Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Napalingon ako sa likod ng biglang sumara ang elevator.

"Ano? Tatayo ka lang dyan?" Tanong sa akin ni Alyssa. Hindi ko na siya pinansin dahil inaappreciate ko pa ang buong room niya. May sarili silang kusina, at may mini bar pa doon. Sobrang laki rin ng ref nito na tipong mukhang dalawang ref na siya.

Yung sofa niya ay kulay black at sa sobrang laki nito ay kasya na ang tatlong tao kung hihiga sila doon. May 32 inch-flat screen tv naman na nakakabit sa tapat ng sofa nito. Wala ng division ang bawat parte ng room na ito maliban na lang siguro sa kwarto nila. May tatlong kasing pinto sa gilid eh. I assume, yun yung bedroom.

"Ang daya! Compare dito, bodegang may kama lang ang mga room namin!" Sigaw ko sa nakaupong si Ly sa malaking sofa.

"Tsss. Tatlo naman kami dito." Sagot niya.

"Hoy, tatlo lang din naman kami sa iisang room pero yung sa inyo pang sampung tao na agad!" Sabi ko. Sinakop ng kwarto na 'to ang buong floor which is super laki.

"Ang dami mong sinasabi. Ang ingay mo talaga." Sabi niya. Lumapit ako sa kanya at saka tumayo sa harapan niya. Nakapameywang pa akong hinarap ito.

"Bakit mo ba ako hinila dito?" Mataray kong tanong sa kanya. Tumayo naman siya at saka hinarap ako. Agad naman akong napaatras dahil sa takot na magdikit ang aming balat. Para kasi akong napapaso na ewan.

"Maliligo lang ako. Maghintay ka lang dito. Bahala ka na sa kung ano man ang gusto mong gawin dito basta ba, handa ka na after kong maligo." Sabi niya at saka pumasok sa pinakagitnang room.

My golly! Anong gagawin namin? Ano yung parusa niya? Di kaya... WAAAAAAAH. Lasing nga ata talaga siya! Bakita kailangan ko pang maghanda?

Agad akong tumakbo papunta sa may elevator at pinindot ang nag-iisang button nito. May naggreen na ilaw sa screen sa itaas ng button na iyon. Parang wave yung light na yun so I thought na kailangan kong magsalita doon. Ginaya ko lang yung ginawa ni Ly kanina.

"Valdez." Sabi ko at saka gumalaw yung line. Bigla naman itong naging red.

"Access denied." Sabi ng robotic na boses ng isang babae.

"Valdez." Ulit ko. I imitated Ly's voice pero hindi pa rin umepekto. Badtrip. Paano ako makakalabas dito?

"Lazaro?" Pag-uulit ko at muking nagred yung wave.

"Voice not recognized. Another try and the security will alarm." Sabi nito kaya sinukuan ko na rin. Hindi rin pala ako makakalabas dito. Ayoko naman na kunin pa ako ng mga guards dito. Kotang-kota na ako sa kakahihiyan ko within 24 hours of staying here.

Lumapit na lang ako sa may glass at saka tiningnan ang buong ADLH. Medyo madilim dahil gabi na rin pero sobrang laki talaga ng school na 'to. Para talaga kaming nakakulong dahil maliban sa buing ADLH, black walls na lang ang kita. Pero kung ganitong facilities naman at pamumuhay ang meron sa loob ng mga pader na iyon, mas gugustuhin ko dito. Kaysa naman sa magulong mundo sa labas.

Napalingon ako ng biglang lumabas ang bagong ligo na si Alyssa. She was holding a kit habang nagpupunas ng buhok gamit ang tuwalya. Gald she was wearing a t-shirt and proper shorts.

Agad siyang umupo sa black sofa at saka ako tiningnan.

"Clean my wound." Utos niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Please?" She asked kaya napalapit na ako sa kanya. Paano siya magkakasugat eh soya kang ang sumuntok ng sumuntok kanina?

Umupo ako sa tabi niya at saka kinuha yung kit. Hinawakan ko siya sa baba tapos chineck ko kung may sugat o kaya may pasa siya sa mukha pero wala naman akong nakita.

She Who Dares WinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon