"That Lazaro?" Tanong ni Ly. Hindi niya pinansin ang tanong ni Bea.

"Yes, Supremo. Why? Ayaw mo ba sa kanya?" Malungkot na tanong ni Bea.

"A little bit. Wala siyang galang. Pahamak. Hindi sumusunod. Maarte. Maingay. Masyadong namimisikal. Bastos." Diretsong sagot ni Alyssa.

"Ha? I don't think ganun siya. I've been following her during class hours simula nung pumasok siya. Nung Tuesday lalo na! After niyang gawin yung punishment mo, she was talking to her friend, Ella and she was staring at nothing pero super ganda pa rin. May sinabi ata si Ella sa kanya tapos she laughed hard! She's so sweet! Ang cute niya!" sabi ni Bea.

"Bei, she's older than you." Sabi naman ni Alyssa.

"Age doesn't matter naman ah. Ikaw mismo nagsabi sa akin nyan." Bea said with a smile.

"You know the other new kid? That's her ex."

"That Myco? Ano naman? Ex na rin naman niya yun eh. Kaya nga ex eh, crossed out of her life na." Bea said.

"Baka pag-initan ng Archers yan, baka saktan nila dahil may koneksyon na sa atin pag pinagpatuloy mo." Ly stated. Minsan kasi ay may mga Archers na namemersonal na kaya sasaktan nila ang partner ng isang Eagle para lang makabawi. It hurts the most if the one you love was the one hurting. Kaya siguro partners ng mga Eagles ang binabalingan ng ibang Archers.

"E di I will protect her! At saka, tingin ko naman ay hindi na niya kailangan ang tulong ko. Told you, she's brave enough to hit them." Sabi ni Bea. Ly sighed dahil wala na siyang masasabi pa.

"Mukha siyang hindi mapagkakatiwalaan."

"No! She looks an angel kaya!"

Ly sighed, mukhang buo na ang desisyon ni Bea.

"You sure about her? This?" Ly asked.

"Very sure, Supremo. Teka, may gusto ka ba sa kanya?" Bea asked. Masyado naman kasing maraming tanong si Ly. Kahit na imposible iyom dahil kakabreak lang nila ni Laura, hindi niya pa rin maiwasan tanungin ito. Naabutan pa nila Gretchen na magkasama ang dalawa sa condo kagabi. Gusto na sana na siya na lang ang maghatid kay Den pero naunahan siya ni Gretchen. Isa pa na lasing na din si Ly nun at walang mag-aalaga sa kanya.

Ly was taken aback by what she said. She hates Den because she's annoying. Imposibleng magustuhan niya ang babae. Gusto lang naman niyang protektahan si Bea sa mga maaring manakit dito. She thinks Den is capable of hurting Bea. She thinks.

"No! Kakabreak ko pa lang with Lau, gusto agad sa iba? Anyway, take care of the studio." Ly said. Kinuha niya ang susi mula sa kanyang bulsa at saka inihagis ito kay Bea.

Nagulat si Bea kaya napayakap siya sa kanyang supremo. Ly smiled. At least, napapasaya niya ang nakababatang kapatid. At least, may natutuwa pa sa mga ginagawa niya sa buhay niya.

"Thank you, ate Ly!" Bulong niya. Natuwa si Alyssa dahil supremo ang madalas na tawag sa kanya ng lahat maging si Bea. Sinabi na niya dito noon na ate na lang pero dahil idol daw ni Bea si Ly, supremo na rin lang daw ang itatawag niya.

"Yes!" Sigaw ni Bea pagkahiwalay na pagkahiwalay niya sa yakap. Patakbo siyang pumunta sa likod kung ng may mesa ni Ly dahil nandoon ang pinto ng studio.

"Uh Supremo? Paano 'to?" Tanong ni Bea nang makita ang dami ng pipindutin sa mixer. Hindi niya alam kung paano ito aayusin. Pumasok naman agad si Ly at saka binuksan yung mixer.

"Kakanta ka or phone na lang?" Tanong ni Alyssa.

"Phone." Sabi ni Bea na ngiting ngiti. Kinuha niya ang phone niya mula sa kanyang bulsa at saka inabot ito kay Alyssa. Sinalpak na mismo ni Alyssa ang phone ni Bea sa mixer at siya na ang nagscroll nito.

She Who Dares WinsWhere stories live. Discover now