabi mo lang yan," mapaglarong sagot ni Baek pero bigla rin siyang nagseryoso. "Hindi mo ako maloloko."

Mapait ko siyang nginitian at nagpatuloy na lang sa pagkain. Nagulat naman ako nang biglang kunin ni Baek yung guitar strap na nakapatong sa mga hita ko. "Ano 'to? Bigay ng fangirl mo?" pang-aasar niya.

"Hindi ko siya fangirl, future girlfriend ko siya." Nanlaki naman ang mga mata ni Baek sa narinig niya. "Bumalik na si Freya?" gulat pero pabulong niyang tanong.

Hinablot ko naman sa kanya yung guitar strap. "Ikaw! Asan ang regalo mo?" pag-iiba ko ng usapan.

"Tss. Iniiwasang maging topic si Freya. Kahit anong iwas mo, wala kang magagawa." May inabot siyang paper bag sakin. Wow! May regalo nga siya. Haha! Ayos! "Ayan na. Ano nga? Pano ka nakatanggap ng regalo mula sa kanya?"

"Binigay ni Lillian," maikli kong sagot. Nagulat naman uli siya. "Nagkita na sila ni Lillian?!"

Umiling ako sa kanya. "Binigay daw ni Rey kay Lillian bago siya umalis."

Hinawakan naman ni Baek ang baba niya na para bang nag-iisip. "Kung ganun, may plano na talaga siyang wag bumalik?"

Natigilan ako sa mga sinabi ni Baek. Ganun nga ba ang nangyari, Rey? Please tell me no. Seryoso akong hinarap ni Baek. "Puntahan mo na siya."

"Pano? Ni isa satin, wala nang contact sa kanya," kalmadong sagot ko kahit sa loob-loob ko, kating kati na rin akong puntahan si Rey. Hindi na kasi namin ma-contact si Rey sa dati niyang number. Malamang nagpalit na siya ng sim. Tapos dineactivate na rin niya lahat ng SNS niya. Wala rin akong napala nung pumunta ako kina Tita Lucia. Wala rin daw silang balita kina Rey. Kahit nga sina Jane at Joy, namimiss na siya.

Tumayo saglit si Baek para pumunta sa bag niya. Pagbalik niya, may inabot siya saking piraso ng papel. Pagbukas ko nito, may address na nakasulat at pangalan ng school. "Inalam ko sa faculty kung san siya nag-transfer," nakangiting saad ni Baek.

Unti-unti akong nangiti at sa pagkakataong ito, totoo na ang ngiti ko. Hindi ko napigilang yakapin si Baek. "Thanks, Baek! Jeungmal gomawo! Ito ang best birthday gift ever!" Pinakawalan ko na siya. Sa liit kasi niya, baka hindi siya makahinga. Haha! "Well, second best actually. Yung regalo pa rin ni Rey ang the best."

Nagkibit balikat lang si Baek. "Ano ba namang laban ko sa mahal mo?"

Natatawa ko siyang pinalo sa braso. Tinaas ko yung papel kung saan nakasulat yung bagong school ni Rey. "Salamat uli." Tinanguan niya lang ako at mabilis kong kinuha ang mga gamit ko.

Agad-agad akong lumabas ng office kahit rinig na rinig ko ang mga reklamo nila. Bahala na si Baek magpaliwanag sa kanila.

Freya's P.O.V.

Tapos na ang klase ko pero sa bahay ako dumiretso at hindi sa ospital. Ang sabi ko kay Charles, siya na ang bahalang magpalusot kay tita kung bakit hindi ko siya madadalaw ngayong araw.

Birthday kasi ngayon ni Yeol. Hindi ko ata kayang makita si tita kung siya ang dahilan ng paghihiwalay namin. Hindi naman sa sinisisi ko siya. Hindi ko lang talaga maiwasan yung sakit na dala ng katotohanang tapos na ang lahat samin ni Yeol.

Pagpasok ko ng bahay, hindi ko inaasahang madatnan si mommy. "Ang aga niyo po ata ngayon."

Kibit balikat niya naman akong sinagot, "Apparently, konti lang ang nagpa-sched ng meetups today." Bumuntong hininga pa siya. "Umuunti na ata ang kliyente ko."

Tinawanan ko lang siya. "Magpahinga ka raw muna kasi, mommy."

Tumawa rin siya pabalik. "Oo nga eh. Busy na kasi ang sched ko bukas."

Tss. Nagdrama pa na umuunti na ang kliyente niya. Nailing na lang ako at umakyat na ng hagdan pero nasa pangatlong hagdan pa lang ako nang magsalita uli si mommy, "Bumili ako ng mga prutas. Dalhin mo sa ospital mamaya."

"Hindi ko po madadala yan ngayon, mommy," pagtanggi ko. "Baka po pwedeng kayo na lang ang magdala. Para na rin po mabisita niyo si tita."

"Bakit?" tanong niya. "Hindi mo dadalawin si Charlene ngayon?"

Tumango naman ako at saka sumagot, "Marami po kaming assignments ngayon eh."

Biglang sumeryoso ang mukha ni mommy. "Bumaba ka muna at mag-usap tayo sa sala," utos niya.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Pagkaupo ko sa sofa, agad kong narinig ang "I don't believe you" mula kay mommy.

I faked a laugh. "Mommy naman, tingnan niyo pa po yung notebooks ko para malaman niyo kung gano karami ang assignments namin ngayon." Confident ako kasi totoong marami ngang pinapagawa ang teachers ngayon, enough for me to forget Yeol this day.

She crossed her arms over her chest. "Sabihin na nating marami ka ngang assignments ngayong araw, but knowing you, you'd rather do them all in the hospital than miss a day without paying Charlene a visit." She is my mom. She knows me too well. "You're spending more hours in the hospital than in our house every day. Ganyan kalaki ang guilt na nararamdaman mo, tama ba?"

Wala akong nagawa kundi magpakawala ng mabigat na paghinga. "Mom, it's Yeol's birthday today."

Hindi ko na siya tiningnan kaya hindi ko nakita kung ano ang naging reksyon niya. Naramdaman ko na lang siyang tumayo at sinabing, "That's enough explanation." Cue ko na yun para pumunta sa kwarto kaya tumayo na rin ako at nagsimulang maglakad.

Nang malapit na ko sa hagdanan, pinaalalahanan ako ni mommy at dama ko ang malasakit sa bawat salitang binitawan niya. "You can always go back. None of this is your fault."

No matter how many times I glue those words to my mind, they just won't stick. Tuluyan na kong umakyat at nagkulong sa kwarto ko. Happy birthday, Yeol! Happy birthday!

Sweet YeollipopWhere stories live. Discover now