Kabanata 18

0 0 0
                                    

Huminga ng malalim si Heather. Hindi niya inasahan na magkakaroon sila ng group recitation at nasa field sila at nasa pagitan nila ang isang net.

Yes,they going to play a volleyball. Her sports.

Naikuyom niya ang mga palad. Ilang buwan na ba siyang hindi naglalaro niyun?

Pero sana normal lang ang lahat. Hindi naman sa di niya kaya magkontrol pero bago sa kanya ang makakatunggali niya. They are not professional player. Kaklase lang din nila ang makakatapat nila.

Kaya naman siguro? Ikaw naman maglalaro eh,he-he!

Gusto niyang angilan ang kanyang lobo sa sinabi nito.

"Alright,position na girls! We're started now!"anunsiyo ng guro nilang lalaki na siyang magiging referee nila.

Kasama ang kagrupo niya ay humilira sila sa ilalim ng net upang makipag-apiran muna sa kabilang grupo bago simulan ang laro.

"Goodluck! Kami ang mananalo!"mayabang na sabi ng isa sa mga ito.

Ang leader ng mga marites sa room nila na malakas ang pagkadelulu kay Amias.

Tsk.

Hindi naman siya pumapatol sa weak gaya nito.

Oh kalma. Weak mga kasama mo,tandaan mo!

"Goodluck,satin! Sana tayo manalo! Ang laki ng magiging grades natin excepted pa sa Pre-lim exam natin!"saad ng kagrupo niya na may kapandakan.

Hindi niya alam kung paano ito makakaspike o makakalundag sa ilalim ng net para maging blocker. Ang iba pa niyang kagrupo halatang kabado dahil hindi marunong at ang isa naman ay takot sa bola.

"Sino una magsiserve?"kabadong sabi ng may kapayatan niyang kagrupo. Hindi niya alam kung ba nitong tumira ng malakas gayun ang payat ng braso nito.

Baka naman swertehen,manalo kayo! Andyan ka naman eh!

"Sino magserve sa inyo?"untag ng guro nila.

Kaagad na umatras ang mga kagrupo niya. Napabuntong-hininga na lamang siya.

"Ako na,Sir,"turan niya at biglang umaliwalas ang mukha ng mga kasama niya.

"Okay,girls! Set!"

Ipinorma na niya ang kamay at tinanaw ang kabilang kampo. Kailangan niyang tantyahin ang layo upang alam niya ang kontrolin ang lakas na pakakawalan niya.

Goodluck!

Humugot muna siya ng hininga saka itinaas ang bola at ang kabilang braso upang itira yun sa kabilang panig.

Isang kontroladong lakas ang pinakawalan niya. Kaagad na sinalo iyun ng tira ng isa sa kabilang grupo.

May alam ang mga ito sa paglalaro.

Naghiyawan ang iba nila mga kaklase na nanunuod habang naghihintay ang mga itong sumalang.

Lumipad ang bola sa kanila. Tumalon ang payat niyang kasama para sana iblock ang bola pero lumagpas ang bola at napaupo ito ng mawalan ng balanse.

Bago pa makalusot ang bola para maging iskor ng kabilang grupo ay mabilis na sinalo iyun ng braso niya upang bumalik muli iyun sa kabilang panig na siya agad naman nasalonat bumalik muli sa kanila.

Walang humarang dahil mukhang natakot ng tumalon ang bumagsak kanina.

Ang isa naman kasama nila ay hindi alam kung saan tatakbo. Sasaluhin ba o hindi dahil takot nga ito matamaan ng bola.

Nakalusot ang bola. Iskor iyun sa kabilang grupo na kinatili ng mga ito.

Napabuga siya ng hininga saka nilingon ang mga kasama na nakangiwi at dismayado.

Beloved Wolf Series 1 : HEATHER EZMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon