Kabanata 5

2 1 2
                                    

Halos hindi ginagalaw ni Amias ang kinakain na hapunan. Hindi mawala-wala sa isipan niya ang babae. Mapahanggang ngayon ay hindi niya talaga mapaniwalaan na mabilis na magtatagpo ang landas nila dalawa. Nag-iisip pa lang siya ng paraan kung paano ito makakaharap at mukhang nakatadhana na talaga na magtagpo sila ng dalaga.

Maganda. Ganun niya maisasalarawan ang dalaga. Natitigan niya ang mukha nito. Tila ba manika ang mukha nito. Kulay krema ang makinis nitong balat.

Sa dami ng babaeng nakapaligid sa kanya ay nagkaroon din naman siya ng nobya na hindi rin naman nagtatagal dahil ilan sa mga ito ay selosa o kaya naman nakikipaghiwalay siya dahil wala siyang oras dahil sa soccer at pag-aaral.

Ngayon lang siya nabighani ng ganitong kalala. Hindi talaga siya matahimik hanggat hindi niya ito nakikita at ngayon ay nagkaharap sila muli ay lalo lamang nagulo ang lahat sa kanya. Lalo na ang nararamdaman niya.

Ang kinadidismaya lang niya ay hindi niya nakuha ang pangalan nito. Paano ba naman bigla may dumating na babae na sa tingin niya ay kapatid nito kahit hindi magkamukha ang mga ito. Maganda din ang babae. Kaya lang intimadating ito. Tila ba magkamali ka lang ng gawin siguradong manganganib ang buhay mo. Iyun kaagad ang naramdaman niya ng makita niya ito at magtama ang mga mata nila.

Pareho kulay ng mga mata nito pero ng mga oras na iyun may kakaiba sa huling babae. May panganib na dala ang pinukol na tingin nito sa kanya.

"Hijo?,"untag ng ina ni Amias.

Kaagad naman nag-angat ng tingin si Amias sa ina na katapat lang nito sa mesa.

"Yes,Ma?"

Nagkatinginan muna ang magulang niya bago binalik sa kanya ng ina ang mga mata nito.

"Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo? Hindi mo ba gusto ang ulam?"may pag-aalala nito sabi.

Nag-iisang anak lang siya ng mga ito. Miracle pa nga dahil matagal bago siya nabuo. Susuko na sana ang mga ito pero bigla na lang siya nabuo kaya ganun na lamang siya mahalin at alagaan ng magulang niya lalo na ang kanyang ama na suportado siya sa lahat ng gusto niya.

Marami sila business. Isa na doon ang bus line company dahil nasa probinsiya lugar sila importante ang bus sa lugar nila sa mga gustong lumuwas ng Manila o sa mga kalapit na bayan.

Taliwas iyun sa kinukuha niyang kurso. Engineer talaga ang gusto niya. High school na siya ng matanto niya na iyun ang gusto niya. Hindi naman iyun kinontra ng kanyang ama kahit na sa kanya din mapupunta ang mga negosyo ng ama.

Nginitian niya ang ina. "No,Mom. I like it,uh,medyo may iniisip lang tungkol sa...school,that's it,"pagdadahilan niya.

"Ganun ba. Sabagay graduating ka na kaya siguradong ang dami niyo na gagawin sa school,"nakangiti naman tugon ng ina ng mapaniwala niya ito sa sinabi niya.

"Anyway,hijo..may naisip ka na bang school kung saan mo gusto magmasteral? You can go in Manila o kaya naman sa ibang bansa para mas maganda sa credential mo,"untag ng kanyang ama.

"Wala pa sa ngayon,Dad..maybe after our graduation baka po may naisip na ko,"sagot niya.

Tumango-tango naman ang ama. "Alright,just tell me immediately para masettled natin kaagad,"anang ng ama.

"Yes,dad. Thank you,"tugon niya.

"Ngayon pa lang nalulungkot na ko na mahihiwalay ka samin ng Daddy mo,"malungkot na saad ng ina.

"Ikaw talaga,Linda. Matagal pa naman yan saka akala ko ba accept muna na isang araw kailangan ng humiwalay satin ang anak natin?"

Mas lalo nalungkot ang ina sa sinabi ng kanyang ama. Nauunawaan naman niya ang nararamdaman ng ina dahil pinagbubuntis pa lamang siya nito ay labis itong naging hands on sa kanya kahit malaki na siya at binata na ginigising pa rin siya nito sa umaga. Hinahatiran ng gatas sa gabi kapag alam nitong mapupuyat siya sa pagrireview pinapainom siya niyun pagkatapos niya mag-aral para ika nga makatulog siya at epektibo naman iyun.

Beloved Wolf Series 1 : HEATHER EZMEWhere stories live. Discover now